#CookingGoals: Dahil paborito ko ang Super Crispy Lechon Kawali

Imahe mula sa Panlasang Pinoy

Noong araw, mga dekada 70s, 80s, kailangan mo pang maghanap ng recipe books — bumili, manghiram o maghalukay sa library para lang matutunan mo kung paano lutuin ang mga paborito mong pagkain. Dahil hindi pa uso ang mga xerox machines, todo kopya ka na lang, no choice.

Ngayon, salamat sa technology, pa-click click ka na lang at napakadali na sa atin ang matutunan ang iba’t ibang lutuin; may demo videos pa!

Gaya na lang nitong malutong na lechon kawali na napakahirap kalimutan. Wow! Available online ang paraan sa pagluluto sa masarap na putaheng ito. Salamat sa Panlasang Pinoy, nahuli ko rin ang malutong na paraan ng pagluluto.

Ang Super Crispy Lechon Kawali

Puwedeng pang-ulam, puwedeng pampulutan, lalo na’t magpa-Pasko na. Pero siyempre hinay lang dahil hindi ito ang healthiest choice na pagkain. Kung paminsan-minsan lang, ok na rin. Dapat huwag din gaano marami ha kasi pork ito.

 Salamat sa author na si Vanjo Merano. Solved na solved ang aking craving!

Ang ingredients?

3 lbs. pork belly
5 pieces dried bay leaves
1½ tablespoons whole pepperorn
3 pints water
2 pints cooking oil
1 tablespoon salt

Gaano ba kadali lutuin ang lechon kawali?

Ikaw na sumagot diyan pagkatapos mong panoorin ang video na ito na ibinahagi ng Panlasang Pinoy. Basta ako, nadalian ako. Simple lang pala! Mas lalong nakatatakam magluto nito dahil sa video demo nila.

Pagdating sa sawsawan, bahala ka na kung ano ang gusto mo. Puwedeng dipping sauce ang lechon gravy (lechon sauce gaya ng Mang Tomas sarsa) o kaya ay maanghang na suka. Ako kasi mas type ko ang atsara sa lechon kawali. Mayroon naman na mas type ang suka na may toyo at sibuyas na pinaanghang ng siling labuyo. It’s up to you!

Panoorin!

 

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!