Blessing in Disguise

Naalala ko ang isang sinabi sa’kin ng kaibigan na kung pwede na lang daw ay mapunta sa kanya ang sakit ko. At ang reaksyon ko ay “Bakit naman?!” Para daw makapag-gala na ako sa mall. Ah, iyon naman pala. Nakakatuwa ‘di ba? May gustong umako ng karamdaman mo? Wow. That’s sweet. Ikaw na! Pero imbis na magpasalamat ako sa sinabi niya ay nasabi ko pang: “Ba’t ko naman ibibigay sa’yo ‘to? Eh sa’kin ‘to binigay?!” Kakaiba ang naging reaksyon ko. Hindi ko rin alam bakit iyon agad isinagot ko. Inangkin ko pa ito.

“Wala na bang ibubuti ang aming/aking buhay?” Pakiramdam ko, huminto na ang buhay ko noong 21 years old palang ‘ko o noong ika-7 ng Agosto 2013. I feel like my life stopped the day my AVM (Arteriovenous Malformation) rupture. Pakiramdam ko ang buhay ko ay nasa isang mahabang pause ngayon.

Ika-7 ng Agosto 2013 – Ako ay diagnosed with AVM o Arteriovenous Malformation. Inilalarawan ito na buhol buhol na maninipis na ugat sa utak ng tao o sa iba pang parte ng katawan ng tao. Maaaring magkaroon nito sa kamay, paa, baga, tiyan, sa spinal cord ngunit kadalasa’y sa utak. Ito ay inborn. Ngunit hindi daw (daw) namamana. Ang pinagmumulan ng sakit na ito’y hindi pa rin nalalaman. Nalalaman lamang daw ito accidentally o kapag ito ay pumutok na o nagkaròon na ng pagdurugo, tulad ng nangyari sa akin.

Ang pangyayari ng araw na ‘yon ang nagbuhay sa bagong ako. Akala ko iyon na ang huling araw ko sa mundo. Pero ayoko pa pala noon. I’m not frefared. May handa ba sa kamatayan?

Ika-4 ng Setyembre 2013 naman ang araw na binuksan ang ulo ko. I have undergone an open-skull surgery (crainiotomy). Umabot ng 10 oras ang operasyon sa akin. It went well. Naging maayos ang lahat. Hindi na ako kinailangang salinan ng dugo. Akala ko, maisasaayos na ng matagumpay na operasyon ang aking katawan. Akala ko, maibabalik na ako ng mas mabilis sa aking “normal” na kalagayan. Hindi pa pala.

Ika-14 ng Disyembre 2013, naoperahan na naman ako dahil naman sa Tracheal Stenosis. Sa pagkakadiagnosed nito noon, sa mga oras na iyon, akala ko dito na ‘ko matutuluyan. Sa isip ko noon, hindi ako namatay sa AVM, baka dito, oo. Pero hindi pa pala.

“Intrapontine Hemorrhage Secondary to Arteriovenous Malformation” at “Post-intubation Tracheal Stenosis”- ‘yan ang mga nakalagay sa aking mga medical abstracts.

Ika-11 ng Pebrero 2015, sumailalim naman ako sa Gamma Knife Radiosurgery. Ito ang pananatili ko sa ospital na gusto ko na talagang umiyak ng malakas. Gusto ko ng sumigaw ng, “ayoko na!” Ayoko na ulit ma-admit sa ospital.

Halos tatlong taon na ang lumilipas, hindi parin ako nakakalakad ng mag-isa at hindi ko ma-feel na mag-25 anyos na ako. Tumatanda na ako. Habang ang mga highschool at college batchmates ko ay abala na sa pagtatrabaho at ang ila’y nagsisimula ng bumuo ng pamilya, ako naman ay nag-uumpisa pa lang muling matutong lumakad at sumulat. Nauna pang makalakad ang mga batang 1 taon pa lamang nabubuhay sa mundong ibabaw kaysa sa’kin. Maaaring huli na rin ako sa mga ka-batch ko. Nakatutuwa na makita ang kanilang mga larawan ng kasiyahan at tagumpay sa kani-kanilang buhay – simple man ito o marangya.

Minsa’y may nagsasabi sa akin na ang nangyari sa akin ay isang pagsubok lamang sa’kin at sa buo kong pamilya. May nagsabi rin naman na ito’y pagtuturo o pagtutuwid. Alinman sa dalawa, hindi ko kayang sabihin na ito ay ang isa lamang o ang isa. Ito ang masasabi ko:

Maaaring isa itong PAGSUBOK o isang pagsusulit. Kung ito man ay ganoon nga, masasabi kong ako ay bagsak. Maraming pagkakataon na mali ang aking nagagawa. Nakakasakit ang aking mga salita. Nang-aaway ako. Umiyak ako nang biruin ng kapatid ko na isa daw akong “Dakilang Lumpo.” At hindi ko na alam kung gaano karaming pagkakataon na nasabi kong “gusto ko ng mamatay.” Ang sabi ng ilan ay wala naman mahirap sa pinagdadaanan ko, siguro dahil nga sa ako ay nasa loob lamang ng bahay- nakaupo at naghihintay, tingin ng ilan ay “wala naman mahirap diyan.” Ngunit sa napakaraming pagkakataon na nasabi kong “gusto ko ng mamatay,” may ideya ka na siguro kahit kaunti sa aking nararamdaman.

Maaaring maraming pagkakataon rin na binigo ko ang nagbigay sa’kin ng pagsusulit. Ngunit ako ay kasalukuyan na narito parin sa aking kalagayan. May pagkakataon pa upang igihan ko pa ang paglakad. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng karamdaman ko na ito. Hindi ko alam kung hanggang saan niya dadalhin ang aking pagkatao. Mahirap! -‘yan ang masasabi ko sa ibinigay sa’kin. Mahirap tanggapin! -‘yan ang naramdaman ko sa nangyari sa akin.

Pangalawa, maaaring sabihin ko rin na ito ay pagtuturo sa akin at PAGTUTUWID. Pagtuturo na hindi lang sa’kin, maging sa mga taong aking nasa paligid at sa mga nagbabasa nito. Sana ay matuto ka na sa pamamagitan ng aking karanasan.

Bibigyan ko ng masigabong palakpakan ito. Sapagkat ito ay tagumpay! Ang pagtuturo o pagtutuwid na ito ay higit kong dama kaysa sa sabihin kong isa lamang itong pagsubok. Naniniwala ako na magkadikit ang dalawa na ‘yan.

Sa biglaan kong pagkakasakit, maraming teorya, opinyon, o kuro-kuro ang mga taong nakaaalam ng aking kalagayan. Ang ila’y nagsabi na ako ay nakulam, napasma, pinarurusahan ng Diyos, o isinumpa. Muntik na rin akong ipatawas ng pinsan ko o dalhin sa mediko ng mga kamag-anak ko.

Minsan kami ay nagkakwentuhan ng aking mama tungkol sa aking karanasan. Biglang tumulo ang luha ko. Umiiyak ako. “Hindi po ‘ko umiiyak Ma kasi malungkot ako” sabi ko sa kanya. Oo. Nalulungkot ako lalo na kapag halos nasusuka na ako sa aking pagkabagot. “Masaya ako sa puso ko” dagdag ko. Hindi man ako katulad ng mga kabatchmates ko na nakakakain sa mga restaurants, nagtatrabaho na rin ang marami sa mga nakababatang kakilala ko, hindi man ako nakakapaggala at nakakapag-shopping sa mga malls tulad ng madalas kong nakikita sa mga posts sa facebook, o nakakapagregalo sa mga minamahal; mayroon akong bagay sa aking puso ngayon na kahit sinoman ay hindi mabibili sa kahit saang tindahan. Higit sa kayang ibigay ng paglalakad at maibibili ng sweldo ito.

Mayroon ako sa aking puso ng kagalakan na hindi kayang ibigay ng napakaraming hiking, trekking, outing, parties, seminars, o conferences. Mayroon ako sa puso ko na hindi kailanman mawawala, makalilimutan, o mananakaw. Mayroon akong mga natutuhan sa buhay ko na hindi mauubos ipamahagi ko man sa buong mundo. Mayroon akong “more precious than silver, more costly than gold, and more beautiful than diamond” na kayamanan.

Ngayon, Masasabi ko bang ako nga ay isinumpa? O minalas? O kaawa-awa? To them who believes I am, I felt BLESSED more than cursed. There may have been times I feel deprived of many things – of simple things, but I was given greater things that a normal life cannot give. I have prayed for a normal ordinary life, “but sorry Loida…you are not entitled to it.” I have been in an extraordinary experience- an extraordinary life. This is what I am entitled with. And to that, I am more blessed than anyone who can walk.

My AVM became the filter in my life that exposes and removes so much of my pride, impatience, and selfishness. Like John Farense stated,

“What wonder it is if peevishness and impatience are brought out by disease.”

About loidabauto

Christian Hedonist. Interior Designer. Claiming AVM survivor. Nature lover.Cineaste. I am the 2007th interior designer in the Philippines. 🙂
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!