Death Penalty: Parusa sa nagaganap na krimen sa Pinas

Alam na natin na ang pumatay ng kapwa ay mali. Kahit saang anggulo natin tingnan ay mananatiling katotohonan ito dito sa balat ng lupa. At kung moral at maka-diyos kang tao, suportado mo ito dahil sa hustisyang tama ang iyong pinaniniwalaan.

Pero ang tanong, paano naman ang mga nabiktima ng mga kriminal? Ang mga pamilya at mga inosenteng taong napahamak at napatay ng walang rason dahil sa kanilang masamang gawain at nagawa?

Ang aking opinyon ay salungat sa paniniwalang hindi solusyon ang parusang kamatayan sa ating bansa.

OO, SOLUSYON ITO SA ATING BANSA.

Hindi dahil wala akong moral sa buhay at hindi makatao. Sadyang sa panahon ngayon kailangan lang talagang dumisiplina ang mga kapwa tao natin at ituwid ang kanilang mga sarili kahit mahirap ang buhay. Hindi dahil mahirap ang buhay ay gagawa na ng krimen. Maraming paraan para mamuhay nang tama.

Hindi natin kailangang ikumpara ang bansa natin sa bansa ng iba dahil hindi tayo sila at hindi sila tayo.

Maraming makabuluhang dahilan para ipatupad ulit at suportahan ang death penalty.

Una sa lahat, naniniwala ako sa pantay na parusa sa kapantay na krimen na nagawa. At bilang isa sa mamamayan ng ating lipunan, naniniwala ako na tama lang na ibalik at magkaroong muli ng ganitong batas sa ating bansa.

Si Digong na rin ang nagsabi:

“Hindi ko layunin ang pababain ang krimen sa ating bansa. Nagkasala ka ng malaki sa iyong kapwa tao,  MAGBAYAD KA SA GINAWA MO”.

Dahil sa batas na ito, ang mga pamilyang nabiktima ay mabibigyan ng katarungan at hustiya para masara ang kanilang mapait na nahantungan at paghihirap.

Pangalawa, naniniwala ako sa tamang hustisya.  May mga krimen na malala, nakakatakot, at kakila-kilabot. Halimbawa nito ay rape, massacre, abduction, bribery, drug related situations na kung saan buhay na ng tao ang nakataya.  Tama lang na ipatupad  ang batas na ito para mahadlangan ang paglaganap ng mga ito sa bansa natin.

Pangatlo, para i-demoralize at pahinain ang loob ng isang tao para gumawa ng krimen.

Kaya ganito na kalala ang sitwasyon ng krimen sa ating bansa ay dahil wala tayong  malakas na parusa laban dito. Kung may ganitong batas, marami ang matatakot at maraming titino.

Naniniwala ako na makabubuti ito sa lipunan natin at hindi ako naniniwala na ikabababa ito ng halaga ng buhay ng tao sa bansa natin.

Hindi na ba kayo nagsasawa na araw-araw ang headline ay droga, patayan at rape?  Sa tingin ko, sawa na tayo sa kawalan ng solusyon.

Hindi ako pabor at sang-ayon sa parusang panghabangbuhay na pagkabilanggo. Dahil ganun din, pinatay mo na rin ‘yung kriminal. Ang pinagkaiba lang, “slowly but surely”; at best, mabubulok at mamamatay siya sa bilanguan ng katandaan o sa sakit na makukuha niya doon. Main point: Walang konsensyang apektado dahil  hindi direkta na pinatay siya.

Isa pa, magsisiksikan lang silang lahat sa kulungan. Kargo pa ng pamahalaan ang kanilang pagkain at kalusugan. Masuwerte pa sila sa mga pulubi, dahil sila pinapakain 3 times a day ng gobyerno, eh ‘yung mga pulubi? Sa basurahan naghahanap ng makakain.

Karapatan ng bawat isa sa atin na mabuhay. Totoo. At depende sa atin kung paano natin gagamitin ito dito sa mundo. Ang death penalty ay sinang-ayunan ng nakararami sa makataong paraan. At ang batas na ito ay ginawa para bigyan ng boses ang bansa natin na tumino tayo at mabuhay nang marangal. At ito ang kapalit sa hindi pagsunod sa moral na buhay.

About Miso

katutubong bulacan,land of the chicharons. simpleng lalake na may kaligayahang ubod ng babaw. maginoo pero medyo bastos.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!