Ben Timba

zahana.org

Ako nga pala si Ben, ang tawag sa akin ay Ben timba. Ako kasi ang taga igib sa track ng bombero sa amin (joke lang yon) at sa buong baranggay maamoy.

Minsan nga kapag wala ako at may pinuntahan, asahan n’yo na?  na maamoy sa baranggay maamoy. Maaamoy muna agad kahit nasa kanto ka palang ng baranggay maamoy. Ang amoy ng, chismis, ni aling cora, amoy tagayan sa kanto ng sunog kilay gang, amoy ng basura na isang linggo ng binibid sa munisipyo wala paring gustong bumili, amoy ng anghit nang k-pop wanna be group na Shung-hit boys, amoy ng paa na pinirito na galing sa palengke at higit sa lahat amoy ng bunganga ng misis ko na pang expandable. Expandable ang sound rinig sa buong baranggay amoy sa buong kabahayan.

Hayyy! amoy away na naman ito, dahil sa sabit na naman ako sa interview yon bagsak na naman. kaya muli shot na naman ako sa timba. Amoy kambing na nga ako dahil sa init ng panahon pinagpawisan pati ngala ngala, tapos pag uwi ko  papaliguan pa ako ng laway ng kalabaw. Ok sana kung dilaan nya muna ako para matanggal yung libag libag ko sa katawan.

Bakit kasi lagi akong sabit sa paghahanap ng trabaho, siguro itinakda talaga ako ng Diyos para maging  water boy  ng buong baranggay Maamoy. Minsan tuloy gusto ko nang maniwala sa “WALA”. Dahil  kada araw at oras minuto at segundo, puro wala ang naririnig at nakikita ko. Nawawala na naman si ganito ilang araw na daw pinaghahanap, wala na naman daw stock na bigas, wala na daw tigil ang pagtaas ng mga bilihin gaya ng gasolina, wala na raw  pag-asa na bumaba pa ang piso kontra dolyar wala na raw pag-asa magamot ang sakit na aids, wala naraw pag-asa  ang pag asa para magbalita ng accurate weather, wala naraw pag-asa pa na masugpo ang lumalalang krimen sa Pilipinas  death penalty na lang daw ang makakapag pababa ng kreminalidad sa bansa.

Kaya sigaw ng karamihan ibalik ang Marcos sa Malacanang este! ibalik ang Death Penalty, wala na raw sulosyon ang trapic sa edsa at higit sa lahat wala na raw pag asa pang mabuwag ang corruption sa Pilipinas kasi nga pati nakaupo sa upuang magneto eh number one daw sa pangungurakot sa  peggy banks ng bayan.

Kaya minsan bilib pa ako sa mga nagtratrabaho na sapatos lang ang suot, at least kahit sapatos lang ang suot nila hindi sila giniginaw samantalang itong mga nakakurbata na de kotse at de aircon ang opisina. Nanginginig na sa lamig ayaw parin patayin ang aircon sa opisina,  ayaw hubarin at bawasan ng kunti ang kanilang kasuotan,  baka kasi bumaba ang timbang nila at maungusan ng kabilang paksyon at baka rin  tumulo ang langis sa kanilang katawan kapag nainitan sila ng kaunti.

Buhay nga naman parang swing, nakakahilo baka gawin ko na lang propesyon yung pag iigib magtatayo na lang ako ng isang academy na magtuturo kung papaano ang tamang pag-iigib at pag hawak ng pingga nang tama, tamang posisyon bago buhatin ang mabigat na timba at container ng tubig ng walang nasasayang na tubig. Dahil ang tubig ay mahalaga sa aming baranggay kaya gusto ko ituro sa kanila ang tamang pag gamit ng tubig na walang nasasayan. Gagawin kung principal yung misis ko para ma busy ng hindi na lang ako lagi ang nakikita nya.

BENNN!!!! timba mo umaapaw na walanjo ka kanina pa ito umaapaw tignan mo halos mapuno na yung kanal…

Sorry, Aling Cora..

 

Ang mga ginamit na pangalan dito ay hindi sinasadya ng sumulat.  Kung may pagkakahalintulad man sa isang sitwasyon ito ay hindi sinasadya. Salamat po…

zahana.org
zahana.org

 

About ip-yon

Okay, the first thing you need to know about me, is: I AM NOT A WRITER! 😛 I have no special training in the art of writing...so please DON'T critique my writing, (I already know it needs work) If you would like, SUGGEST something that would help make it more professional.... I do enjoy writing and getting the ideas out of my head, and into writing. It's funny, reading was never one of my interests, until I started to write my ideas down. I would read, re-read, and edit, and then read again, until I finally had what I thought was good enough.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!