Don’t Say Goodbye (Part 5/Finale)

 

Photocredit:photobucket

After four years, dumating na rin ang  Graduation Day; sa wakas  natapos na din ang paghihirap ni Wena sa kolehiyo. Cum laude si Wena sa kursong Bachelor  of Science in Nursing kaya napakadali lang upang makapagtrabaho siya  sa Private  Hospital sa kanilang probinsiya. Walang balak mag-abroad si Wena, tanging ang pangarap niya ay makapagsilbi sa kanyang mga kababayan sa kanilang nayon. Hindi man kalakihan ang sahod, masaya naman siya sa kanyang ginagawa.

” Nurse, ang ganda mo naman, bagay kayo ng tito ko,” sambit ng 9 year-old boy na pasyente.

” Bolero ka talaga, may naalala tuloy ako sa yo, haaaays!” tugon ni Wena.

” Nurse, malulungkot ang pamangkin ko kung  hindi tayo magkakatuluyan.  Siguro naman ngayon, puwede na?” sambit ng isang familiar na boses sa kanyang likuran.

Mabilis ang tibok ng puso ni Wena. Pinagpawisan siya sa sobrang kaba, kilalang-kilala  niya  ang boses ng lalaking iyon. Hindi siya nagkamali si Alfred ang lalaking  nagpatibok ng kanyang puso noon at hanggang ngayon laman pa rin ng kanyang isipan.

“Little boy, excuse mo na kami ng tito mo ha, may pag-uusapan lang kami.  Magpahinga ka lang muna diyan, babalik ako  mamaya para sa susunod na gamot mo ha, ” tugon ni Wena.

Nagtungo ang dalawa sa labas ng   private room.

” Please, Mr. Fuentabuelo, layuan mo na ako.”galit na sambit ni Wena.

“Ms. Alcantara, kung noon hinayaan kitang umalis, pwes ngayon hindi na na mangyayari yun. I still love you, Please don’t say goodbye  again” nagmamakaawang tugon ni Alfred.

Wala nang nasambit na salita ang  dalaga nang hinila  siya ni Alfred papunta sa bakanteng private room ng hospital.  Nalunod sa mga halik  ni Alfred si Wena, hanggang hindi na nakapagpigil ang  dalaga at  hindi na niya na malayan na patuloy na siya sa pagganti ng mga halik ng binata.  Bumababa ang mga kamay ng binata sa maseselang bahagi ni Wena habang sinusuri ang hubog nang kanyang katawan, habang si Wena ay patuloy pa rin ang pagyakap at paghalik sa leeg ng binata.

” Alfred, I love you and I’ll never say goobye to you,” sambit ng dalaga, habang nakatingin sa mga  mata ng lalaki.

” I love you, too, Wena.  Please don’t say goodbe again, okay?” tugon nito.

Patuloy na  pinagsaluhan ng dalawa ang pag-ibig nila para sa isat-isa hanggang umabot sila sa rurok ng kaligayahan.

WAKAS…

Photocredit:photobucket

About Nassirk23

I'm not weird. Fan of Fairytale. Addict of Romantic Stories. Emotional. Idon't smoke. I eat a lot but drink a little. I talk for a living and make life out of it.