#Bespren: May ‘Lydia’ ka ba sa buhay mo?

Tearjerker na teleserye …bigating mga cast.

Magmula sa lead role ni Sylvia Sanchez bilang si  Gloria Alegre hanggang sa apat niyang anak na sina Amanda (Dimples Romana), Andrei (Matt Evans), Paeng (Arron Villaflor), at Lizelle (Andi Eigenmann) at pati ang nag-iisang apo na si Zosimo (Joshua Garcia), maging ang mga supporting roles ng iba pa gaya ni Peter (Noni Buencamino)… wala ka nang hahanapin pa.

Lahat sila magagaling; naipalabas ng direktor ang kanilang buong pagganap.Napakabigat ng mga eksena.

Sa madaling salita, na-bring out nila ang bawat karakter sa istorya ng “The Greatest Love”.

Kaabang-abang talaga ang bawat episode. Na kahit hindi mo naabutan sa time slot nitong alas 4 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes, tiyak na hahanapin mo ito sa You Tube o kung saan mang site mo siya mahahabol.

Ang titindi kasi ng mga eksena!

Ngingiti ka, tatawa, magagalit, maiiyak… sasamahan mo talaga si Gloria sa kanyang journey. Gugustuhin mo siyang yapusin, aluin at sabihan na “Tama na…’wag ka nang umiyak.”

Lalo na kung isa ka ring ina.

Lalo na kung gaya ni Gloria ay may mga pampamilya ka ring isyu sa buhay na pilit mong hinahanapan ng kalutasan.

Pero hindi mo ‘yun puwedeng gawin… kaya natutuwa ka na mayroong isang ‘Lydia’ na laging sumusulpot sa lahat ng sandali na kailangan ni Gloria ng magbabalanse sa kanyang mga nararamdaman at pinagdaraanan.

Matutuwa ka sa presensya ni Lydia…lalo na kapag nakita mong si ‘Bes’ lang ang tila nakapagpapakalma sa nagugulumihanang si Gloria lalo na kapag may mabibigat itong pinagdaraanan.

Nakakainggit din naman si Gloria… mayroon siyang BES.

Lydia

Na kahit napagsalitaan niya ng masasakit ay nakauunawa. Magpapalipas ng kaunti…at muling babalik. Nasa malayo man itong lugar.

Pagkakaibigang mula pa noong kabataan.

Pagkakaibigang pinatibay na ng panahon… ng mga pagsubok.

Nakabibilib, ‘di ba?

Kasi ang husay ng pagganap ni RUBY RUIZ bilang si Lydia na bespren Ni Gloria.

Saktong-sakto sa timpla, ‘ika nga.

At habang pinupuri ng marami ang pagganap ng pamilya Alegre — na talaga namang pang-award lahat sila, gusto ko lang paratingin sa supporting actress na si Ruby Ruiz na ako ay hangang-hanga sa kanya.  Thumb up po!

Ms. Ruby Ruiz, keep it up!

Sa napakahusay niyang pagganap bilang bespren… isang nagtatanggol, nagpapasaya, sumusuporta, umuunawa, hindi nagsasawa. Grabe!

Maaalala mo tuloy ang sarili mong mga bespren.

Sino ba sa kanila ang ‘Lydia’ sa buhay mo?

‘Yung tunay na ‘Lydia’ na hindi ka iniwan sa haba ng panahon ng inyong pagkakaibigan?

Angkop na angkop nga kay Gloria ang ‘the greatest love’ na mayroon siya para sa kanyang mga anak.

Ngunit angkop din ito kay Lydia na sa aking palagay ay hindi na mawawala sa buhay ni Gloria bilang nagmamahal na  si BES… sa kabila ng palala nang palalang kalagayan ni Gloria. Lalo na ngayon.

Dahil malamang sa alamang, hindi makakayanan ng isang Gloria ang mga pagsubok sa kanyang buhay kung wala si Bes.

Hayyyy… salamat sa mga Bes sa ating buhay.

Ikaw, mayroon ka rin bang ‘BES”?   ^_^

Narito ang ilan sa kanilang mga eksena:

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!