Endless Second Chances – 21

Photo Credit: shutterstock
Photo Credit: shutterstock
Photo Credit: shutterstock

Pagkagising ko, napansin ko agad kung nasaan ako. Clinic ng school. Napatingin ako sa relos ko, past 2 pm na. Hala! Iyong exam ko!

Tumayo ako at nagulat ‘yung nurse dahil sa akin. Sinabi kong hahabol ako para sa exams ko.

“Ms. Mateo, kailangan mong magpahinga,” malumanay ang boses ng nurse. Bata pa siyang tingnan, buti nalang hindi masungit.

“Pero, p’ano po ‘yung exams ko?”

“May medical certificate ka na. Pinabigay ko sa mga kaklase mo. Ano ba’ng nangyari sayo?” tanong niya bigla. Pinaupo niya ako doon sa upuan na nakaharap sa table niya. Kinuha niya ang temperature ko at blood pressure. Sinabi kong hindi pa rin ako kumakain at nahihilo parin ako.

Ang sakitin ko talaga, hindi lang ako nakakain ng breakfast, nahimatay na agad. Bukod kasi sa late ako nakapasok, ayaw kong bumili dahil nagtitipid ako.

Pinabalik ako ng nurse sa pagpapahinga. Maya-maya’y pinauwi na niya ako.

Pagkalabas ko ng campus, nandoon si Arvin.

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Arvin, concerned ang mukha. Ano ba iyan! Kinikilig tuloy ako!

“Nahimatay ako tapos, hindi ako nakapag-exam.”

“Ahhh… Bakit ka naman nahimatay? Hindi ka na naman kumain ‘no?”

Bakit alam niya? Palibhasa kasi, nahihilo ako agad kapag hindi nakakain sa oras, worst kung mahimatay ako.

“Tara, kain tayo. Namumutla ka parin. Ano’ng gusto mo? Unli rice ba?” tanong ni Arvin, tapos mapang-asar ang ngiti. Kinuha niya ang bag ko at naglakad kami. Napapangiti tuloy ako dahil sa concern niya. Tapos, kinurot ko siya sa tagiliran niya.

Kumain kami ni Arvin sa Mang Inasal kahit alas tres na ng hapon. As usual, saan pa ba kami tatakbo kung ‘di sa Mall of Asia? Sabi niya, halatang gutom daw ako. Wala man lang daw akong poise kumain. Tinatawanan ko nalang si Arvin. Kahit kasi napaka-moody niya, kapag tinopak ng pagiging sweet, malulunod naman ako sa kilig.

Sinabi kong gusto ko nang umuwi kasi may exam pa ako bukas, tsaka aayusin ko ang special exam ko dahil nga doon sa subject na hindi ko na-take.

Pumayag naman si Arvin. Bitbit ni Arvin ang bag ko at magka-holding hands kami hanggang sa sakayan ng mga van pa-Cavite. Ang sistema dito, bayad ka muna bago sakay.

“Kuya, dalawang Imus po.” sabi ni Arvin kay kuya na naniningil. Napatitig ako sa kanya.

“Akala ko ba, every Friday ka umuuwi ng Cavite?” pagtataka ko.

“Ihahatid na kita, mahirap na. Baka mahimatay ka na naman.”

“’Vin, no need!” protesta ko.

“Ano ba talaga?!” inis na tanong ni kuyang tagasingil.

“Dalawa nga po kuya,” kinuha ni kuya ‘yung bayad ni Arvin. Napatitig nalang ako sa kanya. Gusto kong umiyak kasi ang sweet niya.

Buti nalang, napaupo kami sa harap. Nakasandal ang ulo ko kay Arvin habang akbay-akbay naman niya ako. Ang bango-bango ni Arvin. Iyon padin kasi ang pabango niya since high school kami, hindi siya nagbabago.

“Colleen,”

“Hmmm?” tanong ko. Pinikit ko ang mga mata ko, gusto ko kasing matulog.

“Mainit-init ka Colleen,”

“Tulog lang kailangan ko,” sagot ko.

Tahimik ang loob ng van, tanging ang ingay ng aircon ang naririnig ko. Malamig pero ramdam ko ang init ng katawan ni Arvin.

Maya-maya’y bigla siyang kumanta.

“I’ll turn off the lights
And let you sleep
Just close your eyes,
Relax and breathe”

Pamilyar ang kanta at tono. Hinintay kong ipagpatuloy niya.

“Keep dreamin’ ’cause
I’ll be keepin’ your heart in mine.
Don’t you know I’ll always be here
Even in my hardest times
Don’t you know my spirit’s right here

When you’re feelin’ sad
Just remember that it’s alright
When you close your eyes I’m by your side”

By your side! Iyon ang title. Napatigil si Arvin noong sumakay na si Manong Driver, ibig sabihin aalis na kami. Napamulat ako.

Noong umaandar na kami, may kumalabit kay Arvin. Bakit kaya? Noong lumingon siya sa likod, umalis ako sa pagkakasandal ko.

“Pssst, kuya! Tuloy mo kanta mo. Favorite song ko iyon eh!”

Napangiti si Arvin. Natuwa rin naman ako. Akalain mo ‘yun, magugustuhan nila ang kanta ni Arvin. Gustong-gusto ko rin naman marinig eh. Kumanta siya hanggang sa matapos ang By Your Side ng Faber Drive. Maya-maya’y tumigil si Arvin at nagsimula  ulit.

Saying I love you 
Is not the words I want to hear from you
It’s not that I want you
Not to say, but if you only knew
How easy it would be to show me how you feel
More than words is all you have to do to make it real
Then you wouldn’t have to say that you love me
‘Cause I’d already know “

More than words naman! Kinikilig tuloy ako lalo. Pero, pakakalmahin ko nalang ang sarili ko. Dapat makuntento na akong naririnig siyang kumakanta sa tabi ko.

What would you do if my heart was torn in two 
More than words to show you feel
That your love for me is real
What would you say if I took those words away
Then you couldn’t make things new
Just by saying I love you “

What would I do if my heart was torn in two? Napatanong ako sa sarili ko.

It is already torn in two.

More than words … more than words to show how I feel.

Arvin and Dan. More than words … more than words ni Dan.

Shocks! Bakit bigla ko iyon naisip?! Bakit iniisip ko si Dan?

Last day ng exams, yehey!

Hindi parin kami bati ni Georgina pero I will approach her soon. Ang weird, buong klase pinapansin na ako at lumipas na iyong gold digger issue pero kaming dalawa, hindi parin nagpapansinan.

Dahil anak ng tinapa, favorite akong paglaruan ng tadhana… sa klase pa ni Dan ang special exam ko. Umupo ako sa pinakalikod, iyong tipong hindi niya ako makikita pero nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin habang nag-e-exam kami. May subject din pala silang Biochemistry. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko after our exams. Bukod kasi sa napakahirap ng exam, ang weird ng feeling dahil pinagtitinginan ako ng mga kaklase ni Dan, lalo na ng mga babae.

Pagkalabas ng room, hinablot ni Dan ang braso ko. Nagkatinginan kami pero tumakbo nalang ako. Hindi ko kasi alam kung ano ba’ng dapat kong sabihin sa kanya.

Nag-text naman sa akin si Arvin bigla. Hindi raw niya ako mahahatid ngayon dahil may kailangan siyang gawin sa school. Sabi ko, ayos lang dahil ilang araw na rin niya ako hinatid ng sunod-sunod. Tsaka, alam kong kailangang bumawi ni Arvin sa academics niya. Bongga na kasi ang ginawa niyang pagbawi sa akin. Na-prove kong seryoso nga si Arvin sa akin.

Hayyyy, si Arvin. Nakakalungkot maglakad mag-isa along Macapagal Ave. Nakaka-miss din iyong taong nagbibitbit ng bag ko. Buti nalang, walang Dan at walang Georgina sa paligid ko. Siguro, makukuha ko ang oras na ito para makapag-isip.

Dahil tapos na ang prelim, makakapag-relax na ako. Ano kaya ang una kong gagawin? Alam ko na, magmo-movie marathon ako! Nag-bus ako pauwi. Mas mahal kasing sumakay sa van. Tsaka, nagtitipid ako. Hindi na kasi ako nabibigyan nila mama ng pera.

Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko noong napansin kong lagpas na pala ako. Naisip ko, hindi nalang muna ako didiretso ng uwi, tutal katatapos lang naman ng exams. Makadaan nalang sa shop nila Mama, ang current and one and only business namin na lugi na. Located somewhere in Dasma.

Tanging ilaw na nga lang sa counter ang bukas, may isang matandang nagka-kape habang nagbabasa sa diyaryo. Bukod sa kanya, walang customer ang coffee-shop. Ngayon alam ko na ang ibig sabihin nila Mama noong sinabi nilang lugi na kami. Napakalaki ng nilabas nilang puhunan para dito. Mula sa pagapa-renovate ng lugar, installation ng aircon at mga gamit. Pakiramdam ko, nadudurog ang puso ko habang nakikita itong ganito. Hindi nagbibiro sila Mama noong sinabi nilang nalulugi na kami. Parang gusto ko ulit umiyak.

“Oh Colleen!” bati ni mama. Alam kong nagulat siya dahil bigla akong dumating.

“Pagod ka na, ‘nak? Gusto mo ng latte? O ng frappe?” tanong niya.

Umupo ako sa isang booth. “No need, ma. Ayos lang ako. Tambay nalang ako dito ha,”

Pumayag si Mama. Sa isa pang table ay busy siya sa pagco-compute. Kaharap niya ang laptop niya, at patong-patong ang ma papel.

Napalingon ako noong bumukas ang pinto. Nagulat ako dahil pamilyar ang mukha ng matandang babae. Noong pumasok siya, halos malaglag ang puso ko dahil sa lalaking nakasunod sa kanya.

Suot-suot padin ang chef uniform niya, si Dan. Nag-welcome si Mama sa bisita niya. Nagkatinginan kami ni Dan, parehong gulat. What a small-small world.

Sa isang booth, alam kong seryosong nag-uusap ang mama ko at mama ni Dan. Tumabi naman siya sa akin.

“Ngayon, alam mo na ba kung bakit wala akong pambayad ng tuition?” tanong ko. Apolegetic ang mukha ni Dan, parang naka-pout at tumungo. Ang cute niya. Kainis!

“Nakakainis lang,” sabi ko.

“Ganyan talaga sa isang business, may times na lugi… It’s part of the game.”

“Wow, ano ba’ng alam mo sa business?” tanong ko.

“Kaunti lang, pero someday matututuhan ko rin ang mga bagay na alam ng mama ko.” sabi niya. Lumingon siya sa mga nanay naming na nag-uusap.

Pilit nalang akong ngumiti.

“Ano ba’ng balak mo sa buhay? Balak mo bang magtayo ng restaurant pagka-graduate mo?” tanong ko.

“Hmmmm, siguro. Hindi ko pa nga alam eh, pero sa ngayon gusto ko lang i-enjoy ang pagiging estudyante ko.”

Nanahimik kami. Wala naman na kasi akong masabi. I just suddenly felt awkward. Tanungin ko kaya siya kung bakit nag-enroll siya sa St. Mary’s College? Kaso, bahala na nga. Tinanong ko nga.

“Doon ako napa-enroll kasi doon nag-aaral si Georgina. Iyon nalang din ang school na nag-a-accept ng late enrollees. Hindi ko naman alam na doon ka rin nag-aaral eh,” sabi niya. Napa “Ahhhh,” ako.

Awkward silence again. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Ang saya ko. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Iba kasi iyong feeling kapag kasama ko siya eh, ibang-iba kapag kasama ko si Arvin. Magkaharap kami ngayon sa isang table.

“Uy, tapos na silang mag-usap.” sabi ko. Tumatayo na ang mga nanay naming at nag-shakehands. Tinitigan lang ni Dan.

“You coming, Tiao nu?” tanong ng mama ni Dan. Lumapit siya sa amin. Tiao nu nga pala Chinese name ni loko.

“I’ll go home myself.” sagot ni Dan. English pero Chinese accent, ang kulit lang.

May sinabi ‘yung mama niya na hindi ko naintindihan.

Tiningnan ko si Dan. Sabi niya, “Mag-ingat daw ako pag-uwi.”

Nag-translate pala siya para sa akin. Kasi naman eh, nag-Chinese pa mama niya.

“Hindi ka pa uuwi?” tanong ko kay Dan. Nagdidilim na rin.

“Bakit? Bawal ba akong mag-stay dito?” tanong niya.

“Hindi naman… Eh kasi, gagabihin ka.”

“Ayos lang, Colleen. Tapos naman na ang exams eh,”

Oo nga. Tama siya. Tapos na ang exams so bakit nagaalangan akong mag-stay dito? Dahil ba sa presence niya? Maya-maya’y tumayo si Dan at lumapit kay mama ko. Ano naman gagawin niya ngayon?

=========================================

Heto po ang mga naunang kabanata sa blog seryeng ito:

1: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/23/endless-second-chances-1/ 10409429_10204807900665664_2299104238708968951_n

2: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/25/endless-second-chances-2/

3: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/03/29/endless-second-chances-3/

4: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/04/03/endless-second-chances-4/

5: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/04/07/endless-second-chances-5/

6: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/05/24/endless-second-chances-6/

7: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/05/30/endless-second-chances-7/

8:  http://definitelyfilipino.com/blog/2014/06/10/endless-second-chances-8/

9: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/06/30/endless-second-chances-9/

10: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/04/endless-second-chances-10/

11: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/06/endless-second-chances-11/

12: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/09/endless-second-chances-12/

13: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/12/endless-second-chances-13/

14: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/15/endless-second-chances-14/

15: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/26/endless-second-chances-15/

16: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/07/29/endless-second-chances-16/

17: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/08/11/endless-second-chances-17/

18:

19:

20:

Maraming Salamat po at God bless!

About ememalberts

Playing different personas all day, all night including being a Psych major and a writer. Self-published: My Firsts With Him. If you want a copy, here's the reservation form: https://docs.google.com/forms/d/11_6pQJJbzGUshrezvxyes4tEtvN413Y3PQvO1YNAniY/viewform Reach her thru: memealberts.wordpress.com and https://www.facebook.com/ememalberts
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!