‘Di hadlang kung wala o mayroon ka mang pinag-aralan

Image by: pinterest.dk

Ang kuwento ng isang babae.

Mahirap ang buhay ng isang babae noon, ni hindi man lang niya natapos ang Elementarya.

Sa anim na magkakapatid ay siya ang panganay.

Sa sobrang hirap ng buhay kinuha siya ng isang kamag-anak niya at doon siya nag-aral ng Elementarya ngunit ‘di natapos.

Nagtitinda siya ng tahong at mga iba pang lamang-dagat sa palengke upang may maiuwi siyang pera para sa pamilya niya.

Ngunit ‘di pa rin sapat ang kinikita niya doon.

Lumuwas sa lungsod, nagtrabaho siya doon bilang isang kasambahay.

Siyempre mahirap kasi nagtatatrabaho ka sa ibang bahay,

na ‘di natin alam na baka may mangyari na ‘di inaasahan.

Mahirap ang malayo sa pamilya mo, pero kailangan para sa ikabubuhay nila.

Palipat-lipat siya ng trabaho bilang isang kasambahay, dahil na rin sa mga boss na  masama ang ugali.

‘Yun nga sumusulat lang siya sa kanyang pamilya upang sabihin na ok lang siya dahil wala pang telepono nang mga panahong iyon.

Lumipat ulit siya at pumunta sa Manila, nabbakasakali na lumaki ang suweldo bilang kasambahay.

Hanggang isang araw..

Nakita niya ang pag-ibig niya sa Manila. <3

Tumatagal ay naging sila at pumunta sila sa tirahan ng naging asawa niya ito — sa Mindanao.

Nagkaroon sila ng isang anak na babae.

Dahil magulo sa tirahan ng lalaki at talaga naman nakakatakot,

lumuwas sila ng Manila upang doon nila ituloy ang magandang pagsasama nila.

Maganda ang naging buhay nila sa Maynila at nasundan pa ng isa pang anak na babae.

Isang araw sumuka ang padre de pamilya ng dugo at agad naman itong isinugod sa ospital.

Ulcer ang sakit ng asawa niya.

Gumaling din naman agad at nagtrabaho ulit; maganda ang buhay nila sa Maynila.

Nagpasya sila na magbakasyon sa probinsya ng babae upang madalaw niya ang kanyang pamilya.

Isang linggo at babalik na sana sila sa Maynila nang nagkasakit muli ang ama ng tahanan.

‘Di na sila nakabalik ng Maynila dahil sa sakit ng asawa niya.

Binenta nila ‘yung mga gamit sa Maynila upang panggamot at bayarin sa ospital.

At doon na lang sila nanirahan sa probinsya.

 

Muling lumuwas ang mag-asawa sa lungsod kung saan sila nagtatrabaho.

Pinaalaga muna sa magulang niya ang kanilang anak.

At pabalik-balik ang sakit ng asawa ng babae.

Pinauwi na lang niya ito sa probinsya at siyang naging tagapangalaga ng mga anak nila.

Balik-kasambahay na naman ang babae.

Umuuwi lamang ang babae kapag  New year at piyestahan.

Na ‘di man lang niya nakakasama tuwing Pasko o kaarawan ng kanyan mga anak.

At lumipas  ang panahon… naging lima na ang anak niya.

Masaya naman siya sa piling ng limang anak niya kahit minsan lang umuwi ang babae.

Nagkaroon na rin sila ng komunikasyon dahil nauso na ang selepono.

Kahit mahirap ang buhay, napag-aral niya ang kanyang mga anak.

Dahil napunta siya sa mababait na amo na kahit papaano ay gumanda ang buhay niya.

Nakapagpapadala nang maayos sa kanyang pamilya. May magandang relasyon sa pamilya sa kabila ng distansya.

Siya ang nagbigay inspirasyon at pagmamahal sa mga anak niya.

Siya na nagbigay-buhay at kahit kailan ay ‘di matutumbasan ng kahit ano ang kanyang sakripisyo.

Kinikilala at ipinagpapasalamat niya ang mga mabubuting tao na ibinigay ng Panginoon na tumulong sa kanya.

Kasambahay lamang? Oo. Walang mataas na pinag-aralan, ngunit naitaguyod pa rin niya ang kanyang mga anak.

Kahanga-hangang babae. Kahanga-hangang ina.

Ganyan siya kadeterminado.

Ganyan siya kadesidido.

Ganyan rin ba ang nanay n’yo?

Gaya rin ng nanay ko?

^_^

 

 

 

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!