Change is Coming?!

12/26/2016 03:05:30 PM

Ito ang hirap sa mga tao dito sa Pilipinas eh. Gusto ng pagbabago, pero pag andyan na ‘yung pagbabago, panay pa rin naman ang reklamo. Minsan, ang hirap lang lumugar.

Kung maalala, noong isang buwan ay inanunsyo na ang walong opisyal na kalahok sa ika-42 na Metro Manila Film Festival, bagay na umani ng samu’t saring reaksyon – pero isa sa mga ehekutibo ng kilalang film ang umangal.

Aniya ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films, ang Pasko ay para sa mga bata. Sabagay, t’wing ganitong panahon kasi tila nagiging mas masaya ang bata eh. As in maraming regalong naibibigay, maraming pagkain sa hapag-kainan, panahon lamang na napupuyat sila at higit sa lahat, sama-sama silang buong pamilya. Pero kung usapang materyalistiko lang naman, ito rin ang dahilan kung bakit halos isang holiday na pang-komersyo na rin ang Pasko at Bagong Taon.
Pero ang bu****it ng ganung dahilan, mader. ‘Ika nga, “huwag mong gawing tanga ang mga manonood ngayon.” Hindi lahat ay fan na ng mainstream at ng alinmang basura nito – at ganun rin naman para sa mga latak ng indie. (Pero at least may effort ang gumagawa AT PAGANDAHIN ang produkto nila, no!)

Ito ang problema. Ang Metro Manila Film Festival ay isa dapat patimpalak para sa mga pinakamalulupit na pelikula sa ating bansa. At sa trend ng mainstream cinema na mula pa noong mga nagdaang taon, gumagawa lang naman ng isang ‘obra’ ang mga film company sa Pilipinas para lang ibenta ang kanilang pangalan at kanilang mga artista kahit na idinaan sa basurang storyline na tinadtad ng ad placements ang kada setting, kinulang sa acting prowess, at minsan, sobrang obsolete na graphic effects, at mantakin mong sa 52 linggo ay halos ganyan ang ginagawa nila.

So anong pinagkaiba nito sa mga ilalahok nila sa MMFF, maliban pa sa mala-all star ang cast of characters nila? Wala. Kasi yung substansya, ganun pa rin – panay-latak.

Kaya hanga ako sa komite ng MMFF ngayon na iniba na nila ang nakagawian.

Click here to continue reading

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions