Byahe ng Buhay

Manong para ! Ma! sa tabi lang po!

Sa dalas ko nagbabyahe sakay ng kahit anong uri na sasakyang de gulong, malimit ko ng naririnig ang mga salitang ito.

Maraming tao ang hindi masyado natutuwa pag nagbabayahe. Meron dyang konting andar pa lang ng sasakyan, nahihilo na. Merong naiirita sa alikabok at usok sa lansangan. Meron namang parang ikakamatay ang tatlo, apat o walong oras na itinatagal ng byahe ng bus papunta sa destination nila. Maybe these are just some of the reasons kung bakit mas pinipili na lang nila na magstay sa bahay at manuod ng TV maghapon.

Kabaligtaran naman ang nararamdaman ko. Mas gust0 ko ang pakiramdam ng nagbabayahe. May kakaibang sayang naidudulot sa akin yung feeling na umuusad ka palayo sa bagay na pang araw-araw mo nang ginagawa patungo sa bagong lugar kung saan makakagawa ka ng mga bagay na hindi mo pa nararanasang gawin. Change of environment kung baga.

Habang tumatakbo ang sasakyan (syempre sa may window seat ako para maganda ang view) unti-unti nang magbabago ang set ng mood ko . Habang nagbabayahe, malaya kong nakikita ang tunay na kulay ng mundo. Libre kong napapanood ang showing ng tunay na buhay ng mga taong nakaksalamuha ko sa loob man o sa labas ng sasakyan. Malayong malayo sa mundo ko sa loob ng apat na sulok ng opisina.

Pag nagbabayahe ako by land ( Cubao-Lucena, Cubao-Batangas, Manila-Baguio) aliw na aliw akong manuod sa mga taong nadadaan sa mga kalye. Kahit sa sandaling panahon na nakikita ko sila sari-saring kwento ang tumatakbo sa isipan ko.Yung tipong ikaw ang director at sila ang cast ng istoryang pinipilit mong mabuo sa mga sandaling nakita mo sila.

“ Ah siguro mag syota yun tapos magkaaway “--nakatalikod kasi yung girl dun sa boy habang nagaantay sila ng sasakyan sa may waiting shed.

“Ah siguro naiinis yung bata sa nanay nya kasi hindi nabili yung laruan na gusto nya sa mall” –nakasimangot kasi yung bata habang hawak siya ng nanay nya na pumapara ng taxi.

“Mag-a-apply ito ng trabaho”—Posturang postura kasi, Formal na Formal, Dress to kill ang tawag ng iba !

“Siguro late na yung lalaki, tapos panay na ang tawag ng boss nya kung nasan na siya” —May kausap kasi yung lalaki sa phone tapos hindi pa siya magkaintindihan kung aling sasakyan ang paparahin para lamang makarating sa lugar na patutunguhan nya.

Iba’t ibang mukha ng buhay, kanya kanyang byahe, kanya kanyang lugar na pupuntahan at syempre kanya- kanyang istorya sa malikot kong isipan.

Pag nalampasan ko na ang mga taong nagiging subject ng aking short stories, napapaisip ako kung ilan kaya sa mga tyambang istorya ko ang tumama sa totong mga buhay nila. Ilan din kaya sa kanila ang katulad ko, na nakakatagpo ng saya sa bawat lugar na pupuntahan, sa bawat sasakyang magdadala sa akin sa byahe ng aking buhay .

Kapag eroplano naman o kaya barko, puro malawak na space naman ang nakikita ko. Gustuhin ko mang gumawa ng istorya sa kung ano ang mga nakikita, parang wala naman akong maging subject. Puro ulap, minsan puro puti lang. Minsan puro tubig, minsan maulan, minsan maaraw. Sa mga pagkakataong katulad nito, ang sarili ko na ang nagiging bida sa istoryang nabubuo ko. Sa mga istoryang minsan may hawig o minsan sobrang layo sa totoong kwento ng buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit pero the feeling is just addictive. Parang droga lang, parang nicotine sa mga yosi, parang tamis ng chocolate, parang linamnam ng blueberry cheesecake, at parang sarap ng bagong magnum ice cream ang dating! Nakaka-adik talaga. Yung pakiramdam ng gumagalaw na sasakyan, dumadaong na barko, lumilipad at lumalapag na eroplano, humihinto at umuusad na tren, pa hinto-hintong bus at jeepney o simpleng lakbay diwa lang sa gitna ng santambak na paper works sa office. Lahat yon hinahanap ng puso at isipan ko sa mga sandaling nababagot ako sa mga daily routines na ginagawa ko.

Bahagi na talga ng buhay ng tao ang pag byahe. May byaheng malapit, merong malayo,, may mabilis at meron sobrang bagal. What’s nice in travelling is that nararamdaman mo na hindi lang mundo ang gumagalaw para sayo. We all know that we are part of this moving world pero iba pa rin yung nararamdaman mo na ikaw mismo ang gumagalaw at sumasabay sa byahe ng buhay. Nararamdaman mo na kahit gano man ito kaiksi o kalayo, kabilis o kabagal, in the end you’ll know for yourself na meron kang patutunguhan.

So ano pa ang iniintay nyo? Tara na !! Byahe na ! !

Photo credit: vagabondish.com

Enhanced by Zemanta

About Julius Jake M. Arellano

B.S. Agriculture Graduate, UPLB Batch 2007, Regional Technical Staff at the Department of Agriculture Regional Field Unit IV-B MIMAROPA, from Calapan City, Oriental Mindoro