Casual o Formal?

(Photo Credit: www.yourlifeafter25.com)
(Photo Credit:   www.yourlifeafter25.com)
(Photo Credit: www.yourlifeafter25.com)

I grew up in a very conservative family. We follow beliefs and traditions, I went to a catholic school, I attended Sunday mass, kami yung tipong ‘di ka papasa ng Grade 1 kapag ‘di ka marunong mag-rosary, naging lector, commentator at member pa ng choir. But I’m thankful that I grew up that way, alam kong solid ang foundation ko, hindi man ako magiging santa, alam ko namang may takot ako sa Diyos at alam kong may Diyos ako. And the church activities helped me boost my self-esteem and hindi ako takot humarap sa tao.

College days nung una kong narinig ang salitang ‘One Night Stand’ at ‘f**kbuddies’… literal na napanganga ako. ‘Ano raw?’ and when my friends explained it to me natawa na lang ako. Hindi naman kasi ako manang, although I’m kinda traditional when it comes to relationships pero sa ‘kin lang naman ‘yun. Sabi ko nga, katawan nila ‘yan, buhay nila ‘yan.

At the age of 28 I don’t have any idea how those kinds of relationships work, I had so many questions, tanong ako nang tanong, usisa ako nang usisa sa mga taong alam kong nakaranas na. How does it feel? Di ba awkward? Tapos after ninyong gawin ‘yun, ano na’ng mangyayari? Friends pa rin kayo? ‘Di kayo nahihiya sa isa’t isa? At marami pa kong follow up questions. Take note: Single mom na ko nung mga panahong yun… ‘di ko alam kung anong tawag sa ‘kin, ignorante o tanga?

Sabi ng mga friends ko na Pro sa ganitong klase ng relationship, it’s easier to maintain this kind of relationship daw, walang hassle, walang masasaktan, walang obligations. Warning: Hindi ito para sa mga clingy!

‘Yung isa ngang kakilala ko nung natapos na lang raw, dun na lang nagkaalaman ng pangalan e. Tipong nakilala sa bar, nagkakindatan, ayun na, bakbakang umaatikabo na ang sumunod.

Meron namang regular na nilang  ginagawa, tatawagan na lang ang isa’t isa pag kailangan (ng pangkamot sa kakaibang klase ng kati) pagkatapos nun kanya-kanyang buhay na ulit. Ligo lang daw ang katapat nun. Mas mabuti na raw ‘yun, at least, kilala nila ‘yung partner nila at alam nilang ‘safe’ sila. (In fairness, monogamous si Kuya). May isa pa palang term dito ‘Booty Call’. Lalo na pag ang call ay 10pm onwards.

Me mga rules pa nga sila eh. Nakakatawa na nakakatuwa, may ganun pala. Gaya ng: After doing the deed, alis na, walang kuwentuhan, walang cuddling. Kasi daw mas mabuting wala kang alam tungkol sa kanya. Hindi ninyo malalaman kung may mga common denominator kayo. Walang mabi-build na kahit ano.

Don’t sleep with same person for more than 3X. Kasi baka magkaroon ng connection na puwedeng mag-build ng relationship kahit pa sabihing friendship lang. Marami ka na namang friends. ‘di ba? At ayaw mo nang dagdagan ‘yun. Hindi ka puwedeng maging attached sa kanya kasi anytime, puwede siyang mawala sa ‘yo… Lalo na pag nakahanap ng mas magaling sa iyo.

Always use protection (preferably kapote). Aba! Kahit pa monogamous ka eh, siya ba monogamous din? Sa panahon ngayon, mahirap na. Di mo alam kung saan binunot yung sinuksok sa iyo or hindi mo alam kung ano’ng huling sumuksok diyan. Baka mamaya pang gimik mo na, pinambayad mo pa sa doktor at antibiotic.

At higit sa lahat, pag ininvite kang magkape sa panahon ngayon, alam mo na kung anong kasunod niyan. Kaya ihanda mo na ang sarili mo sa mga pakape kape na ‘yan at huwag kang magmamaang-maangan na hindi mo alam ang kalakaran ngayon.

Ilan lang iyan sa mga guidelines na naririnig ko, at oo, me mga ganyan sila. Dami nilang alam eh.

Pero para naman sa mga friends kong medyo pa-manang, sakit lang daw mapupulot mo diyan. May point din naman sila. Mas gusto nila ‘yung constant at consistent companion, someone you know, you’re comfortable with and you’re committed with. Kasi at the end of the day, iba pa rin iyung may ‘karelasyon’. Iba pa rin ‘yung alam mong pinahahalagahan ka.

May kaibigan din akong sinubukan niyang magkaroon ng casual relationship, kaya lang parang hindi daw para sa kanya kasi at the end of it, she feels empty. At lalo niyang  nararamdaman na mag-isa siya, iba pa rin daw ang warmth and comfort na naibibigay ng isang totoong relasyon.

Para lang daw sa mga duwag at takot masaktan ang ganyan. Sa mga taong ayaw mag-invest emotionally at takot ma-reject. O sa mga taong punong-puno na ng rejection at ayaw nang dagdagan pa. Sinasabi nila na masyado silang busy para mag-commit at hassle lang yan sa buhay.

Bakit ka nga naman maghahanap ng sakit sa ulo kung puwede mo namang makuha ang gusto mo nang walang kahirap-hirap at kape lang ang puhunan? Yung totoo? Busy ka? O takot kang masaktan?

Wala sa kultura natin ang ganito, biblically speaking, wala nga dapat pre-marital sex, ‘di ba? Siguro, nung panahon ni Magellan, pero sa ngayon huwag na tayong magpaka-ipokrito. Nangyayari na ‘to sa lahat, mayaman man o mahirap, at nangyayari na ‘to kahit saan… kahit sa hagdan…

I can say na media is a powerful tool, ‘yung information na nakukuha natin dito if mishandled and misunderstood puwedeng maglagay sa atin sa kapahamakan. Naalala ko tuloy yung 16 years old na namatay dahil nireenact ang 50 Shades of Grey.

Wala namang problema kung maging adventurous tayo eh or magtry ng mga bagay bagay pero more than anything else alamin muna natin kung anong kapasidad natin at kung hanggang saan ang kaya nating isugal. Dahil baka mamaya its your health or worst it’s your life you’re risking. Hindi natin mabibili yan sa hardware, mahirap maghanap ng spare parts niyan sa Banawe.

At higit sa lahat, ano ba ang gusto mo? Playtime o Full time? Kung Playtime, handa ka bang makipaglaro? Tandaan, talo ang pikon sa larong ito.

Hindi puwedeng magalit, hindi puwedeng magselos (dahil wala kang karapatan) at higit sa lahat, pag na-in love ka, Game Over tayo (unless ma-in love din siya sa iyo). Kung full time naman, handa ka bang magcommit? Magbigay ng panahon at atensyon? At handa ka bang sumugal, umiyak, at higit sa lahat, masaktan? Pero, pare, sinasabi ko sa iyo, it’s all worth it…

Nasasaiyo kung ano’ng pipiliin mo, depende iyan sa needs and wants mo. Kung ano man ang piliin mo, no prejudice! Basta kaya mong panindigan At sirain mo man ang buhay mo, make sure na buhay mo lang ang sinisira mo at hindi ka nandadamay ng iba. Whatever suits you… Buhay mo ‘yan, katawan mo ‘yan…

 

 

About MissDi36

single mom, traveler, believer
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!