BEWARE OF CRABS

 

 

“Mag-ingat sa mga asal talngka,hihilahin ka nila pababa.Namamato pag ika’y hitik na hitik sa bunga”

 

 

Malimit kong marinig ang kantang iyan sa radyo,yan ay isang awitin patungkol sa mga taong inggitera at ayaw palamang sa kapwa.Sila ang mga taong pag naamoy na ikaw ay umaangat ay pilit kang hihilahin pababa. Lahat ng pwedeng ibato ay ipupukol sa iyo malaglag lang ang mga bunga ng iyong pinaghirapan.

 

Akala ko noon sa Pinas lang nangyayari ang “Crab Mentality” na tinatawag. Pero hanggang dito pala sa ibang bansa ay dala-dala at bitbit din sa maleta ng mga kapwa ko OFW ang kanilang masamang pag-uugali galing sa ating bayan. Iba’t ibang anyo ng mukha na ang aking nakita at nakasalamuha dito sa Abu dhabi. Ang ilan ay kabilang sa mga akala mong kaibigan ngunit pag nakatalikod ka ay kung anu-ano na ang maririnig mong paninira at pagyurak sa yong pagkatao na akala mo naman ay napakalinis nilang tao para magsalita ng masama laban sa kapwa. Matamis na ngiti ang ibibigay sa yo sa tuwing makakasama mo ang mga ito pero sa kalooban ng puso ay puro inggit at selos dahil sa mga nakakamtam mo sa buhay.

 

Pilit mo man hakbangin ang iyong tagumpay ay nariyan ang kanilang mahahabang sipit na nakahandang pigilan ka at hatakin paibaba. Ang masklap pa nito matapos kang ibagsak ay aapakan ka pa nila, gagawin ka nilang tuntungan upang maiangat ang sarili. Balewala sa mga ito kung may mga tao silang masasagasaan o masasaktan. Ang puso nila ay binalot na ng samu’t saring inggit at kasakiman, anupa’t pati ang pagkatao mo ay kaya nilang paglaruan sa paggawa ng mga kwentong sisira at gugulo sa nanahimik mong buhay.

 

Sila ang mga taong di matahimik hangga’t di ka nila nakikitang bumabagsak at naghihirap. Mga taong makasarili at walang sinasanto kahit ano pa ang posisyon o estado mo sa buhay.

 

Kaya mga kababayan ko dito sa ibang bansa, MAG-INGAT KAYO SA MGA TAONG ITO! Wag nyong hintayin mabalewala ang bunga ng mga pinaghirapan nyo dahil sa isang taong punong puno ng inggit sa natatamasa nyo. Maging alisto at mamili ng kaibigang pakikisamahan.Dahil dito sa abroad,walang permanenteng kaibigan lalo na kung pera at materyal na bagay ang pinag-uusapan.Nagkalat na ang plastik sa mundo,ang mga ito ay di nabubulok at nakakasira di lang sa kapaligiran kundi pati sa ating lipunan.

 

At sa mga taong mahahaba ang dila at sipit,kasabay ng pagbabago ng taon ay pinapanalangin ko sa Diyos ang inyo rin naman pagbabago at nawa’y ang kapayapaan ng pag-ibig ng Diyos ang mamalagi na sa inyong puso.

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!!!

 

About bham

Hilig ko na po talaga ang magbasa at magsulat.Kahit high school lang ang tinapos ko,ang mga libro,magazines,at newspaper na ang nagsilbing guro ko upang patuloy pang matuto.First time ko po itong mag blog kaya po sana kahit man lang dito eh matupad ko ang pinangarap kong maging journalist.

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author bham

  • Nors

    Kaya piliin ang mga close friends. Piliin yong mga nakaka-inspire. Yong mga hindi sincere na hindi mo naman maiwasan kasi nadadaanan o kasama sa work o sa community, acquaintances na lang.

  • Batang Mapaglaro ang Pagiisip

    I feel you brother.. at kung minsan pa ang masakit dito weh kamaganak pa ang sumisira at humihila sa iyo pababa.. tsk tsk tsk…

    • ricmagsipoc

      minsan,, it happens,, kaya nakakalungkot.. Pray nalang tayo..

  • cherry25

    hay naku,yan ang common disease of Filipinos na walang treatment. insecurities and “crab mentality”.actually it’s a sort of compliment ,nanghihila sila dahil gusto nila na magkalevel kayo ,insecure dahil meron kang bagay na wala sila.ang dami nga dito sa Italy ganyang klaseng tao.mas mabuti pang mag-isa o makipagkaibigan sa ibang lahi dahil ang kapwa nating Pinoy ay hindi makapagkatiwalaan.

    • ric

      may malaking ponto ka cherry,, 99.99% agree ako sa pananaw mo

  • gab

    mabuhay ka bham!tama lahat ang tinuran mo. buong mundo,maraming ganyang Filipino.kakalungkot isipin.sana naman maging masaya na lang sila sa tagumpay ng kapwa nila.

  • ruther alvarado

    tama….isa yan sa mga ugali ng pinoy na hindi maalis kahit saan mo pa sila dalhin dala dala nila ang pagiging “utak talangka”haysss..iwan k ba bakit nauso pa yan,,,

  • rosy angeles

    yup your absolutely right..

  • sheryll

    usung uso yan d2 sa dubai…! ang inggit kapatid ng magnanakaw..!

  • Dito sa New Zealand meron din ng ganyan di na yata na alis sa pinoy yan, inglis ng inglis kinausap mo na nga sa linguaheng pinoy(Tagalog) inglis pa rin sasagot syo di bale sana kung tama yung grammar makapag inglis lang tapos kukumpas kumpas pa ng kamay at sisiraan ka pa, BISAKOL!!!

  • Haha marami rin sa UAE! At tama kau,marami dyn sa Cali!mpgmataas,sobrang yabang,mapangmaliit at mapanlait pa sa kapwa!

  • D2 sa canada ang daming ganyan!

  • Ikulong ang mga ganyan…

  • Dito sa California …yak!!!dami

  • maraming ganyan sa States.

  • Yan ang Katotohanan,,

    Let us be patient..

  • Pangit na ugali yan…We have to move on for god sake!!!

  • kung bakit di nlng mag trabaho para umangat din. anyhow ang inggit ay kasalanan ng demonyo kaya ang mga inggitero at inggitera ay may sapi ng demonyo. kaya nga tinapon sya sa imperno dahil na inggit sya sa Diyos. ipagdasal nlng natin yung mga inggitero at inggitera na sana di sila itapon sa impyerno. peace… bato2x sa langit ang matamaan ay wag magalit!

  • nopt only in abu dhabi iha.. even in saudi meron.. by experience seen them there…they are still there….

  • NAKU Ang dami kong kilala na ganyan..
    Mga kupsstttt..

  • Crab mentality

  • sana iba na ang estilo ng mga taong may crab mentality,,sana hila na pataas para tayong lahat ay aangat,,,,

  • Korek! Kaya walang asenso sa buhay! Imbis na magtulungan sna para sabay umangat. Un ang dahilan kung bkt tinatawag na ” utak talangka” Bato-bato sa langit, tamaan wag magalit.

  • eto profile pic ko ang bagong crab mentality… hilahan pataas! =) positive day!