Endless Second Chances – 36

Photo Credit: Shutterstock
Photo Credit: Shutterstock
Photo Credit: Shutterstock

My final exams went well and I am already on summer vacation. First year ended that way. Si Arvin naman, palaging nagpapasama sa bahay nila. Nagpaalam si Arvin para maligo, init na init na raw siya sa katawan niya kaya nanatili ako sa kuwarto nilang kambal.

“Hi,” bati ni Aaron sa akin. Magkamuha talaga sila ni Arvin, mas payat lang talaga siya at ang araw sa probinsiya ang may kagagawan sa kulay ng kanyang balat.

“Uhmmm, hello.”

Umupo siya sa tabi ko, sa kama kasi ako nakaupo.

“Ikaw pala ang girlfriend ng kambal ko.”

“Ako nga.”

“Gusto kitang kausapin,” sabi niya.

“Tungkol s’an?” tanong ko, kunwari ‘di ko alam. Siyempre, tungkol kay Arvin.

“Si Arvin,”

“Ano’ng tungkol kay Arvin?”

“Pasayahin mo siya ha, kahit hindi naman niya sabihin alam kong may galit padin siya sa akin eh.”

“Galit?” tanong ko, napatitig sa kanya.

“Galit, selos. Basta.”

Ngumiti siya at naramdaman kong parang totoo ang ngiting iyon. Hindi misteryoso katulad ng kay Arvin.

“Tatayo na ako, baka magselos pa ang kambal ko.” Tumayo si Aaron at lumabas ng kuwarto. That one was weird.

Okay, recap. Nawala si Aaron, six years old sila noon. Inanod sa ilog, akala ng pamilya niya ay nalunod kaya itinigil nila ang paghahanap. Arvin became Aaron, the perfect one of the twins. He lived in academics. He became moody, cold and mysterious. Arvin never gave up on searching for Aaron. Dan and Georgina are helping him too. Nahanap ni Georgina, nakabalik. Masaya si Arvin, masaya ang pamilya niya pero may parte si Arvin na hindi masaya. Malaki ang attensyong mawawala sa kanya dahil bumalik na si Aaron. Tapos na ang pagiging Aaron ni Arvin dahil bumalilk na ang totoong Aaron. Ngayon, nasaan na si Arvin? Ang tunay na Arvin?

Dahil may tira pa akong allowance, nakaalis ako ng bahay noong nagyaya si Georgina. She asked me to hang out at out coffee shop, sa KC cafe. I texted Dan on purpose para magkausap sila.

Georgina’s talking about his boyfriend, the guy that swept her off her feet. Mukhang in love nga si Georgina, ano pa bang magagawa ko? Kaso, sakto namang dating ni Dan at umupo sa table namin.

“Hi girls,” bati niya. Kita kong nagte-text kunwari si Georgina.

“George, can we talk?” tanong ni Dan.

“There’s nothing we can or should talk about.”

“George, please.”

“Please what?”

“Give me a second chance.” sabi ni Dan.

“Uhhhhh, aalis muna ako.” sabi ko patayo na sana pero hinila ako ni Dan paupo ulit.

“Diyan ka lang, Colleen. Gusto kong may witness sa mga makakarinig ng sasabihin ko.”

“Georgina Dela Cruz, nagkamali ako noong sinabi kong hindi puwede, puwedeng-puwede naman talaga. Sorry, ang tanga ko. Nasa harap na kita, tinalikuran pa kita.” seryosong pagsasalita ni Dan.

Si Georgy naman, nakatingin padin sa cellphone. Parang naiiyak na rin.

“Walang hiya, Dan! All this time that I am pinning for you, wala kang ibang bukambibig kung ‘di Colleen. I tolerated that kahit masakit. You know what, I think I don’t need to stay with people who’ll keep on hurting me.” madiing tugon ni Georgina.

Nagkatinginan silang dalawa. Gusto ko na talagang tumayo dahil masyadong mabigat ang nararamdaman ko para sa kanila.

”Dan, masakit tipong halos manhid na ako. I like you, Dan but not anymore.”

Napalunok ako. Tumingin sa akin si Georgina at tumayo, naglakad palayo. Tahimik lang si Dan, tulala.

“Ayos na ako. Titigilan ko na siya. Galing na sa kanya eh.” umpisa niya.

“Dan, I’m sorry.”

Tumungo lang siya. Noong nakita ko ang mukha niya, malungkot, bagsak, puno ng luha pero pinahid din niya agad. Boys are always boys.

“Gusto mo ng ice cream? O kaya libre kita ng pizza?” pagyayaya ko. Umiling siya at nagpilit ng ngiti.

“Ayos lang ako, Colleen. Salamat ha.”

“Gusto ko nang umuwi, kaso may sasabihin pa pala ako sa ‘yo.” nagpunas siya ng luha. Hindi talaga ako sanay na nakikita siyang umiiyak.

“Mahalin mo parin si Arvin kahit lalabas na ‘yung other side niya ha,” bilin ni Dan.

“Oo naman.” sagot ko.

“How many chances have you given your relationship?” natanong niya bigla.

“Hindi ko na mabilang, bakit?”

“Wala lang. S’atin kasi, no matter how much chances you give me, I always end up blowing them up.”

Tumingin siya sa malayo, tila napaisip.

“Naku Dan, ang drama mo.” pagbibiro ko to lighten up the mood.

“Colleen, pagod na ako. Pagod na akong magkamali ulit. Gusto ko ng bagong simula.”

“Bakit ‘di mo gawin?” tanong ko.

“Hindi dito, sa America.”

Tinitigan ko siya. “Seryoso?”Tumungo siya, nagbuntong-hininga.

“Matagal ko na itong pinag-uusapan pero ‘di ba nga, sabi mo everybody deserves their second chance?

“Tsaka , may mga bagay pa akong gustong gawin, tulad nito,” inusod niya ang upuan niya papalapit sa kin.

Kinuha niya ang mga mukha ko, panandalian niyang tinitgan ang mga mata ko bago niya ako hinalikan.

Nangmanhid ang buong katawan ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, pawang nakalapat lang ang kanyang labi sa labi ko.

Naghahabol ako ng hininga dahil sa kaba.

“Whooo!” sabi ni Dan na parang nabunutan ng tinik. Nakatitig siya sa akin, may gusto siyang sabihin.

“Walang…”

“Spark.” dugtong ko. Napangiti si Dan at ngumiti rin ako at sumunod ang tawa namin.

“Wala…” sabi niya.

“Wala ngang spark.” nasabi ko, napahawak sa lips ko. Kasi, wala, wala akong maramdaman. Hindi ako masaya, hindi ako malungkot. Wala na nga yata akong feelings para kay Dan. Tumatawa nalang kami noong naghiwalay kami.

Wow, confirmed. I have no more feelings for Dan or maybe there are still some. The point is, we’re done.

Done.

“Naisip ko lang, ‘di ba sabi mo everyone deserves their second chance, I think I need mine in life. Kaya ako aalis.”

“Dan, you deserve more. All of us, we deserve second chances in life. Pero kung uulit ka ng pagkakamali, katangahan na ‘yun.”

Tumawa siya, nawawalan ulit ng mata pero ang cute. Natural at totoong masaya pero may halong lungkot. Matagal ko na siyang hindi nakikitang masaya.

“So, friends?” nilapit niya ang kamay niya.

“Friends.” sagot ko at nag-shake hands kami.

“Payong kaibigan lang Dan, don’t bring something in the US the will remind you of her.” sabi ko. Tumingin siya sa akin, nalungkot dahil sa tinutukoy ko at nagpilit ng ngiti.

“Dan, aalis ka ba talaga?” tanong ko.

“Bakit, pipigilan mo ako?”

“Hindi, kasi kung doon ka masaya, why not? Tsaka, you need peace. I know that.”

“Iyan ang gusto ko sa’yo eh. Naiintindihan mo ako.”

“That’s the least thing I can offer you. Support, help, my presence.”

Nanahimik siya, napangiti.

“Thank you, Colleen. I love you.”

I stared at him.

“As a friend though,” sabi niya sabay ngiti.

=========================================

Heto po ang mga naunang kabanata sa blog seryeng ito:

1: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/23/endless-second-chances-1/

2: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/25/endless-second-chances-2/

3: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/29/endless-second-chances-3/

4: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/04/03/endless-second-chances-4/

5: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/04/07/endless-second-chances-5/

6: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/05/24/endless-second-chances-6/

7: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/05/30/endless-second-chances-7/

8:  http://definitelyfilipino.com/blog/2014/06/10/endless-second-chances-8/

9: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/06/30/endless-second-chances-9/

10: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/04/endless-second-chances-10/

11: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/06/endless-second-chances-11/

12: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/09/endless-second-chances-12/

13: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/12/endless-second-chances-13/

14: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/15/endless-second-chances-14/

15: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/26/endless-second-chances-15/

16: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/29/endless-second-chances-16/

17: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/11/endless-second-chances-17/

18: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/29/endless-second-chances-18/

19: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/30/endless-second-chances-19/

20: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/30/endless-second-chances-20/

21: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/31/endless-second-chances-21/

22:http://definitelyfilipino.com/blog/2014/09/02/endless-second-chances-22/

23: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/09/13/endless-second-chances-23/

24: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/09/13/endless-second-chances-24/

25: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/03/endless-second-chances-25/

26: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/10/endless-second-chances-26/

27: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/11/endless-second-chances-27/

28: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/14/endless-second-chances-28/

29: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/16/endless-second-chances-29/

30: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/19/endless-second-chances-30/

31: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/22/endless-second-chances-31/

32: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/23/endless-second-chances-32/

33: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/25/endless-second-chances-33/

34: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/21/endless-second-chances-34/

35: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/30/endless-second-chances-35/

Maraming Salamat po at God bless!

About ememalberts

Playing different personas all day, all night including being a Psych major and a writer. Self-published: My Firsts With Him. If you want a copy, here's the reservation form: https://docs.google.com/forms/d/11_6pQJJbzGUshrezvxyes4tEtvN413Y3PQvO1YNAniY/viewform Reach her thru: memealberts.wordpress.com and https://www.facebook.com/ememalberts
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!