Biyahe ni Santy: Art in Island Adventure

Mula sa huli kong blog na “Laguna Travel Guide: 10 things to consider in choosing a private resort”, dadako naman ako ngayon sa bihaye ni Santy Blog Serye at ang una sa listahan ay ang “Art in Island” na matatagpuan sa 175 15th Ave., Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City, 1109 Metro Manila. Gaya ng sinabi ko sa mga dati ko nang blog, dapat kung pupunta ka sa isang lugar all in one, iyong lahat mag-eenjoy, bata, matanda, kabataan, single, in a relationship or kahit married pa. Isa pang mahalaga eh sulit ang ibabayad kahit ano pa ang presyo nito.

Ang Art in Island ay maituturing na pinakamalaking 3D Art Museum sa buong Pilipinas at sa buong Asya (In terms of the number of their paintings). Maaaring may mga taong magtatanong o mag-iisip ng ganito:  “Museo? Anong meron doon?”, o “Museo?, baka boring ah!”, o “Museo? Eh di bawal hawakan?” kasi isa na ako sa mga taong nag-isip at nagtanong ng ganyan pero maling-mali ako. Bago ko napagdesisyunan na puntahan ang lugar na ito, nagbasa muna ako ng mga reviews or feedbacks sa internet at definitely satisfied naman sila kaya pakiramdam ko ay magiging satisfied din ako kaya’t hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, pinuntahan ko na. Hindi gaya ng mga ilang museum sa ating bansa, sa Art in Island maaari kang maging parte ng Art (literally), maari mong hawakan ang mga paintings, you can have your creative shots na hindi ka mangangamba na may mga taong makiki-alam sa iyo.

Reminder number 1: Kapag nasa Art in Island ka, huwag na huwag mong iisipin ang sasabihin ng iba, you can pose, take your groupie or selfie shot and enjoy every artwork in the place and most of all enjoy.

Here are the few things that you can do in Art in Island. I hope you can also visit this place too. Ready? Come on!

a. Salubungin ang mga optical illusion art

The Optical Illusion Art
The Optical Illusion Art

b. Maging isang Sirena and enjoy the Aquatic Zone and under the sea adventure

The Under the sea experience
The Under the sea experience

c. Harapin ang iba’t ibang uri ng hayop sa Jungle Adventure

The Tiger the the bird
The Tiger the the bird

 

You roar but I don't scream
You roar but I don’t scream

 

d. Kilalanin ang mga sikat na Masterpiece sa buong mundo

Starry, starry night
Starry, starry night

e. Balikan ang sinaunang sibilisasyon.

The Mummy Returns
The Mummy Returns

f. Maglakbay sa mundo ng Engkantadya at Pantasya

The Waterfalls
The Waterfalls

g. Magbalik tanaw sa kapanahunan ni Jesus at mamangha sa mga artworks ng Religious zone

The First Noel and the Angel
The First Noel and the Angel

h. Magcelebrate ng early Christmas

Santa Claus and the Snowman
Santa Claus and the Snowman

i. Maging preso, target, o makipag-taguan. Maging bihag din paminsan-minsan.

The Prisoner
The Prisoner

j. Maging kakaiba.

When you want to do crazy things
When you want to do crazy things

k. Maging Magazine Cover

Slide12

 

Iyan ang ilan sa mga maaari niyo ring gawin sa Art in Island.

 

Heto ang mga pabaong reminders sa mga nagnanais na magtungo roon:

  1. Bring your CAMERA. Cellphone Camera, Tablets, or DLSR.
  2. Bawal pong suutin ang sapatos sa loob ng museum, kaya dapat mag-ready na ng medyas (socks) kung ayaw mong lamigin ang inyong paa. Bring jackets, malamig kasi sa loob ng museum.
  3. May mga camera angle guides na kung saan doon ang pinakamagandang posisyon para makuhanan ng maganda ang inyong model. Hindi lang agad ito napapansin dahil sa maliit na size nito.
  4. Bawal po ang tripod sa loob ng museum. Mas maganda talaga na may kasama ka sa pagpunta doon para siya ang magiging photographer mo. Kung talagang solo ka lang, may mga staff sila na pwedeng maging photographer. Accommodating sila super! Bawal din ang pets, food and drinks. But in case na magutom or mauhaw ka may restaurant naman sila sa loob ng museum. So don’t worry.
  5. Be mindful of others, hindi lang kasi ikaw/kayo ang nasa loob. Wait for your turn sa mga spot na gusto mong magpakuha kung ayaw mong masabihang photo bomber.
  6. Ang entrance for Regular= PhP 500.00, for Senior Citizen and Students (20% discount) so please bring a valid ID to avail the discount. Bukas po sila tuwing Tuesday hanggang Sunday, from 9:30am to 9:30pm. They are close on Mondays but open on holidays and the selling of tickets is until 8pm.Walang time limit sa loob ng Museum. Tatlong oras kami bago natapos maglibot at depende pa iyon kung paano at gaano karami ang mga pose. Kaya kailangan ng matibay na resistensya.

 

Art in Island?

100% Definitely cool..:)

 

 

 

 

 

 

 

About santy03

Santy: Agriculturist by profession but now a full time scholar student; sometimes loner, adventure lover, frustrated photographer and writer but continuously seeking her passion in writing. Writing helps her to express emotions. She loves to travel and explore new things in different places. She loves nature and everything under the sun. She loves to be connected in the indigenous people and reach the marginalized countrymen. Follow my blogs and wait for my exciting adventures. It's more fun in the Philippines! follow me on twitter #isanggatang03 or my Facebook page: https://www.facebook.com/biyahenisanty03 You can also visit my blogs at: duantheexplorer.blogspot.com biyahenisanty03.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!