Dear L (Pangalawang Bahagi)

Untitled

(pagpapatuloy…)

Natatawa ako kapag nagsisimula ka nang magkuwento at mag-share ng iyong problema. Hindi naman ito bago sa akin, pero nagtataka pa rin ako, bakit isa ako sa mga taong pinagsasabihan mo? Bakit ako? Hahaha.

Nakikita ko ‘yung tiwala at sincerity mo sa bawat salitang iyong binibitiwan. Feeling ko napaka-blessed kong tao dahil diyan.. Itatanong ko ulit.. close ba tayo? Haha.

Nangingiti, natatawa, nagtataka, ‘yung tipong ‘di pa rin ako makapaniwala. Teka, imposible ba talagang maging close tayo? Haha. Wow! Naku hindi.. Paano nga ba nangyari ‘yun? Hahaha.

At dahil ‘di kita matiis, minsa’y kinakabahan at nag-aalala sa ‘yo.. nandito ako nakikinig, tina-try sa kakarampot na pangungumbinsi na at least sana’y mainspire kita. Grabe din naman kasi itong pinagdadaanan mo, p’wede bang ako na lang muna sumalo ng lahat para ‘di ka gaanong mahirapan? Haha.

Ok lang naman na tulungan ka, ‘wag ko lang malaman na nahihirapan ka. Alam mo bang mas madali kang tulungan kaysa tiisin na lang ang kalabog ng dibdib ko? Ang bigat.. ang bigat-bigat kasi.

Mabait ako sa ibang kaibigan, nagbibigay ng tulong sa pag-comfort sa kanila. Iba ka sa kanila. Malakas ang loob mo sa pagkakaalam ko, hinangaan nga kita eh, paghangang ihinahambing ka kay Gabriela Silang, larawan ng matapang na Pilipina. Maybe, isang kang espesyal na kaibigan para sa akin. Oo, tama ka ng pagkakabasa.. espesyal na kaibigan.. ano pa nga ba? Haha.

Naalala ko tuloy ang unang araw natin sa klase. Hunyo ng taong 2013, unang buwan ng ating pagiging magkaklase.

Ganito kita idedescribe: isa ka sa mga classmates na madaling mapansin, madaldal ka, dung! Bisaya ba! Hahaha. Parang bala ng ng machine gun ang pagbitaw mo ng mga salita.. Parng pabebe nga lang dahil ‘di talaga mapipigilan. Haha. Minamasdan kita habang nagsasalita, hinihintay ang yung pag-inhale/exhale.. Superhirap syang sundan promise! Ang haba ng pagitan ng paghinga mo.. Hahaha. Mga ilang minuto rin ang pagitan.. Inhale.. blah blah blah.. exhale.. samantalang ang bilis ng pagsasalita mo ay kasingbilis ng rumaragasang flash flood.. Hahaha

(itutuloy..)

About Jiro Magiting

I'm one of a kind of a person who is simple and weird.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!