Careless Whisper Ni Ateng…

(Photo Credit: Shutterstock)
(Photo Credit:  Shutterstock)
(Photo Credit: Shutterstock)

Ah, ito pala iyong ilang ulit nang dumaan sa newsfeed ko na video at pati mga pictures nitong mga nakaraang araw.

Bigla akong nagkainteres at hinanap ko talaga ang kanyang FB page. Iyon pala ang pangalan ni Ateng (not to mention her name). Siya iyong babae na sumasayaw ng sexy dance sa musika na ‘Careless Whisper.’

Ngayon ko lamang ito binigyang pansin at pinanood habang nagpapatay ng oras. At habang pinapanood ko ang nasabing video na kumalat, kung ako ang kasama niya sa isang room na sumasayaw ay tatawanan ko lamang siya nang malakas at bibiruin ko. Pero, kapag inisip ko naman na hindi ko siya kilala at napanood ko siya tulad nito sa public, gusto ko siyang pagsabihan na “Ateng, hindi na bagay sa iyo ang magganyan, baka makita ka ng iyong kapamilya o mga anak at apo ay mahihiya sila…etc.”

Pero, buhay niya iyan eh, hanggang tingin na lang ako sa nakikita ko.

Pero, nag-alala rin ako dahil siya pala iyong tinutukoy ng Ministry of Interior furnished to Philippine Embassy. Nag-alala ako dahil iniisip ko kung ano na kaya ang nangyari sa nasabing babae?

Minsan kasi, nabasa ko sa wall ko na hinahanap na raw ito. Nabasa ko rin na mayroong Facebook page na nag-claim na ginamit lang ito para sa case study.

Then I browsed, nakita ko iyong page na iyon. Iniscan ko ito pati ang mga comments, etc. Iisa lang ang na-realize ko. Hindi ito totoong ginamit sa case study. Nabasa ko rin ang comments na baka sapilitan lang ito na kinukuhaan ng amo; dahil sa reaction ng mukha ng babae.

At inisip ko na baka nga. Mayroon din akong nabasa na baka may galit lang sa taong ito, at sinadyang iupload ang videos at photos. Maaaring friends niya, ganun.

Ang nasabing Facebook page was created year November 2012. At ang kanyang huling post sa Facebook ay April 9, 2014. Base sa pag-scan ko sa lahat ng kanyang mga wall posts (status), kasama ang mga pictures at videos, at sa kaunting pagkaintindi ng language sa kanyang sariling comment at status; na ayon sa kanya ang kaniyang ginagawa ay libangan lamang dahil boring ang buhay sa Saudi.

Hindi rin naman daw siya pumapatol at naiinis siya sa mga bastos na nagco-comment kaya binlock niya. As if libangan lang raw niya at hayaang tulo laway ang mga nakakakita at nakakapanood.

Sinabi rin niya na iiwanan na niya ang kanyang FB na iyon dahil binubuksan ng kaibigan niya at pinalitan ng password (na medyo magulo para sa akin). Inisip ko na lang, baka gusto lang niya talaga na huwag nang gamitin ang account na gamit niya. Dahil kung talagang in-open at pinapalitan ng password ng kaibigan niya, sana ay hindi na niya ito na-access ulit at hindi na siya nakapagpost na ito’y iiwanan na niya.

Lahat ng photos niya ay may caption na H. Ali H. Siguro ito ang kanyang pangalan na totoo, or bagong FB page. Pero, wala namang ganun upon searching.

Kaya ako nagkaroon ng interes na panoorin ang video, dahil sa isang post na nabasa ko na bibitayin na raw itong si ateng. Nakita ko rin kung sino ang source nito. Marami ang nangbully sa nagpakalat ng picture na may caption na bibitayin na ito. Maraming nakisimpatiya  kay Ateng at marami rin ang kampi sa isang FB user na kung saan doon galing ang picture collage na may caption na bibitayin na.

Dalawa po ang lesson dito.

1. Iwasang gawin ang mga bagay na maaaring ikapahamak. Igalang kung ano ang kultura at mga batas na ipinatutupad sa bansang pinupuntahan. Isipin na malawak ang nararating o naabot ng social media. Kahit magtago pa sa ibang pangalan, ang ating sariling identity at itsura ay mahirap ikubli.

2. Tumulong para sa ikabubuti at hindi para sa lalong ikapapahamak ng kapwa. Hindi nakatutulong ang pagsi-share at likes ng mga bagay na makasisira sa ating kapwa. Maaari tayong makatulong thru advise or warning, lalo na kung kapwa Filipino ang involved. Kapag trending, huwag na itong i-like o i-share kung hindi nakabubuti. Dahil the more na maraming likes and shares, the more na maraming makakakita. At maaaring makarating sa pamilya na maaaring labis na maapektuhan.

Moral lesson ito sa lahat, lalo na sa mga OFW’s na nasa Arab country.  Anytime, kapag may gustong gumawa ng hindi maganda, at nakita na mayroon silang puwedeng gawin sa inyo na makasisira, gagawin at gagawin nila ito. Pero, kung hindi naman ninyo bibigyan ng pagkakataon ang ibang tao na sirain ang inyong pagkatao, walang tulad nito na maaaring mangyari sa inyo.

Wish ko lang, sana ay hindi totoo na nahuli na ang nasa likod ng Careless Whisper na video. At wish ko lang rin na sana kung nahuli man siya ( if totoo ) ay makauwi na siya nang maayos pagkatapos niyang pagdusahan ang kanyang pagkakamali kung parurusahan man siya.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!