Buhay ni Juan dela Cruz: Noon vs. Ngayon

Juan_dela_Cruz_by_spideryeNapakasarap sa pakiramdam maging isang Pilipino. Sinasabing bago pa dumating ang mga dayuhan, mayroon ng sariling buhay at kutura ang ating mga ninuno. Ngunit nang dahil sa mga dayuhan, nabahiran ang ating pamumuhay. Pero mas nagbago pa ito noong nauso ang teknolohiya sa makabagong henerasyon. Halina’t alamin ang buhay ni Juan noon at ngayon.

Sa tuwing sinasabi ng aking magulang ang pamumuhay nila noon, ako’y talagang humanga. Naisip ko, paano kaya sila sumaya nang dahil sa ganoon lang? Paano sila naglilibang sa ganoong paraan? Paano sila kumakain sa pamamagitan ng ganito o ganyan? Napakarami kong katanungan na nabigyan naman nila ng isang malinaw at mahusay na kasagutan. Simple lang daw talaga ang buhay noon. Sa simpleng pagkukwento lang daw ng kanilang magulang ng mga alamat, masaya na sila. Minsan naman, sama-sama raw silang magkakapatid sa ilalim ng puno. Dinadama ang simoy ng hangin na sinasabayan ng saliw ng sinaunang tugtugin. Sa ganoong paraan, nalilibang na sila. At kapag oras na ng kainan, ihahanda na raw ng kanilang tatay ang dahon ng saging at ilalagay doon ang kanilang pagkain. Masaya raw silang nagsasalo-salo. Hindi ba’t ang ang sarap isipin na mamumuhay ka ng ganoon?

Nagkaroon rin noon ng tinatawag na “bayanihan”. Dito naipapakita ang pagiging matulungin ng mga Pilipino.

Sa tuwing may problema ang isa, problema rin ng lahat. Kahit anong oras, sama-sama silang nagtutulungan. Hindi rin nagkakaroon noon ng away dahil sa pagkakaisa nila. Noon rin, nagkaroon ng matinding pagbubuklod ang pamilya. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sakanilang kamag-anak. Kadalasan, dalawang pamilya ang nakatira sa iisang bahay lang.

Ang mga babae, masyadong mahinhin. Kumikilos sila ng tama. Ang pangliligaw naman noon, sobrang hirap. Kailangan mo pang magpakitang gilas sa magulang ng iyong sinisinta upang matanggap ka nila na ligawan ang kanilang anak. Ang mga pinuno naman noon, ay mayroong ‘Palabra de Honor’ o may isang salita. Isang kaugalian ng sinaunang Pilipino na kailangan tuparin ang sinabi nitong pangako. Marami rin sa kanila ang may utang na loob. Kapag may tumulong sa kanila, binibigyan din nila ito ng tulong. Mayroon silang matinding pakikisama sa iba.

Pero ngayon? Yung ibang mga tao sa isang lugar, wala ng pakielam sa isa’t-isa. Kahit nakikita nila na nahihirapan ang isa, nagbubulag-bulagan sila. Marami ring hindi nagkakasundo dahil wala silang pagkakaisa. Yung ibang pamilya, nag-aaway pa. Mayroong nag-aaway dahil sa pamana o kaya naman ay sa kayamanan. Maraming babae ang maagaang nabubuntis kaya pagdating ng panahon, naghihirap sila. Pagdating naman sa panliligaw, mayroon tayong tinatawag na “Hanap-Usap-Deal”.Sa konting usap at bola lang, kayo na!.

Ang ibang pulitiko, sa panahon lang ng eleksyon mabait. Maraming binibitawang pangako. Magaling mangbola ng mamamayan. Pero pagnaluklok na sila sa pwesto, ang mga pangako, napako. Pero mas naging madali naman ang pamumuhay ngayon dahil sa makabagong teknolohiya.

Maraming pagkakaiba ang pamumuhay ng mga Pilipino noon at ngayon. Maraming kaugalian ang nagbago. Pero ang mahalaga, masaya pa rin ang marami at nagtutulungan.

About Danilo Ellamil Jr.

Young Journalist|Feature Writer|14
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!