Do you Believe in Dreams?

(Photo Credit: www.josephinewall.co.uk)
(Photo Credit:  www.josephinewall.co.uk)
(Photo Credit: www.josephinewall.co.uk)

Panaginip? Oo, literal na panaginip ang tinutukoy ko, and yes! I do believe in dreams..

Hayaan n’yong ilatag ko sa inyo ang ilang mga bagay kung bakit naniniwala akong totoo nga ang panaginip.

Bata pa lamang ako noon, madalas na akong managinip ng kung anu-anong mga bagay.

Minsan napapanaginipan kong lumilipad ako at natatakot at kung anu-ano pa. Nang ako’y lumaki at magkaisip ay napagtanto ko na ang ilang mga bagay na aking napanaginipan ay mayroong kahulugan.

Nang mauso si google, madalas kong i-research ang mga kahulugan ng mga panaginip at kung bakit nanaginip ang isang tao.

Nakasaad sa mga artikulong nabasa ko na nanaginip daw ang tao sa tuwing sobra niyang iniisip ang isang bagay kaya napanaginipan niya ito. Nanaginip din diumano ang tao kung sobrang pagod, at kung minsan ay napapaniginipan ng tao ang mga bagay na nangyari sa nakaraan. Bagama’t di natin kontrolado ang ating mga panaginip kaya madalas sa ating paggising ay hindi na natin ito maalalala .

But in my case, ganito ang nangyayari, sa tuwing nanaginip ko at hindi ko maalalala. Malamang it doesn’t mean anything, but sa tuwing nanaginip ako ng madaling araw at kung sa paggising ko ang lahat ng nasa panaginip ay naalala ko, including my emotion during the time na nanaginip ako..I tell you…may ibig sabihin yon..at ito ay isa lamang sa mga panaginip ko na mayroong kahulugan.

Bago ko pa natagpuan ang lalaki sa buhay  ko ngayon ang ama ng aking anak, napanaginipan ko na naging boyfriend ko raw si Willie Revillame, nagmomotor daw kami at lahat ng tao ay pinapansin kami and I’m so happy doon sa panaginip ko at ang kaligayahang iyon ay nararamdaman ko maging sa aking paggising.

6 months later, nakilala ko ang hubby ko ngayon, just like Willie Revillame na sikat, ganoon din ang asawa ko, sikat siya  sa lugar namin at nangyari nga na sumakay kami ng motor at lahat ng tao pumapansin sa amin kasi nga sikat siya.

So ganoon, magpasahanggang  ngayon hindi man exactly nagkatotoo ang nangyari sa panaginip, ngunit somehow nangyayari siya.gulo ko noh?sabi nga kasi ng isang spirtual leader na nakausap ko mayroon daw kasi akong “Gift of the Holy Spirit”at lahat daw tayo ay mayroon noon.ang sa akin  ang tinatawag na “Gift of Phophecy”and INterpretation of dream”.

Gayunpaman hindi naman lahat ng panaginip ko ay dinidibdib ko lalo na kung ito ay masama, kasi naniniwala pa rin ako, na tanging ang Diyos lamang ang nakakalam sa kung ano man ang mangyayari sa buhay ng tao.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!