Bucal Falls-A paradise in Majayjay, Laguna

Sa buhay, kailangan mong makaranas ng hirap o matinding pagsubok upang mas lalo mong pahalagahan ito. Katulad ng aming paglalakbay, kinailangan naming tahakin ang hindi alintanang pagsubok,  dumaan sa madulas na batuhan, suyurin ang masukal na kagubatan at pagpawisan upang mas lalong ma-appreciate ang kagandahan ng mga nilikha ng Diyos kabilang na ang Bucal Falls na matatagpuan sa bayan ng Majayjay, Laguna.

Ang Majayjay, Laguna ay dinarayo dahil sa kanyang malamig na klima at gayundin dahil dito matatagpuan ang Taytay Falls. Ang Taytay Falls ay pangalawa sa sikat na waterfalls na matatagpuan sa probinsya ng Laguna ngunit alam niyo ba na bukod dito ay mayroon ding isa pang talon na kung tawagin ay Bucal Falls. Hindi kagaya ng Taytay Falls, ang Bucal Falls ay hindi pa developed or established pero kung ako ang tatanungin, pareho lang ang lamig ng tubig ng dalawang talon na ito.

Bucal Falls-a must see in Majayjay, pristine environment and a place for nature lover where your spirit will be revived! Hayaan na lamang na ang mga larawang ito ang magsabi ng tunay na kagandahan ng talon.

  1. On our way to Bucal

At dahil kami ay mga tubong taga Laguna, hindi kami nahirapang hanapin ang lugar. Ang Bucal Falls ay matatagpuan sa Brgy. Bucal, Majayjay, Laguna. Ngunit sa mga turistang nais itong puntahan, here is the direction:

From Manila:

Ride a bus bound to Sta.Cruz, Laguna

Terminal: Cubao (HM Terminal along EDSA)

Pasay   (DLTB, Greenstar, Jacliner Bus Terminal)

Fare: PhP 150

When you are in Sta.Cruz, ride a jeep going to Majayjay, Laguna. The jeep terminal can be found in Sta.Cruz Public Market. When you are in Majayjay, hire a tricycle going to Brgy. Bucal.

IMG_0847

IMG_0848

IMG_0395

Importante na mag-stop over muna sa Brgy. Hall dahil dito kailangang mag-register bago ka payagang makapunta sa talon. May mga local tourist guide sila doon na pwedeng i-hire para mas lalong mapadali ang pagpunta sa talon. Mahalaga na suportahan natin ang mga local na tourist guide dahil sa ganitong paraan nakakatulong tayo sa komunidad.

Entrance fee: PhP 20/head

Tour Guide: PhP 300

 

  1. The trekking portion

Hindi kagaya sa Taytay, I’ll tell you na hindi madaling puntahan ang Bucal Falls lalo na sa mga first timer, inabot kami ng mahigit 45 minutes bago namin natunghayan ang kagandahan nito. Ihanda ang sarili sa madulas at maputik na daan, matatarik na elevation, mga ahas at matataas na bato. Don’t worry, magagaling ang kanilang mga tourist guide, hindi nila kami pinabayaan.

IMG_0439

IMG_0474

IMG_0469

IMG_0512

IMG_0441

IMG_0482

IMG_0483

  1. The Falls-A paradise!

Sa sandaling makita mo na ang falls, sobrang nakakamangha talaga, hindi ko alam pero noong oras na matunghayan ko ang talon, tila naalis ang aking pagod at nakalimutan ko lahat ng aking problema sa oras na iyon. As in wow, amazing, napakalamig ng tubig, at tila kristal dahil sobrang linaw nito. Mayroon ding bukal ng tubig na pwedeng inumin, sinamantala namin itong subukan. Ang mga lumot sa paligid, luntiang kapaligiran, mga ligaw na ibon at lagaslas ng tubig ay tunay ngang nagpapahayag ng kapayapaan at kagandahan ng lugar. Nakaka-relax at refreshing talaga!

12165789_1088707791147219_1646069983_n

IMG_0572

IMG_0538

IMG_0674

IMG_0608

IMG_0607

IMG_0656

IMG_0522

IMG_0520

IMG_0596

12170398_1088707867813878_1499032768_n

IMG_0659

IMG_0684

IMG_0561

IMG_0585

  1. Mga paala-ala

Ipinagbabawal ang pagdadala ng alak o mga inuming may alkohol sa lugar. Ang mga basura ay hindi rin dapat basta-basta na lang itinatapon kung saan-saan. Mas mabuting magdala na lang ng sariling lalagyan para sa basura upang mapanatili ang kalinisan sa lugar. Sa kadahilanang hindi pa developed ang lugar, wala kang comfort room or anumang accommodation na matatagpuan dito pero maaaring magbanlaw at magbihis sa Brgy. Hall. Hanggat maaari, iwasan din ang harutan o anumang aksyon na hahantog sa sakitan dahil napakalayo nito sa hospital. Alam niyo bang dahil muntikan ng maaksidente ang isa sa aming kasama dahil lang sa paghabol sa “groupie”?

IMG_0698

IMG_0713

IMG_0786

  1. Mga huling pananalita

Ang Bucal Falls ay tunay ngang isa sa mga maipagmamalaking tourist spots sa Laguna. Kung muling magkakaroon ng pagkakataon, babalikan ko ulit ito talaga.

Bucal Falls in Majayjay is truly a hidden gem. Magical indeed and perfect for nature lover!

Definitely for Filipino and a pride of Lagunense!

 

IMG_0850

Originally posted in biyahenisanty03.blogspot.com

About santy03

Santy: Agriculturist by profession but now a full time scholar student; sometimes loner, adventure lover, frustrated photographer and writer but continuously seeking her passion in writing. Writing helps her to express emotions. She loves to travel and explore new things in different places. She loves nature and everything under the sun. She loves to be connected in the indigenous people and reach the marginalized countrymen. Follow my blogs and wait for my exciting adventures. It's more fun in the Philippines! follow me on twitter #isanggatang03 or my Facebook page: https://www.facebook.com/biyahenisanty03 You can also visit my blogs at: duantheexplorer.blogspot.com biyahenisanty03.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!