Bente

 Sa halip na picture books ng fairytales, ang ginagawang “prompt” ng nanay ko sa pagkukuwento ng bed-time stories ay perang papel. Dudukot siya sa bulsa ng 20 pesos, tapos ikukuwento niya ang talambuhay ni Manuel L. Quezon.
Understand that it was the ’90s; hindi pa ako nakatutungtong ng Grade 1 at wala pang subject na Sibika at Kultura. May crash courses on Philippine history in the form of educational TV programs like “Bayani” at “Hiraya Manawari”, pero Channel-7 lang ang nasasagap ng antenna namin.
Sabi ni Mama ay anak daw si Manuel Quezon ni Dracula. Sa old legal tender, nakataas ang may pomadang buhok ng pangulo, kinatam ang namumutlang mukha, naka-monkey suit and bowtie; drowingan mo ng dalawang pangil sa magkabilang sulok ng labi and you get the picture.
Ang una kong napansin sa mukha ni MLQ ay ‘yung M-shaped hairline niya na kahawig nung kay Vegetta sa Dragon Balls. Sa bagong serye ng salapi, wala na ang kurbadang hairline na iyon at mas fresh nang tignan ang former president. Kung may biopic ang latest version ni Quezon, si Raymond Bagatsing ay perfect lead-role material.
Kasikatan ang sagot ng grade-school teacher ko sa kung ano ang batayan para mailagay ang mukha mo sa salapi. Ito ay isang katangiang taglay daw ng mga legends at noblemen ng kasaysayan. Sabi pa niya ay kilala ng lahat ng Pilipino ang mga presidente at bayani. Pero bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin masagot ang trivia question sa “Celebrity Bluff” tungkol kina Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda? Si Apolinario Mabini ba ‘yung nasa puson nung babae sa psychedelic painting na “Mona Lisa”? Kailan kaya magkakasama-sama si Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Miguel Malvar at Melchora Aquino sa isang Filipino-history film equivalent ng “Avengers” at “Fantastic 4”?
Kung sasalaminin ng salapi ang mga sikat sa kasaysayan, mas bagay kaya sa P20 si Noel Cabangon; P500, Kris; P1000, Tito, Vic and Joey? At dahil commemorative ang purpose talaga ng mga banknotes ayon sa Bangko Sentral, sa likod ng mga salaping ito ay ‘yung mga bagay na relevant sa mga showbiz personalities in question, for instance with Kris: Chowking Chinese Lauriat.

About Vernon Velasco

The reason I carry a handkerchief is that I am meant to save a lady's day.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!