D-Day

D-DayMay Sampung ulit na atang naglalakbay paikot ang hintuturo mo sa bunganga ng tasa.
Pumipitik – pitik pa ito na wari’y ibig subukin ang tibay nito.
Pakiramdam ko’y aliw na aliw ka sa munting kalansing na nililikha ng pagtama ng iyong kuko sa bubog.

“Lalamig ang kape!!”

basag ko sa katahimikan mo na kanina pa bumabagabag sa akin. Saglit kang napatingala sa akin,ngunit mabilis din’g binalik ang tingin sa tasa ng kape. Kung nahulaan ko lang na mas type mo’ng makipagtitigan sa bagong bili ko’ng tasa edi sana’y hindi na lang kita pinagtimpla nang dumating ka sa bahay.

“Favorite color mo yan!!”

nang-uto na lang ako upang basagin ang trip mo’ng pakikipag-mental telepathy sa kulay pink na tasa.

Tumakas ang pilit na ngiti sa nangingintab mong labi..

Sa wakas naagaw ko din ang eksena!!

“Wax may sasabihin ako!!”

“Ey naman sus. Ok lang ano ka ba mylabs! Akala ko nakalimutan mo eh!!”

Pagkawika ko’y parang gripong tumulo ang mga luha..
Nag-uunahang umalpas sa magkabilang mata,pababa sa makinis at malambot mong pisngi.

“Ssshh!! Ano ka ba? Hindi ako galit,ok lang may gift ka man o wala. Ikaw lang sapat na!!”

“Wax basta tandaan mo ito ha. Kahit anong mangyare,wag mong iisiping hindi na kita mahal!!”

Kinakain man ng agam-agam ang utak ko. Halos magdiwang naman ang puso ko sa nadinig.
Kulang na lang,dagat – sunset – upuang kahoy – at paminsan minsang pagsilip ng mga sanga ng niyog.
Romantic scene na!!

“Mahal na mahal din kita!!”

masaya kong tugon kasabay pa ang intensity 7 na kabog ng dibdib.

“Mahal na mahal” ulit ko pa. Tinitiyak na kanya ngang nadinig ang sagot ko.

“Maghiwalay muna tayo Wax!!”

Naging lunar eclipse ang sunset,nagtsunami ang dagat,naglaglagan ang mga bunga ng niyog at nagunaw ang mundo…

Pagkawika niya’y parang gripong tumulo ang mga luha. Nag-uunahang pumatak sa aking mga mata pababa sa aking pisngi.

May sampung ulit na atang naglalakbay paikot ang aking hintuturo sa bunganga ng baso.
Pumipitik – pitik pa at wari’y ibig kong sukatin ang tibay nito.
Pakiramdam ko’y aliw na aliw ako sa munting kalansing na nililikha ng pagtama ng aking kuko sa bubog…

Isang taon na din mula ng iwan ako ni Shane….

Happy Birthday to you
Happy Birthday to you
Happy birthday,happy birthday
Happy birthday to you!!

“Wax tititigan mo lang ba ang baso? Aba tagayin na yan!!” kantyawan ng mga tropa,pagkatapos akong kantahan..

D-Day

About Sobrangwaxxy

Hindi ako writer,isa lang akong Abnoy na natutong humawak ng ballpen at papel.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!