Endless Second Chances – 9

Photo Credit: Shutterstock
Photo Credit: Shutterstock
Photo Credit: Shutterstock

Matapos ang sigawan namin sa tapat ng Jollibee Molino, nagkabalikan kami ni Arvin. Masaya na naman ako at tila napakaaliwalas ng paligid ko. Ganito nga yata pag-in love, tila napakaganda ng mga bagay-bagay.

Mabilis na tumakbo ang araw. Last Friday na ng September, magkikita ulit kami ni Arvin. Um-order ako ng isang Frappe at umupo sa isang couch ng Starbucks. Napansin kong nahihilig si Arvin sa kape dito. Kahit mahal, sige lang.

Dahil ang Starbucks sa loob ng MOA ang madalas naming meeting place, napakadaming tao. Marami pang Starbucks dito pero malayo pa ang lalakarin. Hindi ko mapilit si Arvin na sa ibang Starbucks ng MOA magkita dahil una, hindi niya kabisado ang MOA, baka maligaw siya at pangalawa, ayaw kong mapagod si Arvin sa kakalakad.

Naisipan kong ilabas ang Gen. Psy. book ko habang naghihintay. Nagbabasa-basa ako noong makita ko si Dan na nakapila sa counter. Nagulat siya noong napansin ako at bigla namang sumulpot sa harap ko si Georgina.

“Uy, Colleen! Akala ko ba uuwi ka na? May date kayo ‘no?” dire-diretso niyang bati.

Napangiti nalang ako. Umupo siya sa tabi ko kaya sinara ko ang Gen Psych book. “Bakit kayo nandito?” tanong ko.

“Wala lang, nagyaya si mokong. Libre raw niya ako.” Lumingon ako sa direksyon ni Dan.

“Naks, date n’yo?” pang-aasar ko.

“Hindi ah! ‘Yan? Date? Nililibre lang ako niyan ‘pag kailangan niya ng kasama.” sagot ni Georgy. Tumawa ako. Saglit kaming nagkuwentuhan kung bakit sila napunta sa MOA kahit plano nilang umuwi na agad.

“Ano na namang drama mo, Georgy?” napalingon kami kung saan nangaling ang boses ni Dan. May hawak siyang tig-isang Frappe.

“Wala, sabi ko ang guwapo mo.” sagot ni Georgy. Nagkatinginan kami ni Dan. Alam kong alam niyang sarcastic ang tugon ni Georgy.

Umupo si Dan sa tabi ko. Nasa gitna ako ng mag-best friend.

“Sipag naman ni Colleen. Nag-aaral padin.” pang-aasar ni Georgy habang nakatingin sa libro ko.

“Joke lang ‘yan,”

“Weh?” si Dan.

“Oo nga, wala kasi akong magawa eh.”

“May date nga kayo?” tanong bigla ni Georgy. Tumungo ako.

“Ahhh,” sagot ni Dan.

“Hinihintay mo ba si Arvin?” tanong ni Georgy. Tumungo ulit ako. Hindi ko alam pero bigla akong nahiya noong sinabi ko ang pangalan niya. Napatingin ako kay Dan.

“Samahan nalang natin siya Dan, hanggang sa dumating si Arvin.”

“Sige,” sagot ni Dan. Nanahimik kami, umiinom sa kanya-kanyang kape.

“Colleen, alam mo ba ‘yang si Dan,” umpisa ni Georgy.

“Ano na naman ba, taba?” ganti ni Dan.

“Aba! Gumaganti…”

Napatawa nalang ako bigla. Nagkatininginan si Georgina at si Dan at tumawa na rin.

“Bakit ba ako sumasama sa mga tulad n’yo? Nababaliw na rin tuloy ako.” sabi ni Dan pagkatapos naming uminom ng mga Frappe namin.

“Matagal ka nang may sapak.” comment ni Georgy kay Dan.

“Ang cute n’yo talaga, bakit ba hindi pa kayo magkatuluyan?” biro ko. Nagbago ang timpla ng mukha ni Dan noong sinabi ko iyon.

“Yuck!” sigaw ni Georgy.

“In your dreams, Georgy.” si Dan. Napangiti ako sa mga sagot nila. Kung titingnan mo silang dalawang magkasama, bagay sila.

Bakit? Bakit ngayon ko lang nakilala si Georgy? Kapag kasama ko siya, lumalabas ang side ni Dan na hindi ko nakilala. Napaka kaunti lang kasi ng oras na naging magkasama kami. Napakaraming bagay ang hindi ko nalaman tungkol kay Dan. Gusto kong tanungin si Dan ng tungkol sa mga bagay na iyon. Ni paborito niyang pagkain, hindi ko  pa alam. Pero, ayaw ko iyong gawin sa harap ni Georgina. Panigurado namang aasarin niya lang ako.

“Kamusta na kayo ni Arvin?” biglang tanong ni Dan. Kinabahan ako. Bakit iba ang dating noong si Dan na ang nagtanong? Dahil ba sa ex ko siya? At nangyaring pinsan pa niya ang boyfriend ko.

“Ayos lang. Busy siya, as always.” sagot ko sabay ngiti. Pilit na gumanti ng ngiti si Dan.

“Ayos lang ‘yun. Nag-aaral iyon ng mabuti para sa future n’yo.” sabi ni Dan, na tila ba wala kaming naging nakaraan pero alam kong nasasaktan siya sa mga sinabi niya.

Nanahimik ako.

“Kaunting katahimikan, para sa namatay na puso ni Dan.” bira ni Georgina. Hindi ko alam kung paano mag-react. Biro ba iyon? Sana alam ni Georgina ang mga sinasabi niya.

Napatingin ako kung saan nakatingin si Dan. Isang babae, ka-course ni Dan at may kasamang matangkad na lalaking ka-uniform namin ang nakita ko.

“Paano ba ‘yan, Dan? Told yah, may boyfriend na ang crush mo.” Tiningnan ko si Georgina na nagsalita.

Hindi pala ako ang tinutukoy ni Georgy. Hindi ako ang pumatay sa puso ni Dan. Kita ko ang mga mata ni Dan na nagbago ng timpla, tila malungkot at medyo naiinis pero hindi kasing lungkot noong mga panahong nag-break kami. Tandang-tanda ko pa ang hitsura niya noon. Iyon yata ang pinakamalungkot niyang hitsura.

Wait. Feelingera ka, Colleen.

“Wala na eh. Tsaka, crush lang naman ‘yun.” sagot ni Dan. Humigop sa Frappe niya. Tumunog ito noong sinaid niya. Uminom nalang din ako pero ubos na rin pala ang Frappe ko.

Nanahimik kami. Nasaan na kaya si Arvin? Na-traffic siguro siya. Galing pa naman iyong Quezon City. Napabuntong-hininga ako. Gustong-gusto ko na siyang makita.

“Tara, round two! Matagal pa ba si Arvin?” tanong ni Georgina.

“Ewan ko, walang reply eh.”

“Oh, Dan. Alam na.” pagsasalita ni Georgy na tila nang-uutos. Medyo naiilang ako na nasa gitna nila.

“Sige na nga. Ano’ng gusto n’yo?” tanong ni Dan. Bibili pala ulit silang dalawa, iyon ang ibig sabihin ng round two.

“Latte naman.” sabi ni Georgy.

“Ikaw, Colleen, ano’ng gusto mo?”

“Uhmmm,” tumingin ako sa counter, tumitingin ng puwede i-order.

“Ako kasi, ikaw. Ikaw ang gusto ko.” Napatingin ako bigla kay Dan dahil sa sinabi niya.

“Dan!” sigaw ni Georgy.

“Joke lang! Ano, Latte narin ba, Colleen?”

Napa-oo nalang ako. Hay. Nakatingin lang sa akin si Georgy, tila nag-aalala.

“Ayos ka pa ba na nandito kami? Dadating pa ba si Arvin?” tanong niya.

“Ewan ko. Pero, gusto ko paring maghintay. Kahit naghihintay na ako sa wala.”

“Pag-ibig nga naman.” komento niya.

“Colleen, pagpasiyensahan mo na si Dan ha.” dagdag pa ni Georgy.

Ngumiti ako kay Georgina bilang pag-oo sa mga sinabi niya. Ngumiti lang siya pabalik. Agad-agad namang nasa table na namin si Dan.

“Ayaw ko nang mag-kape pero para sa inyo, sige.” pagsasalita ni Dan noong nilagay niya ang mga baso ng latte sa table namin. Napangiti nalang ako.

“Mukhang mahihirapan tayong matulog ah.” sabi ko.

“Hindi mo man lang ba maiisipang mag-ikot-ikot?” tanong ni Dan. Naiinip na siguro siya kakahintay.

“Umalis na kayo kung gusto n’yo.” sabi ko.

Nanahimik kami, tapos biglang nagkuwentuhan ng mga kung ano-anong bagay na inumpisahan ni Georgina. Nanahimik, nagkuwentuhan at nagtawanan. Nagpapasalamat ako kay Georgina, kapag nandiyan siya, hindi ganoon ka-awkward ang paligid kapag kasama ko si Dan.

“Hindi ka pa aalis? Magsasasara na kaya ang SM.” sagot ni Dan.

“Oh?” napatingin ako sa orasan ko. Kanina, ala-sais lang ito. Ngayon, 9:30 na. Ganoon ako katagal naghintay? Tiningnan ko ang cellphone ko. Sunod-sunod ang mga missed call. Nakaligtaan ko ito dahil sa pakikipagkuwentuhan ko sa mga kasama ko.

“Tumawag pala siya sa akin,” sabi ko habang nagte-text. Tumawag siya pero ibang number ang ginamit. May mga text din mula sa iba’t ibang number. Kinakalabit ako ni Dan at lumingon kung saan siya nakatingin.

Nagtataka siya sa mga kasama ko. Mukha siyang pagod, hinihingal kakatakbo. Parang gusto ko nalang siyang yakapin. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa amin. Sabay namang tumayo si Dan at Georgy.

“Sinamahan namin siyang hintayin ka.” sabi ni Georgy. Ngumiti si Arvin kahit hinihingal padin. Nagkatinginan sila ni Dan. Awkward.

“Ingat kayo ha.” pahabol ni Arvin bago sila naglakad palabas.

“Kayo rin. Enjoy.” sabi ni Dan pero tunog bitter.

Ngiting-ngiti si Arvin noong tumabi sa akin.

“Hinintay mo talaga ako?”

Tumungo ako at bigla siyang niyakap. “Na-miss kita, Arvin.”

“Ako rin naman eh, sobrang miss.”

“Akala ko, hindi ka na dadating.”

“Bakit hindi? Nag-promise ako ‘di ba? Madami na akong promise na hindi natupad sa ‘yo. I told you, babawi ako.”

Ginantihan naman ni Arvin ang yakap ko. Noong bumitaw kami sa isa’t isa, halos wala nang customer ang Starbucks. Uwian na kasi.

May crew na lumapit sa amin at nagsabing within a few minutes, magsasara na sila.

“Paano ‘yan, Arvin?” tanong ko.

“Eh ano naman? Susulitin ko ‘yung within a few minutes na iyon.”

Speechless ako dahil sa sinabi niya.

“Arvin,” tawag ko.

“Bakit?” tiningnan niya ako na para bang ako ang pinakamagandang diyamante sa mundo.

“I love you.”

Napatawa siya at ngumiti ulit ng matamis sa akin.

“I love you, to infinity and beyond. Sorry ha. Na-lowbat ako kanina eh, tsaka may inayos lang ako sa org,”

“Ngek! Bulok mo naman eh! Sa toy story ‘yan galing eh.” reklamo ko sa banat niya.

“Eh ‘di my love for you… is stronger than the alpha and gamma rays.”

Kahit ilang beses na niya iyong sinabi, kinikilig padin ako.

=========================================

Heto po ang mga naunang kabanata sa blog seryeng ito:

1: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/23/endless-second-chances-1/

2: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/25/endless-second-chances-2/

3: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/29/endless-second-chances-3/

4: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/04/03/endless-second-chances-4/

5: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/04/07/endless-second-chances-5/

6: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/05/24/endless-second-chances-6/

7: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/05/30/endless-second-chances-7/

8:  http://definitelyfilipino.com/blog/2014/06/10/endless-second-chances-8/

About ememalberts

Playing different personas all day, all night including being a Psych major and a writer. Self-published: My Firsts With Him. If you want a copy, here's the reservation form: https://docs.google.com/forms/d/11_6pQJJbzGUshrezvxyes4tEtvN413Y3PQvO1YNAniY/viewform Reach her thru: memealberts.wordpress.com and https://www.facebook.com/ememalberts