Crema de Fruta (part 3)

“5 across..5 letters..english word. .I have a blank on you.

“Like! ay 5 letters pala..ano nga ba? Wala pa ba kahit na anong letter?” tanong ni Ellen kay Cholo

“Ikaw ang sagot dito, alam ko!”sabi ni Cholo

“Papaanong naging ako..Ellen ba sagot diyan?”

“Pwedeeee..5 letters ang name mo di ba?

Nakayuko si Cholo pero kitang kita ni Ellen na nakangiti ito habang binabasa pa ang mga clues sa hindi pa nila nasasagutang crossword puzzle. Sa tuwing naghihintay sila sa pag alis ng bus ay sabay nilang sinasagutan ang crossword puzzle.

“Ahh alam ko na! Crush ang sagot diyan sa 5 letters na yan! So paki explain kung bakit sinabi mo kanina na ako ang sagot diyan..aber, aber, aber!hmmp!”sabay irap kay Cholo

“Kaw nga diba.Crush!”

“Weh?!Paano nga!”

“Mali pala ito. Dapat pala. 6 letter word..MANHID dapat  ang sagot.”parang naiinis na sagot ni Cholo

Nawalan ng kibo si Ellen..Ano kaya yun? Ewan ang hirap mag isip , pagod pa naman si Ellen dahil sa annual inventory nila kanina. Hindi na niya natulungan si Cholo na tapusin ang crossword..napahilig na lang si Ellen sa balikat ng binata..naramdaman din niyang hawak ni Cholo ang kaliwang bahagi ng kanyang pisngi upang alalayan ang mukha niya. Bigla siyang nagising at nang magmulat siya ng mata..ramdam niya ang  sakit ng kanang bahagi ng leeg niya..kanina pa pala siya nakahilig sa balikat ni Cholo. Tumingin siya sa binata at nakitang  nakapikit din ito.

Gaya gaya..nagtutulog-tulugan.. sa isip-isip niya, naramdaman nj Cholo na nagising siya..tumungin ito sa kanya at ngumiti.

“Matulog ka pa..malayo pa tayo. 30minutes pa..gigisingin kita ‘wag ka mag -alala.”

“Nakatulog ba ako? Humilik ba ako?”

“Hindi .hindi naman.tulo laway lang.”pang aasar ng binata

Kinurot ni Ellen si Cholo sa braso. Pagka baba nila sa bus ay sumakay pa sila ng jeep..gabi na kaya naman madalang na ang pasahero..pero ramdam ni Ellen safe siya kapag kasama niya si Cholo, isa pa napaka gentleman nito.

“O bukas uli..mag ingat ka. ihatid na kita sa bahay niyo kasi.”

“E kasi.maliit lang ang bahay namin. baka may baha pa, isa pa pagod ka na rin..malayo pa ang biyahe mo pabalik, next time na lang. Eto na yung suki kong tricycle. Sige na.”

“Dami mo talaga palusot.! “Mag ingat ka.”paalala ng dalaga Hinintay muna ni Cholo na makasakay siya ng tricycle bago ito sumakay ulit ng jeep biyaheng guiguinto bulacan.

“Nay nandito na po ako.”

“Bunso ikaw na ba yan? Sige kumain kana at mamahinga ka na.”

“Sige nay.tulog kana rin.” Hindi natutulog ang kanyang ina hanggang hindi siya dumarating galing sa trabaho. Tulog na rin ang tatay nya at ang kanyang pamangkin na si jonas.

Hindi pa masyadong uso ang cellphone nuon kaya hindi niya alam kung nakauwi na si Cholo sa bahay nila.ayaw naman niyand tumawag sa land line nila at baka makaistorbo pa siya kina Cholo. Nang matapos na siyang maghapunan at handa ng matulog ay nagbasa muna siya ng pocketbook na ipinalit niya kanina sa recto bago siya pumasok ng trabaho.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. nag almusal.at pumasok na siya ng trabaho. Abala siya ng araw na iyon..swelduhan kasi kaya naman maraming namimili sa department store. Hindi na nga sila nagkasabay kumain ni Bff Maritess ng lunch..bandang alas 6 na ng lumuwag ang schedule niya. Nuon lang niya mahaharap ang mga paperworks niya ng biglang inabot ng katabi niyang cashier ang telepono sa kanya.

“Mam may phone call po kayo”

“Hello?

“Mam pasensiya kana, hindi tayo magkakasabay umuwi, nandito pa kami sa Greenhills, sa site, may emergency check up kaming gagawin ni Pareng Jun, Mag ingat ka mamaya ha. Dumaan nga pala ako kanina diyan, may iniwan ako para sa yo sa employees entrance, paki kuha na lang. Ingat ka. BYE.”

“Bye”, nakatulala si Ellen habang iniisip pa rin niya ang bilis ng pag uusap nila.

Bigla siyang nakaramdam  ng lungkot. Parang kumirot ang puso niya. Parang gusto niyang umiyak. Wala siyang kasabay mamaya, anong lungkot yata naman ng pag uwi niya. Naging matamlay na siya hanggang sa uwian. Hindi rin niya nakasabay sa paglalakad ang Bff niyang Maritess dahil iba ang way nito sa kanya.

Tahimik siyang naglakad sa Recto hanggang marating niya ang bus station. Umakyat na siya sa bus na biyaheng Bulacan. Kakaunti pa lang ang pasahero. May 30 minutes pa bago umalis ang bus. Umupo sa dalawan upuan at sa tabing bintana. Matagal siyang nakatulala sa kawalan. Ng maalala niyang buksan ang paperbag na iniwan ni Cholo sa kanya sa employees entrance. Nakabalot sa aluminum foil ang lalagyan at ng binuksan ni Ellen ay napangiti siya,

CREMA de FRUTA!

Dali-dali niyang kinuha ang fork na kasama ng crema de fruta at inumpisahan na niyang kainin ito, tamang tama sa gutom niya.

“Ang sarap talaga niyang gumawa ng crema, bakit kaya hindi ko magaya ang timpla niya. Ano kaya ang sikreto niya?” bulong ni Ellen.

Habang kumakain ay patingin tingin si Ellen sa may bintana, umaasang makakahabol si Cholo sa biyahe. Ngunit naubos na niya ang kinakain at papaalis na ang bus ngunit wala talaga si Cholo.

“Bakit ganun, namiss ko yata ang lokong yun! Kainis! Siguro may gayuma itong crema de fruta niya, hah!  lagot siya sa akin bukas!”

itutuloy             .

About geelen

simpleng tao, masayahin,minsan madrama,sensitive,pero mapagmahal,mahiyain,ofw,bunsong anak
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!