#DFKI : Limang Taong Pagmamahal … and counting!

Ang happy kids ng DF K-Iskolars

Parang kailan lang, ang liliit pa nila o! Mga nene at Totoy pa ang mga batang kalakal na ito. Ngayon mga dalaginding na at binatilyo! Mula sa anim, naging 43 na sila.  Mas matatangkad pa sa akin ang ilan. Hindi na nga siguro kami mapapatid dahil magkakakabit na ang aming mga bituka.  hahaha  ^_^

(¯`v´¯)
`•.¸.•´
It’s all about love!

Hindi naman ito naging posible…ang journey nila towards a new and better life, a new and better outlook in life — kung wala lahat ng mga tao na naging bahagi ng mga pagbabago sa mga batang ito. Hindi ko ito kakayanin kung wala sila na aming partners in Christ!

Limang taon na! Imagine! 5 years! At nagpapatuloy pa rin dahil sabi nga ng Panginoon noon sa isang panaginip….“Just keep on. I’ll take care of the angels and send them your way!”

Tunay naman! Iniisip ko pa lang ang isang challenge na kinakaharap namin ng mga bata, may bigla nang darating na surprise!

No solicitation. No fundraising. No begging on the streets. Talagang bahala si Lord na humipo sa mga taong magiging malaking bahagi pala ng aming journey ng mga batang ito.

Marami rin ang nagtaka. Imbes na magrelax na lang ako dahil tumatanda na ay kumuha pa raw ako ng sakit ng ulo, ng mga intindihin. Makukulit kasi ang mga bata, totoo ‘yan. Karamihan ay wala pang values o kaya’y kakaunti pa lang; kailangan pa talagang gabayan sa lahat ng aspeto. Pero mahirap ipaliwanag ang joy na nararamdaman sa bawat batang nabubuhayan ng pag-asa.

Noon pa naman kasing 1992 pa ako me mga iskolar pero pakonti-konti lang.  Tatlo, paisa-isa…basta mayroong dumarating sa buhay ko na gustong mag-aral, hindi ko matiis. Bahala na si Lord kung paano kakayanin. Basta trabaho lang ako nang trabaho. Masayang nagtrabaho na pati gabi ay ginagawang araw.

Basta ang sa akin lang, ano ang halaga ng buhay kung wala kang naging papel sa mundo?

Gusto kong maging bahagi ng change even in my own small ways. Doon ako masaya. At lalo akong sumaya because I found out na marami pala kaming gustong makatulong sa mga batang nangangailangan ng help, ng kaunti man lang na love, attention, at inspiration.

Mahirap din, oo, pero may “moments”, ‘ika nga. Special moments kapiling ang mga bata, lalo na kung tinitingala ka nila at tiwala silang hindi mo sila pababayaan sa abot ng iyong makakaya.

Iba ang ngiti ng mga batang inahon mo mula sa kawalang-pag-asa. Magical!

jerome-2013
At higit sa lahat, natuturuan din silang tumulong sa kapwa…lalo na kapag nagsilaki na sila at may mas mabuti nang buhay.

Ang hiniling ko sa kanila…paglaki n’yo, tumulong rin sa ibang bata ha. Kahit tig-iisang bata lang kayo, basta mayroon.

Because God loves a joyful giver and He will bless you more!

Sa ating ika-5th year — THANK YOU DEAR PARTNERS IN CHRIST! Mabuhay ang mga DF KIskolars!

Ang mga minamahal nating DF Kalakal Iskolars!

PS.  Marami ring gagraduate sa SY na ito!  [Pusuan!]

#DefinitelyFilipino   #DFKIskolars

Ating balikan ang nakaraan:

 

2011 photos

Iniipunan ko sila ng kalakal noong 2011
Iniipunan ko sila ng kalakal noong 2011

jana-andrew-2011

 

poster-rainbow
Magical Smiles!

 

Eto sila ngayon, ang mga achievers!
Eto sila ngayon, ang mga achievers!

 

 

Ang happy kids ng DF K-Iskolars
Ang happy kids ng DF K-Iskolars

 

Ang aming mga partners in Christ!
Ang aming mga partners in Christ!

 

 

Definitely Filipino Bloggers International
Definitely Filipino Bloggers International
Ang DF Bloggers, mga unang nakasama ko sa pagsisimula ng suporta sa Kalakal Iskolars
Ang DF Bloggers, mga unang nakasama ko sa pagsisimula ng suporta sa Kalakal Iskolars

 

Nagsimula sa panaginip, nakarating sa Definitely Filipino. Mahaba na talaga ang naging kuwento ng Iskolars
Nagsimula sa panaginip, nakarating sa Definitely Filipino. Mahaba na talaga ang naging kuwento ng Iskolars

Kaya naman taus-puso ang aming pasasalamat sa “for life” na naming pagkakaibigan!

Praise to the Father who makes all things possible!
Praise to the Father who makes all things possible!

Muli at muli, sa maraming taon nating pinagsamahan at pagsasamahan pa…..  Super thank you!

Definitely Yours, Mommyjoyce and the DF Kalakal Iskolars!
Definitely Yours, Mommyjoyce and the DF Kalakal Iskolars!

 

 

 

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!