Endless Second Chances – 35

Photo Credit: Shutterstock
Photo Credit: Shutterstock
Photo Credit: Shutterstock

Back to real life, back to reality and everything. At least for me. Ewan ko lang kay Dan at Georgina, Aaron at Arvin.

Kaunti nalang at matatapos na ang pagiging freshmen College ko. Ang bilis ng panahon. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang takbo ng first year ko. Exciting, nakakaloka dahil ang daming nangyayari.

Dumaan ako ng library para manghiram ng isang libro. Pagkalabas ko, nakaabang si Dan.

“Bakit?” tanong ko.

“Wala, gusto lang kitang makita.” sabi niya. Sumunod siya sa paglalakad ko.

“Kamusta?” tanong ko.

“Eto, normal.”

“Normal,” pag-uullit ko. Tumungo siya, yakap-yakap ko ang libro sa dibdib ko.

“Eh ikaw?”

“Stressed as ever. Always.” sagot ko. Ngumiti si Dan.

“Ang sipag mo naman kasing mag-aral. Pauwi ka na ba? Sabay ka na s’akin.”

“Dan, can we talk about something?” Napatigil kami sa paglalakad.

“Oo naman.”

“It’s not about us actually,”

“Okay.” Napabuntong-hininga ako.

“It’s about Arvin and Aaron. Arvin’s acting weirdly. Parang bipolar, masaya dahil nandiyan si Aaron, tapos biglang iritable kasi nandiyan si Aaron.”

Napangiti si Dan. “Inaasahan ko nang mangyayari ‘yun pero ‘di ba, matagal na siyang ganoon?”

Tumungo lang ako. “Pero mas weird eh, mas matindi. Kumbaga dati, slight lang. Ngayon, matindi na. Uncontrollable na!”

“Tara, sa kotse tayo magkuwentuhan.”

“May sasabihin ako.” halos sabay kaming nagsalita pagkasakay sa kotse.

“Ikaw muna,” sabi niya.

Huminga muna ako ng malalim. “Ikaw na.”

“Ano ba ‘yan, ikaw na nga.”

“Dan, pag-aawayan pa ba natin ito? Ikaw na nga muna.”

“Nasaktan ako doon sa nakita ko sa Laguna. Alam mo, tama ka. Manhid ako sa sarili kong feelings. Ngayon lang ulit ako nasaktan, kasing sakit ng break-up natin. Actually, hindi eh, alam mo ‘yun parang mas masakit ito.”

“Sorry, Dan.” nasabi ko.

“’Di mo kailangang mag-sorry. Ako dapat mag-sorry sa sarili ko. Ang tanga ko eh. Nasa harap ko na pinakawalan ko pa.”

Nanahimik ako. Hindi ko kasi alam ang sunod na sasabihin.

“Flash news, break na ang parents namin ni Georgina.”

“Ohhh, ‘yun naman pala eh!”

“Ano’ng ‘yun naman pala?”

“Wala, akala ko kasi natatakot kang ligawan si Georgina dahil may affair parents n’yo.”

“Ewan ko ba, basta. Tanga ako pagdating sa mga babaeng mahal ko eh.”

Nanahimik ako. Hindi ko ulit alam ang sasabihin.

“Dan, bakit nagbago si Arvin pagdating ni Aaron? Bakit ganoon? Ang weird niyang kumilos.” tanong ko, sudden change topic.

Napabuntong-hininga si Dan.

“Sorry to disappoint you Colleen but I’m not the person to answer that.”

Nanahimik nalang ako at sumimangot. I know the person to answer that question. I just don’t know if he’s willing to answer.

“Pupunta ka bukas, ‘di ba? Family dinner with the Hagacers,”

“Oh, muntik ko nang makalimutan. Buti pinaalala mo.”

“Paano kaya ang magiging eksena, ngayong nandito na si Aaron?” tinitigan ko nalang si Dan, seryoso ang mukha. Napaisip din ako, paano nga ba?

Binuksan ni Dan ang makina ng sasakyan at humarurot pauwi.

==

Dinner was fine. Okay, magaling mag-strike ng conversation ang parents ni Arvin pero si Aaron palagi ang laman. The dinner felt like Aaron was a shining star. About his memory, paunti-unting naalala na raw niya ang dapat maalala(sabi ni Arvin). May kakaibang saya ang parents ni Arvin dahil sa pagdating ni Aaron. Kakaiba talaga. Pati si Arvin, naging kakaiba rin.

After eating, nawala bigla si Arvin. Sabi ni Dan, baka nasa club house. Pinuntahan namin, nandoon nga. Nakaupo sa isang bench, nag-iisa.

“Hi,” bati ko sabay tabi sa kanya. Sa kabila niya ay tumabi naman si Dan.

“Bakit n’yo ako sinundan?” inis niyang tanong.

“Concerned lang naman kami sa ‘yo,” malungkot kong tugon.

“Then don’t be.”

Nagkatinginan kami ni Dan kahit nasa gitna naming si Arvin.

“’Vin, your words.” pansin ni Dan.

“Paki mo ba? Alam mo namang all the way up here, I worked hard. Mawawala lang ‘yung lahat dahil kay Aaron.” sabi niya.

“Hindi ko maintindihan, ‘Vin.” nasabi ko.

Naiipon ang luha sa mga mata niya pero mukha itong galit. Napatingin ako sa paligid ng clubhouse.

“Hindi mo talaga maiintindihan, Colleen.” sabi ni Dan.

“I know right? Naging Aaron si Arvin noong nawala kambal niya. Pefect, matalino, all in one. Naging valedictorian pa nga ng klase eh, pero alam mo Dan, nakakainis ding magkaroong ng boyfriend na hindi mo kilala. Paano ko makikilala, eh hindi pa yata niya kilala ang sarili niya!” sagot ko. Napatingin lang sa akin si Dan. I can’t hold it anymore. I am really annoyed already.

“All this time, ang nakikita mong Arvin ay si Aaron.” sabat ni Arvin.

Wala akong masagot.

“Gusto kong makita si Arvin,” nasabi ko.

Ngumiti si Arvin, isang pilit at malungkot na ngiti.

“You won’t want to see him,” ang sagot niya. Pinahid ang mga tumulong luha.

“What if I do?”

Tahimik lang si Arvin. Lumingon ako kung saan nakabaling ang tingin niya.

“Dan,” tawag ni Arvin.

Nakasunod si Georgina, mukhang pagod dahil sa taas ng suot-suot niyang heels.

“Dan, ang bilis n’yong maglakad!” reklamo ni Georgy.

Tumawa si Arvin, isang natural na tawa.

“Sampung taon na ang nagdaan, ganyan padin kayo.” puna ni Arvin. Kita kong nagulat si Dan pero ngumiti rin. Now, I am feeling out of place.

“Mas naging maarte lang si Georgina,” sabi ni Dan.

“Huy! Uupo ako!” sigaw ni Georgina sa harap namin. Tiningnan niya ako tapos tumingin siya sa dalawang lalaki.

“Huy!” sigaw ulit ni Georgina na parang bata. Nagkatinginan si Arvin at Dan, tapos biglang tumawa.

Nagulat ako sa ginawa nila. Nakaputing dress si Georgina. The white dress hugs her curves very well, siya ang pinaka-elegante sa family dinner ng mga Hagacer. She’s beautiful even though she’s looks haggard now.

“Naunahan ka ni Colleen, George.” si Arvin.

“Labas tayo, ‘Vin” pagyayaya ni Dan. Tumayo si Arvin, nakatitig sa malayo. Sunod na tumayo si Dan at nakangiti. Nagkatinginan lang kami ni Georgina dahil pareho kaming hindi nakakaintindi sa ginagawa ng dalawa. Pareho silang naglalakad palayo at magkaakbay pa. Niloloko ba ako ng mga mata ko? Imahinasyon ko lang ba ito? Si Dan at Arvin, magkaakbay?

“Colleen!” sigaw ni Arvin mula sa malayo.

“Sumama ka!” dagdag niya.

“Kung gusto mong makilala si Arvin,” dagdag na sigaw ni Dan.

Nagkatinginan ulit kami ni Georgina. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at kinaladkad ako.

“You don’t want to miss this!” sigaw ni Georgina habang hila-hila ako.

“Why drinking all of the sudden?” tanong ni Georgina sa dalawang nakaupo sa tapat ng tindahan. May hawak-hawak na beer.

“Namatayan ako,” sagot ni Dan. Tiningnan ko si Arvin, baka sakaling may matino siyang sagot dahil mukhang lasing na si Dan.

“Ng puso. One moment, I was searching for her then…”

Tinitigan ko si Dan. Patay, may amats na.

“She’s gooooooone. May boyfriend,” napatingin ako kay Georgina, umiiwas siya. Si Dan naman, malayo parin ang tingin.

“Pare,” siniko ni Arvin si Dan, tumingin kay Georgina.

“Ayos lang ‘yan. Mabuti nang alam niya. Ikaw, Arvin? Kailan mo ibabalik si Colleen sa akin?” lasing na tanong ni Dan. Hindi ko alam kung ano’ng sunod na gagawin.

Tiningnan siya ng masama ni Arvin.

“Dan, may tama ka na.” puna ni Arvin.

“Don’t go back on being Aaron, ‘Vin. Hindi bagay,”

Nainis ang mukha ni Arvin. Buti nalang at hindi pa siya lasing. Napabuntong-hininga si Arvin bago binaba ang beer at tumayo.

“Dan, masyado ka paring baby. D’un ako angat sa ‘yo,” pagsasalita niya. Namumula dahil sa kalasingan pero maayos ang tindig, hindi nga lasing. Pinilit niya si Dan na tumayo, hindi na kaya. Inakay niya pa pauwi. Wow, just wow.

“Natu-turn off ka ba? Na kilala mo na ako?” tanong ni Arvin habang akay-akay niya si Dan, naglalakad kami pabalik ng bahay nila. Arvin na iinom ng walang dahilan? Parang hindi nga siya.

Na-turn off nga ba ako? Kaunti pero ano bang ginagawa ng taong nabulag na ng pag-ibig? Tatanggapin at tatanggapin padin siya hindi ba?

Umiling ako. “Actually, natutuwa nga ako eh. Nagmamahal na ako ng totong tao, hindi made up lang.” Umusod ako para mas madikit sa kanya habang naglalakad.

“Colleen, magsisimula mo palang makilala si Arvin.” sabi niya.

“Actually, hindi pa nga niya talaga kilala ang sarili niya eh. Tutulungan mo ba siya?”

“Oo naman.” sagot ko.

“Sana mahalin mo parin ako kapag nakilala mo na ako,”

==

Pagkatapos ng klase, sinundo ako ulit ni Arvin. Biglang naging busy si Dan sa mga school work niya kaya hindi kami nagkakasabay sa pag-uwi. Si Georgina at mga kaibigan ko naman, may kanya-kanyang trip sa buhay after class.

Dating gawi, sundo sabay mini date sa MOA. Tumambay kami sa paboritong tambayan, sa lugar kung saan masarap ang hangin at maririnig mo ang alon na humahampas sa semento. Nagkuwentuhan kami at naisip kong ilagay si Aaron sa eksena.

“Uhmm, Arvin about Aaron…”

Nakatingin lang siya, halatang hindi kumportable.

“I know it’s hard and difficult. Alam kong nag-a-adjust ka pa pero why don’t you give Aaron a second chance to be your brother? I know why you’re quite distant to him.”

He just shrugged. “Sino’ng nagkuwento sa ‘yo? Si Dan? Pakialamero na naman ‘yun.”

“Kinuwento niya dahil kinulit ko. Now, don’t blame Dan. Just answer my question.”

“What question?”

“Won’t you give Aaron a second chance?”

“Second chance my ass,”

Si Arvin ba talaga ito?

“Oh my God, I hate the real Arvin.”

“Then break up with me.” sabi niyang cool pero alam kong pikon na.

“Ang weird mo! You’re more than moody. Masaya kang nandiyan ang kambal mo, tapos ngayon naiinis ka, tapos ang gulo mong kausap! Ano ba, Arvin!” sabi ko tapos hinampas ang braso niya.

Nagkamot siya ng ulo, tila nainis. Hala! Baka mag-away na naman kami.

“Bakit ba kasi nangingialam ka?” tanong niya.

“Concerned lang ako.” sabi ko.

Nanahimik kami. Awkward uncomfortable silence.

“Kung concerned ka, please stay out of the picture.”

Tumingin ako sa malayo, ang ganda sana ng Manila Bay dahil nakikita ko ang mga ilaw kahit malayo. Hindi ko alam kung bakit pero may mga tumulong luha sa mga mata ko. Ayaw ko silang punasan dahil baka mapansin ni Arvin na umiiyak ako. Naiiyak ako kasi parang hindi na si Arvin ito.

“Gustong-gusto ko itong ginagawa,” sabi ko sabay sandal sa balikat ni Arvin. Nanigas siya nang bahagya pero unti-unti ay nag-relax din.

“Wow,” nasabi ni Arvin. Pinikit ko ang mga mata ko. Kasama ko ang boyfriend ko, pero dapat masaya ako. Dapat handa akong tanggapin na ito ang second-rate Arvin, ang Arvin na binuo ng pagseselos at galit. Kinuwento sa akin ni Dan na pangalawa raw si Arvin sa lahat ng bagay, palaging “mas” si Aaron noong bata pa sila. Noong nawala si Aaron, nabuhay si Arvin sa imahe ni Aaron, matalino, respetado, almost perfect.

All along, Arvin was hiding who he was inside. He did because he had to keep his twin’s brother memory alive by being Aaron. Ngayon ko lang naisip na siguro, ang dahilan ng pagiging moody ni Arvin ay ang confusion, confusion kung siya pa ba si Aaron o si Arvin. Slowly, things are coming together like perfect pieces of a puzzle.

=========================================

Heto po ang mga naunang kabanata sa blog seryeng ito:

1: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/23/endless-second-chances-1/

2: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/25/endless-second-chances-2/

3: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/29/endless-second-chances-3/

4: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/04/03/endless-second-chances-4/

5: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/04/07/endless-second-chances-5/

6: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/05/24/endless-second-chances-6/

7: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/05/30/endless-second-chances-7/

8:  http://definitelyfilipino.com/blog/2014/06/10/endless-second-chances-8/

9: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/06/30/endless-second-chances-9/

10: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/04/endless-second-chances-10/

11: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/06/endless-second-chances-11/

12: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/09/endless-second-chances-12/

13: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/12/endless-second-chances-13/

14: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/15/endless-second-chances-14/

15: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/26/endless-second-chances-15/

16: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/29/endless-second-chances-16/

17: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/11/endless-second-chances-17/

18: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/29/endless-second-chances-18/

19: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/30/endless-second-chances-19/

20: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/30/endless-second-chances-20/

21: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/31/endless-second-chances-21/

22:http://definitelyfilipino.com/blog/2014/09/02/endless-second-chances-22/

23: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/09/13/endless-second-chances-23/

24: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/09/13/endless-second-chances-24/

25: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/03/endless-second-chances-25/

26: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/10/endless-second-chances-26/

27: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/11/endless-second-chances-27/

28: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/14/endless-second-chances-28/

29: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/16/endless-second-chances-29/

30: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/19/endless-second-chances-30/

31: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/22/endless-second-chances-31/

32: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/23/endless-second-chances-32/

33: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/25/endless-second-chances-33/

34: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/10/21/endless-second-chances-34/

Maraming Salamat po at God bless!

About ememalberts

Playing different personas all day, all night including being a Psych major and a writer. Self-published: My Firsts With Him. If you want a copy, here's the reservation form: https://docs.google.com/forms/d/11_6pQJJbzGUshrezvxyes4tEtvN413Y3PQvO1YNAniY/viewform Reach her thru: memealberts.wordpress.com and https://www.facebook.com/ememalberts
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!