Electoral Aftermath (Back to Reality)

05/14/2016 10:20:51 AM

O, ayan, tapos na ang araw na kinapananabikan natin. Minsan lang mangyari sa tatlo at anim na taon ito, kaya sino ba naman ang hindi makapagpipigil na bumira mula sa kanilang hanging-lamang isip at bugso ng damdamin, ‘di ba?

Tapos na ang araw kung saan bawat isa sa atin (as long as rehistrado tayo para sa proseso na ito) ay pipili ng ihahalal natin sa pamahalaan. Tapos na ang panahon na halos bawat isa sa atin ay may sey sa isyu ng pamumulitika sa bansa. Tapos na rin ang panahon na pumanig tayo sa kung sinu-sino na para bang dating slogan ng PBA. (Sa’n ka? Kampihan na!)

In short, tapos na ang eleksyon.

Ngayon, ano na?! Tapos na rin ba talaga tayo na para bang relasyong romansa espesyal o summer love? Or summer job?

Photo credit: Philstar.com

Pustahan tayo, pagkatapos ng elesyon ay talaga namang back to normal na ang marami sa atin. As in babalik lang sa pagiging walang pakialam sa lipunan ulit. As in pagkatapos nila magpakita ng kanilang passion ay tatahimik sila na parang walang nangyari o hindi sila naging bahagi ng matinding pangangampanya ng publiko, lalo na sa social media.

As in ang mga naging keyboard warrior nun para sa kung kani-kaninong kandidato, tatahimik na lamang. Magiging troll na lamang sila at maghahanap ng simpleng kapalpakan sa Facebook at gagawin nila itong national item dahil sa pagpapansin sa mga user at mainstream media.

As in aatupagin na lamang ng maraming tao ang panunood ng teleserye, variety show, mga piling romantic stories sa Wattpad, at kung anu-anong kababawan. At pag nagkaroon ng problema sa administrasyon, ito yung mga taong mananatiling wapakels dahil mas busy sila sa pagpuputakte rin sa lovelife ng ibang tao.

Pu***ang mga ‘to.

Click here to continue reading.