Bukas na liham para sa Amerika

american flag

Dear po,

Di ba ho sabi ninyo magkaibigan tayo, pero bakit hindi po ganun ang nararamdaman namin?

Ilang dekada na bang magkaibigan ang bansa namin at ang bansa n’yo? Ang magkaibigan, nagtutulungan. Ang magkaibigan, walang hinihiling kapalit. Pero hindi naman totoo ‘yun. Palagi kayong may hinihiling na kapalit. Sa inyo kami bumibili ng barkong pandigma at eroplanong pandigma dahil sabi n’yo makakamura kami. Pero nakamura nga kami dahil segunda mano naman. Surplus po n’yo yun. Wala lang kayong puwedeng paglagyan kaya ibinenta n’yo na lang sa amin.

Bakit rin ho pag may agreement, parating kami ang taya. Ang EDCA at VFA po, bakit hindi po sakop ng batas namin ang mga sundalo n’yo? Kung ganun ho ‘pag nagkasala ang sundalo n’yo dito, hindi namin mapaparusahan? Nangyari na nga po e, ‘Yung pong pagpatay kay Laude. Nasaan na po si Pemberton? Di ba po nasa custody ninyo?

At sa tuwing bibisita ang mga sundalo ninyo, please po pag-umalis sila sabihin n’yo pong dalhin nila ang mga basura nila. ‘Yun pong mga toxic na basura. Basura n’yo, tapon n’yo. Ano po ang tingin ninyo sa bansa namin, basurahan?

Kung gusto n’yo po talagang tulungan kami, bakit po ayaw ninyong tumayo kami sa sarili naming mga paa? Bakit gusto n’yo po na lagi kaming namamalimos sa inyo? Pero hindi naman limos ‘yun, may kapalit naman lahat ng natatanggap namin galing sa inyo. Kayo pa! Baka hindi n’yo po alam, kilala namin kayo. Hindi po kayo nagbibigay kung walang kapalit.

Pinag-aagawan po ang teritoryo namin, pero ano po ang ginawa ninyo? Training-training sa mga sundalo namin at sundalo ninyo? Para saan po ang pagsasanay? Ah Ganun po ba? Gusto n’yo talagang makipag-away kami sa kapitbahay naming Asyano. Nauto kami dun, na ipagtatanggol n’yo kami. Sabihin n’yo po, sino po ang pipiliin n’yo? ang China na may utang kayo o sa amin ‘pag nagkagulo na?

At ngayon pong hindi makakain ang mga mangingisda namin, nakipagkaibigan kami sa China. At tama ho kami sa desisyon namin dahil ngayon puwede na kaming mangisda. Ngunit Bakit ayaw n’yo po? Ayaw n’yo po bang magkaulam kami? Hula ko po kasi baka po mahati ang benepisyong natatanggap n’yo galing sa amin.

Sa kasalukuyan, bakit po n’yo kinansela ang pagbili namin sa inyo ng mga baril? Gumaganti ba kayo? Ipinapakita ba ninyo na malaki ang mawawala sa amin ‘pag nagpatuloy kami sa balak naming independent foreign policy? Pero nagkakamali po kayo. Marami namang puwedeng bilhan ng baril. Puwede kaming bumili sa Russia.

Huli na po ‘to. Naririndi kasi ako sa paulit-ulit ninyong sinasabi na, tapusin ang terorismo. E kung tatapusin ang terorismo matatapos ang gulo e wala nang gamit ang mga war weapons na isa po kayo sa gumagawa at nagbebenta. Di ba ho hipokrito ang ganun? Gusto ninyong matapos ang isang bagay na kayo ang nakikinabang? Hindi ko ho sinasabing gusto kong magkagulo. Ang akin lang ho bakit gustong-gusto ninyong mangialam sa problema ng iba? Ilang bansa na po sa Asya ang sinira ninyo dahil sa mga air bomb ninyo? Hindi naman ho mga terorista ang napapatay ninyo, mga bata po at civilian. Tapos ho walang hiya ninyong sinasabi na, itigil ang paglabag sa karapatang pantao e kayo naman ang lumalabag nun eh? Ang gulo n’yo po, promise pa.

Filipino po ang gamit kong wika para po mahirapan kayo sa pag-intindi kasi hirap na hirap na kaming intindihin kayo. Peace po! ‘Di ba yan rin ang gusto niyo, Fish po tayo.

Nagmamahal,

Concerned Citizen

Flag of Philippines

About Abby Edris

I will dream until it scares me. I'm fan of Poetry and Literature and Humanitarian work. I feel like my self-fulfillment is to help the children who are in the line of poverty and less education.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!