Christmas in a Foreign Land

Photo credit: http://1.bp.blogspot.com
Photo credit: http://1.bp.blogspot.com

Decembar 16,2011.

Unang araw ng simbang gabi.Last year sabi ko nun sa sarili ko,tatapusin ko na talaga ang simbang gabi sa susunod na taon para matupad ang wish ko pero eto na naman buti kung isang araw lang na di makaattend ng simbang gabi kaso entire christmas season wala e.Di kasi uso dito ang christmas,paano puro muslim naman ang mga tao dito sa banyagang lugar na ito, di mo tuloy ma-feel ang spirit ng christmas.Ramadan at Haj mararamdaman mo pang holiday(nila). Unang christmas ko ito na malayo sa pamilya; nakakalungkot,walang christmas tree,walang exchange gifts,walang simbang gabi,walang santa claus,walang chistmas lights sa mga daan,walang christmas party,walang noche buena,higit sa lahat di mo makakasama ang pamilya mo.Buti na lang may copy ako ng mga chistmas songs,at least kahit paano maramdaman ko man lang ang Christmas spirit dito sa Saudi. At habang nakikinig,tinamaan tuloy ako ng homesick,gusto ko ng umuwi.Medyo sad kasi yun pinapakinggan kong kanta na “A christmas letter”.Sino bang may time machine diyan?! Pahiram naman oh para makauwi ako ng Pinas kahit ngayong Christmas lang.

Almost a year pa lang ako sa banyagang bansa na ‘to,isang taon pa bago matapos ang contract ko,ibig sabihin 2 christmas at new year ang sasalubungin kong mag-isa. Nakakaloka naman! Pero ok lang yun,kung dahil naman sa kanila kaya ako nandito e. Oo,mahirap,thousand miles ba naman ang pagitan ng Pinas at Middle East e. Di naman parang Manila-Tarlac lang na pwedeng uwian, maground-trip siguro ako pag nagkataon. Kahit gustong gusto mo ng umuwi wala ka naman magagawa. Kahit gusto mong makasama ang pamilya mo,magkasya ka na lang sa video call sa YM o skype para kahit saglit lang e masilayan mo naman silang mga mahal mo sa buhay.

Sakripisyo..mahabang sakripisyo..yan nalang ang kailangan isipin ng mga OFW na kagaya ko. At least ready na ang balikbayan box na ipapadala bago magchristmas. Siyempre lahat sila may mga regalo,kahit malamang late na nila matanggap mga yun.Bagong relo para kay papa, LV na bag para kay mama, bagong cellphone kay ate,ok na siguro sa kanya ang iphone, pwedeng chocolate na lang kay bunso, naubusan na ng budget e, kasama din sina lolo,lola, mga pinsan at kaibigan at iba pang mag kamag-anak,o diba ang saya nun. At least naman kahit paano,on your own way,mapapadama mo sa kanila ang pagmamahal at pagalaala this christmas season. Iyon lang naman kasi ang pwede mong gawin. Buhay OFW nga naman!

Kahit wala ka dun,kahit di nila sinicelebrate ang christmas dito,o kahit pa during christmas eve ay nakaduty ka,ayos lang yun,ang mahalaga alam mo sa sarili mo ang tunay na kahulugan ng Pasko saan ka man mapadpad. Mag-isa ka man sa banyagang lugar pwede pa rin maging masaya. Isipin mo na lang kunwari nandun ka nakikicelebrate sa kanila,kumakain ng hamon at keso de bola,ng bibingka at puto bumbong sa tuwing simbang gabi,nakaupo malapit sa christmas tree habang binubuksan ang natanggap na regalo galing kay mama at papa,o diba ang saya nun! Nagliliwanag na ang christmas lights at mga parol sa daan, Kaygandang pagmasdan!

One more year,makakauwi na ako at paniguradong bonggang christmas party ang mangyayari .Excited na tuloy ako,sana 2013 na:) Sa ngayon tiis muna.

Cheers to the birthday boy!Merry christmas everyone:). Walang malamig na pasko sa mainit na disyerto na Saudi!

Enhanced by Zemanta

About jmpd

Sometimes we make the mistake of pushing too hard the doors ahead of us, when all we needed to do is to pull. Or, trying to chase after a butterfly, when all we need to do is just to sit still, and let the butterfly come to us and settle on our shoulders. " You don’t chase happiness. Just keep moving forward, and your happiness will follow.”
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!