Dear Senator Grace Poe (An Open Letter)

Photo courtesy of Myrnalyn Lavapie/Senator Grace Poe's Office
Photo courtesy of Myrnalyn Lavapie/Senator Grace Poe's Office
Photo courtesy of Myrnalyn Lavapie/Senator Grace Poe’s Office

Dear Senator Grace Poe,

Noong una kong nakita ang election banners and posters mo noong nakaraang halalan ay napailing ako. Paano naman kasi, isa na namang anak ng artista o sikat na tao ang tatakbo sa politika. Malamang, sa lakas ng kapit at pangalan ni FPJ sa madla, sure win ka na.

Bago mag-election ay ugali ko na ang tumingin sa accomplishments at plataporma ng mga nagnanais kumamkam ng yaman, este “magsilbi” pala sa ating bayan.

Sa mga profile, plataporma at reputasyon ko binabase kung iboboto ko ba o hindi ang kandidato. Hindi kasi ako bilib sa TV Ads na umuubos ng ¾ timeslot sa primetime o mga print materials na kalat lang sa pader ng barangay namin. Ayokong tumingin sa mga kampanyang puro kasinungalingan at actingan lang sa TV ang alam.

At dahil nga sa anak ka ni FPJ ay ekis ka agad sa listahan ko. Sabi ko sa sarili ko, anong alam mo sa pagpapatakbo ng bansa na punong-puno ng buwaya at ahas sa loob ng palasyo? Ikaw na isang ginang na galing sa disenteng angkan, pero wala pang napapatunayan—anong alam mo sa politika?

Kung mananalo ka man ay dahil ‘yun sa pangalan ng iyong namayapang ama (na ala-multo sa likuran mo sa banners at posters mo).

At hindi nga ako nagkamali, panalo ka. Sa pagkakatanda ko ay nasa top 5 ka pa nga. Umikot ang mata ko nang makita ko ang pangalan mo, lalo na nung oath taking ninyo na bilang miyembro ng Senado. Malamang ay lalamunin ka nang buhay sa Senado. Paiikutin ka at gagamitin ka ng sistema para mapasunod sa mga maiitim na balak nila.

Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay napabilib mo ako nang sobra. Nang makita ko ang pangalan mo na isa sa mga matinding nambatikos kay Abad dahil sa DAP scandal, lubos akong namangha.

Sa totoo lang ay speechless ako. Hindi ko talaga akalain na ang taong minata-mata ko noong eleksiyon na walang kayang gawin ang siyang may lakas ng loob na ikwestiyon ang isang taong pinapaikot ang batas sa kanyang palad.

Ikaw na pinaratangan kong walang kayang patunayan at lalamunin sa senado ang siyang hindi natakot na pataubin ang taong naghahari-harian upang magnakaw sa kaban ng bayan.

Ikaw na sa tingin ko noon ay tatahimik lang sa Senado ang siyang nagbigay ng boses sa harap ng mga damuhong namumuno upang gawin ang tama at panagutin ang nagkasala. At hindi ka kagaya ng mga Senator na akala mo ay may script mapalabas lamang na “in good faith” nga ang DAP.

At nito ngang Biyernes ay nagdesisyon ka na sumakay sa MRT para malaman mo first hand ang karanasan ng mga commuters araw-araw.

Masasabi kong napabilib mo talaga ako lalo na at hindi ka nagtawag ng media o mga security guard o alalay na tutulong o sasama sa ’yo sa train. Hindi ka nanghingi ng atensiyon sa media upang masabi lang na may ginagawa ka.

Hindi ka nagpasikat, pinili mong maging ordinaryong araw lang ang unang tapak mo sa kontrobersiyal na MRT.

Maliban pa sa simpleng suot mo noong araw na ‘yun ay hinayaan mo ang mga tao na makasabay ka sa MRT kahit pa pinigilan sila ng ilang guwardiya dahil nga Senator ka.

Sa tingin ko ay isa itong act of humility and kindness, walang masyadong atensiyon, hindi kagaya ni Mar Roxas (sorry, Mar) na talagang may mga photographers at camera men pa habang “inaayos” niya ang trapiko sa kalsada. Hinayaan mo ang sarili mo na danasin ang hirap ng mga ordinaryong Pinoy araw-araw.

SINO? SINO SA MGA SENATOR ANG NAKAISIP GAWIN ANG GINAWA MO?

At dahil nga napapabilib mo talaga ako ay nag-search ako sa google ng mga batas na naipasa mo. At hindi mo nga ako binigo.

Nakita ko ang listahan ng mga naipanukala mong batas na pumoprotekta sa mga ordinaryon Pilipino. Nakita ko na sa likod ng iyong katahimikan ay ang sinseridad mong tumulong at ayusin ang sistema sa Pilipinas.

Hindi ka man nabibigyan ng exposure sa media gaya ng mga peste at ipokritong epal na kasama mo sa Senado, hindi maitatatwa na marami ka nang nagawa at marami ka pang gustong gawin.

Ikaw ang isang patunay na ang taong gustong tumulong ay hindi nag-iingay at pinangangalandakan ang kanyang mabuting gawa. Pinatunayan mo na hindi porke walang masyadong interview at palabas sa mga balita ay wala nang nagagawa. Ehemplo ka ng isang opisyal na nagnanais mapabuti ang kalagayan ng bansa. Pinatunayan mo na hindi lahat ng anak o kamag-anak ng isang sikat o malaking tao ay kapangyarihan at pera na ang hanap.

Hindi magiging madali na linisin ang napakaruming sistema ng politika ngunit sinimulan mo kahit bago ka sa larangang pinasok mo. Hindi ka nagpatinag sa mga bully, buwaya, ipis, daga at mga gahaman sa senado.

Sana madagdagan pa ang kagaya mo na may magandang adhikain at mga plano para sa bansang ito.

PS: Maraming salamat at pinatunayan mong mali ako at ang mga taong hindi ka binoto. Sana ipagpatuloy mo ang serbisyong walang bahid ng kasakiman. Sana ituloy mo ang adbokasiya mo na unti-unting magpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino.

Gaya ni Madam Miriam, huwag kang palalamon sa mga kasama mo na nabalutan na ng agiw at nasilaw na sa pera.

By: PirmaatPluma of DFBI Family

Related Links:

GRACE POE MRT RIDE

GRACE POE PROFILE

About PirmaAtPluma

Mahilig Sa Yellow, pero hindi kay Pnoy|| Madaldal|| A Fan of MSK, RAGubalane, Mike Portes, Kara David and akoposijayson || Fan ni Bob-Ong|| Proud Pinay|| Adik sa Clash of Clans
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!