Dear L (Unang Bahagi)

Untitled

Dear L,

Isang taon na at kalahati na nasa Maynila ka.. Nakalulungkot, nakalulungkot isipin na.. naging close tayo (close ba talaga tayo? Haha.) kung kailan naman malayo na tayo sa isa’t isa. Ngunit paano nga kaya tayo naging close, ‘yung closeness na open at nagbabahaginan ng mga karanasan sa buhay, at humihingi ng mga komento at mga payo sa bawat isa?

Paano nangyari yun? Hay naku, isang mahabang kuwento. Haha.

Hindi naman kasi tayo yung tipo na magkakasundo agad, magkaaway tayo palagi, ang ating mga prinsipyo at paniniwala ay nagbabanggaan palagi. Ikaw kasi itong tipo ng isang babae na hindi ko talaga lubos na maintindihan, hindi ko nga alam kung pinagtitripan mo ako minsan na akala ko seryoso ka naman at ‘di mo ‘ko masisi na kapag nagseryoso ka ay mainterpret ko as nagsisinungaling lang. Ano ka ba, ang hirap mong ihandle? Hahaha.

Oo, maganda ka! Yun lang! Hahaha. Pasensya na. L. ‘Di ko agad napansin kung ano yung nasa loob mo (dati), yung parte ng pagkatao mo na nais ko talagang halungkatin at malaman. Until now nahihiwagaan pa rin ako eh, sa mga nangyayari, sayo.

Wala akong magawa sa mga oras na ‘to.. kaya naisipan ko munang sulatan ka. Medyo awkward or corny na matatawag kaso ito ang trip ko eh, old fashioned ba.. nagsusulat ako ng via snail mail kahit alam ko namang may account ka sa Facebook at Twitter. Naisip lang kita bigla, sumagi ka sa weirdo kong pag-iisip.

Alam mo ba ang pakiramdam ng may namimiss kang tao? Oo, yan ang nararamdaman ko at ikaw ang nasa isip ko ngayon. Nananalangin ako na iniisip mo rin ako paminsan-minsan kahit alam naman nating napakaimposible.

Kaibigan na kita ng halos 3 years na, pero nagkasama lang  sa isang klase ng isang taon, pinipilit kong mapalapit sa iyo dati kaso nahihirapan ako.. Para malinaw, uumpisahan ko sa simula ang aking kwento…

(itutuloy)

About Jiro Magiting

I'm one of a kind of a person who is simple and weird.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!