Chivalry Your Face

Photo credits: Marvin Sy, TOP GEAR PHILIPPINES Facebook Page
10/20/2014 9:58:02 PM

Sa panahon ngayon, na nag-iiba ang orientasyon at ang pangkalahatang pangtingin sa sekswaliad ng tao, ito ang nakapagtataka: akala ko ba gusto ng mga tao ng gender equality, gaya ng mga lalakeng sumasabit sa pambasaherong jeep.

Ano ang ibig kong sabihin? Ang litratong ito, na pinaskil ng Top Gear Philippines, at orihinal na kuha ni Marvin Sy (ayon sa naturang photo credits galing sa naturang magasin). Makikita na dalawang estudyanteng babae ang sumabay sa jeep pero hindi nakaupo. Kundi nakasabit sila, gaya ng tipikal na set-up sa atin na karanwaing ginagawa ng mga lalake.

Photo credits: Marvin Sy, TOP GEAR PHILIPPINES Facebook Page
Photo credits: Marvin Sy, TOP GEAR PHILIPPINES Facebook Page

Oh, gender equality ba kamo? Eh bakit kayo umaangal ng pagiging gentleman? Bakit kayo umaangal ng “is chivalry dead?”

Ang labo yata ng pinaglalaban ninyo ha?

Gender equality. Since time immemorial na nagiging usapin ito. Dala ng pagbabago ng panahon at winawaksi ang tinatawag na diskriminasyon ukol sa sekswalidad, particular sa mga babae.

Ito ang problema: gender equality nga ang gusto, pero bakit may mga batas na tumatalakay lamang sa mga inaabusong lalake. Paano ang mga naabusong lalake? Porjet umiiral ba ang machismo? Porket likas na maki ang katawan ng mga kalalakihan? Hoy, hindi kaya lahat.

Pero may mali nga ba sa litratong ito? O hindi lang talaga tayo sanay sa mga nakikita natin? Na para bang kapag dalwang babae ang naghalikan nang lips-to-lips ay tinatawag na “g-to-g” at tanggap naman ng lipunan, samantalanag pag lalake ang gumawa—as in Mala-Brokeback Mountain ang peg, ayahn ang mapagputakteng puna ng pagiging homosexual o bakla.

Ganun din sa isyu ng pangangaliwa. Kapag lalake ay okay lang. Pero kapag babae ang gumawa, kung anu-anong immoral na wika ang lumalabas as mga bunganga natin.

May mali ba sa litratong ito? Kung ako ang tatanungin, wala. At okay lang kung hindi ka sang-ayon. Una sa lahat, maari mang sabihin na ang litrato ay naglalarawan ng mala-nobelang kwento (a picture paints a thousand words daw eh), ay hindi garantiya na sasapat bilang husgahan ang naturang pangyayari. Hindi sasapat bilang ebidensya.

Click here to continue reading

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions


Do NOT follow this link or you will be banned from the site!