Bayan mo, Reklamo mo?

(Photo Credit: toonvectors.com)
(Photo Credit:  toonvectors.com)
(Photo Credit: toonvectors.com)

Mainit,traffic,ang mamahal ng mga bilihin,mabaho,makalat,andaming magnanakaw,adik at madami pang iba.

Ito ang kadalasan kong nadidinig na reklamo sa mga kabayang galing bakasyon sa Pilipinas.Nakakarindi nga minsang pakinggan pero yun naman kasi ang totoo.Kapag ang misis ko o ang mga kapatid ko ang nagrereklamo ng ganito ay sinasabihan ko na wag nalang umuwi para mag bakasyon.

Kasi naman ano ba ang bago?Di ba alam naman natin na ganun talaga sa atin kaya dapat naka mindset kana bago ka magbakasyon.

Mainit ‘kamo?Kasi nasanay lang tayo na naka aircon sa ibang bansa.Dahil libre ang kuryente ay nakabukas ang aircon kahit pa magdamag.Kahit nga winter season ay naka aircon pa rin!

Madaming mall na mapupuntahan at kahit saang kainan ay malakas ang aircon at walang brownout.Kahit pa 50 degree ang temperature ay ayos lang kasi may aircon naman na walang patayan.

Traffic?Meron din kami nyan.Yun nga lang hindi kasing lala ng sa Manila.Malawak din ang mga kalsada dito at madami man ang sasakyan ay hindi naman kasing grabe kung magka traffic.At walang pulis na nangongotong!

Takot lang ng mga kotong dito pati na magnanakaw at wala rin akong nabalitaang adik sa bansa na ito.Siguro merong iilang mabibilang sa daliri pero hindi kasing grabe sa atin.Kulong at bitay or latigo ang aabutin mo kapag mahuli ka sa ganyang bisyo.

Higit sa lahat wala pa akong naaamoy na mabaho or tambak na basura dito.Bawat corner ay may basurahan.Bawat building ay may garbage chute at kinokolekta ng Garbage collector ng gobyerno araw araw.Malinis ang mga kalsada at walang iskwater or nagtitinda sa kalsada o nakatira sa ilalim ng tulay.

Nakakainggit nga ang bansa na ito kasi andami pang pwedeng pagtayuan ng mga bahay samantalang sa Pilipinas ay tatambakan pa ang natitirang ilog o dagat para lang mapagtayuan ng bahay.
Sa sarili mong bayan ay wala kang matitirikan!Ganyan talaga sabi nga ng mga Indiano “What to do?”.

Pero napakasarap pa rin sa feeling kapag ako’y magbabakasyon na.Hindi ko na iisipin ang mga mainit,mabaho,nakawan at iba pang negatibong meron sa Pinas.Ang mahalaga ay ang makasama ang mga mahal sa buhay at makapag spend ng quality time sa kanilang lahat.Hindi ko na uubusin ang oras ko sa karereklamo baka masira lang ang bakasyon ko.Aasa nalang ako na balang araw ay gaganda at lilinis ang bayan natin.Kung kailan ito mangyayari,yun ang di ko pa alam:)

About Tonyo

OFW from UAE who wants to share life experiences while working abroad.I hope I will be an inspiration sa mga readers.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!