Congruent Opportunity (Ang Oportunidad na Sang-ayon Sa ‘Yo)

(Photo Credit: lashandasnetworkmarketingcircle)
(Photo Credit:  lashandasnetworkmarketingcircle)
(Photo Credit: lashandasnetworkmarketingcircle)

Ito ang pinakauna kong pagkakataon na sumulat sa ating orihinal na wika (kaso patawad at may ilang salita sinulat ko sa ingles). Pero ‘ika nga sa wikang ingles; “there is a right time for everything,” at yung tamang oras ay ngayon na. Ano nga ba ang tamang opportunidad para sa atin. Marami sa atin ang naghahanap ng ibat-ibang klaseng oportunidad na isa sa mga solusyon para mapunuan ang mga pagkukulang nating sa buhay.

Pero karamihan sa atin, ang pinakamabigat na dahilan, ay karagdagan kita pang pinansyal. Sa panahon ngayon naglilitawan na ang mga tinatawag nating “home based business,” o ang negosyong puedeng gawin kahit nasa bahay ka lamang. Sa banyagang mundo puede natin itong  tawaging “network marketing o multi-level marketing.”

Sa dami ngayong naglilitawan na kumpanya ng “network marketing,” marami sa ating ang nalilito kung saan puedeng sumali o kung saan puedeng magsimula ng isang karera sa mundo ng “network marketing.” Ilalahad ko sa inyo ang mga pangunahing puntos na dapat tandaan para makilatis mabuti ang sasalihang “network marketing company” para malaman kung ito ba ay congruent or “in-accordance”sa inyong hinahanap.

Ang kumpanya ay dapat nag-survive na sa tinatawag na “5 year period.” Sabi ng iba maganda raw sumali sa isang kumpanya na nagsisimula pa lamang dahil malaki ang pagasa na kumita agad ng pera. Pero ang tanong, kumita ka nga agad ng pera pero after two to three years nagsara naman ito dahil nalugi or yung “compensation plan”ay hindi “stable.” Para sa akin ang kumpanyang subok na ay yung tumagal na “5 or more years” kasi ito  ay nagpapahiwatig na “it is for the long run,” ika nga, pati ang karera mo sa network marketing ay lalago dahil sa network marketing kailangan natin ang tinatawag na “two to four year plan” para ito ay mag karoon ng success.

Legal at maayos na mga papeles at dokumento. Dapat ang isang network marketing company ay rehistrado sa Securities and Exchange Commission kung ito ay isang Philippine-based comapny. Kaya naglilitawan ang mga puramid scam companies ay karamihan sa kanila ay binuo lamang na ang layunin ay para lokohin ang mga tao. Tandaan, ayun sa SEC ang definition ng pyramid scam ay ikaw na magmemember ay nagbayad ng pera pero ang bumalik sayo na produkto ay under 80 percent worse ang binigay lang sayo ay papel, ito ay puedeng bansagang pyramid scam.

Ang produkto ba ay nageencourage ng repeat order at loyalty  at malaki ang naitutulong sa majoridad. Para sa akin ang isang network marketing company na nag fo-focus sa health and wellness ay isang magandang pasukin na endeavor lalo na kung nasubukan mo na at napatunayan mo ang effectiveness ng produkto. Repeat order, ang ibig sabihin, consumable ‘yung produkto sa mabilis na paraan.

Kung ang produkto mo ay sapatos o damit hindi naman every month bumibili ang tao ng sapatos at damit. Pero ang food supplement for example, depende sa intake nito, ay nag-eencourage ng repeat order maximum every month, kung isang box ang kinuha nila. The best part nito ay nakatutulong ka sa mga taong may sakit. Lahat ng tao, sooner or later, ay magkakasakit, most of them would be willing i-try yung produkto mo para lang gumaling.

Last but not the least, ‘yung bang network marketing comapny na papasukan mo ay nag-ooffer ng free training at seminars para lumago ang karera mo? Ang grupo ba na sasalihan mo ay encouraging at willing kang tulungan para maabot mo ang mga pinapangarap mo sa buhay?  Sa totoo lang, ang tao ay hindi sumasali sa opportunity kundi sa tao mismo na nagrerecruit sa kanila, dahil nakikita nila ito ay isang willing and able leader na puwede silang turuan para lumago kaagad ang kanilang negosyo.

Ang tanong, ang taong nagrerecruit ba sa ‘yo ay may sapat na kaalaman sa kabuuan ng network marketing?  Siya ba ay nag-aral, nag-research  at lumalabas sa bibig niya ang isang pontential na lider na puwede kang matuto at umabante papunta sa mga goals mo? In other words, ‘yung nagre-recruit ba sa ‘yo alam ba niya ang ginagawa niya sa larangan ng network marketing at pinanghahawakan niya ang interes mo o tinitingnan lang niya ang pansariling interes niya para pagkakitaan ka?

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!