BINGO!!! BINGOOOOOOOO!!!

Ang laki ng Simbahan dito sa Qatar mga frenssss!
Eto, oh, kinuhanan ko ang altar bago kami umuwi.
5939_591214214252403_83196869_n
Alam n’yo ba….
Isang salita ang tumanim sa aking isipan ‘nung ako ay bata pa.

“Narinig kong sinabi ng aking nanay sa aking tiyahin na kung lalapit ka o kakausapin mo ang Diyos ay huwag na huwag kang hihingi ng pera. Ang sabihin mo ay tulungan kang malampasan mo ang problema.”

Kaya ang nangyari sa tuwing ako ay may problema lalo na’t pinansyal..
Iisa lang ang ibinubulong ko sa KANYA….

“Sana po, tulungan n’yo akong makayanan ang pagsubok na ito.”

Pero may isang pangyayari sa buhay ko na hinding hindi ko malimutan….

Nagka patong patong ang problema naming pang pinansyal noon….

Kumikilos naman ako, may trabaho at lagi akong naniniwala na hindi NIYA ako pababayaan….

Hindi naman buhay ang nakataya noon…
Kaya lang…
nasasaktan ako kapag nakikita kong ang aking Misis ay nahihirapan.

Hindi sumapat ang aking sinasahod sa tatlo kong anak na nag aaral….
Dose mil isang buwan…. Pero hindi ko na siyempre tinatanggap ng buo iyon dahil sa gastos sa pamasahe…
At pagkain o baon.
Plus mga tax pa, SSS at Pag-Ibig.

Dumating ang oras na kailangan na naming magbayad ng tuition ng mga bata….
Naipon na ng naipon sa kakapasa ng promisory note o pangakong magbabayad….
Hindi makakagraduated ng elementarya ang aking panganay…
At ayaw ng tanggapin sa school ang pangalawa at pangatlo kong anak.
Iisang school kasi sila hehehehe!
Sunod sunod ang idad.
Taon taon kasi nakakabuo
weeeeeh!

Naka smile ako sa harap ni Misis….
Pero sa aking sarili ay ibinubulong kong
“Diyos ko tulungan mo po kaming malampasan namin ang problemang ito.”

Umalis ako noon at nagpunta sa aking Nanay….
Para humingi ng tulong….
Subalit kapos din ang aking mga magulang.

Umuwi ako na ang aking nadilensya ay isang daan.

Naisipan kong dumaan sa simbahan…

Sa sakristi kung saan napansin ko ang nakahigang imahe ni Jesus…
Wala ako sa sariling yun ay aking nilapitan….
Dahil sa nawawalan na ako ng pag asa….
Paghawak ko sa mga paa ng KANYANG imahe….
Pumatak ang aking luha at naibulong kong:

“Panginoon… San po ba ako kukuha ng pera?”

Pero agad nagbalik sa aking isipan ang sinabi ng aking nanay na kung ikaw ay mananalangin huwag kang hihingi ng pera. Ang sabihin mo ay tulungan kang makayanan mo ang problema.”

Kaya bigla ay parang nahiya ako….
Sinabi ko na lang na:

“Kayo na po ang bahala sa amin.”

May limangdaan pa naman ako sa pitaka, allowance na aking iniipit incase of emergency.
Naisipan kong bumaba sa Sta. Lucia Mall para bumili ng mga notebook at ilang gamit ng mga bata….
Pagkabili ko ay nadaanan ko ang BINGO BONAZA. Isang seller ng card ang humarang sa akin…
At inalok akong bumili at maglaro.

“Sir, isa na lang kunin n’yo na, punuan na po.”

Sa halagang 30 pesos, ewan, pero napadukot ako sa aking bulsa at binayaran ko ang card.

Sa loob ng 48 na bolang matatawag ay dapat mapuno mo ang carton o matawag lahat ang numerong nasa iyong carton. Kapag nangyari yun ay Jockpot ang iyong mapapanalunan. Kapag walang nakapuno within 48 balls ay magpapatuloy ang bola at kung sino ang unang makapuno ay mananalo ng 10 thousands pesos bilang consolation prize.

Dumagadundong ang dibdib ko ng sa loob ng 40 balls na lumabas ay isang numero na lang ang kailangang matawag sa aking karton.

Letter I #21 ang natitira sa card ko.

Marami ng natawag sa letter I pagtingin ko sa bulletin board.
Napag iiwanan ang letter G.

Ika 41 balls letter G ang tinawag
Ika 42 balls letter G pa rin ang lumabas.
Ika 43 balls letter O.
Bigla ay Nag letter I……..

3 nalang sa letter I ang natitirang di natatawag…
27,19 at 21.

Sumigaw ang caller….

“Your 44rth ball for the jockpot of 100 thousand pesosssss….
letter I………

Twentyyyyyyyyyy…..

.

.

.

Seven.”

Ngek! Bwiset! aatakihin pala ako dito sabi ko sa sarili ko hehehe!

45fth ball letter O ang tinawag.
46Th ball letter G
Biglang sa 47Th ball ay letter I……

Yourrrrrrr 47th ball for the jockpot of 100 thousand pesossssssssssss……

Letter I……….. .

Letter I……….

I………………..

I…………………

19.”

Alam nyo ba pumasok sa isip ko ang paa ni Jesus na hinawakan ko sa simbahan…..

Hindi ko na hinangad ang jockpot dahil imposible ng lumabas ang natitirang letter I sapagkat madami pang bola na di natatawag sa letter B.

Naibulong ko noon na:

“Diyos ko kahit consolation prize lang plsssss….”

Kasi naman isa na lang puno na matatalo pa yata. Hahahahahaha!

Sumigaw ang caller:

Your 48th and final ball for the jockpot of 100 thousand pesosssssssss…..

Letterrrrrrrrrrrrrrrrrr……

I……

Hala hindi ko na inantay bangitin ang numero nagtatakbo ako sa harapan at sumigaw ako ng malakas na:

“BINGOOOOOOOOOO OOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!”

Sinalubong ako ng mga card seller kaya lang ako nahinto sa pagsigaw kasi kinuha nila ang hawak kong card para iverify….

Tayuan lahat ng mga nakaupo.
Hahahahahahaha!

Nagpalakpakan lahat nang iverify na tama mapuno ko nga within 48th balls ang card ko na iisa.

Dami lumapit sa kin para hingi ng balato….
Hindi ko alam ang gagawin ko…
Hinatak na lang ako ng guard para ipasok sa opisina…
At doon hindi ako makapaniwala na pinapipili ako kung check or cash….

Di ko alam kung paano ako nakauwi….

Ang tanda ko ay umiiyak si Misis nang iabot ko ang check na 100k sa kanya.

Naka Smile pa din ako sa harap niya…

Pagkatapos ng masayang gabi na yun kasama ang mga bata….

nang sila ay mga nagpapahinga na…..

Nagpunta ako sa likuran ng bahay…..

tumingala ako sa langit…..

at nagpasalamat sa Diyos.

Amennnnnnn!

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!