Happy 29th ANNIVERSARY: BIOMAN (Feb 4, 1984 ~ Jul 26, 1985)

bioman

“Isa kang Batang Nineties kung pinangarap mong maging miyembro ng Bioman.”

 

Noong unang panahon, ako ay napadpad sa kaharian ng National Bookstore baon ang misyong makabili ng mga gagamitin ko sa isang proyekto para sa HeKaSi. Sa paghahanap ng mga mukha ng mga naging presidente ng Pilipinas ay napadpad ako sa lugar kung saan makikita ang mga post cards ng zodiac signs. Noon ko lang nalaman na lahat pala ng mga “cancer” na tulad ko ay ipinanganak na matatalino at gwapings. Matagal ko nang nararamdaman iyon kaya hindi ko masyadong pinansin. Ang natapukaw ng aking atensyon ay ang lucky number na “two” at lucky color na “green” – isa itong signos.

Hindi natupad ang pangarap kong ipatawag ng Galactic Union Patrol upang gawing isang pulis pangkalawakang may sidekick na laging nabobosohan, pero ang lucky color at lucky number ng aking astrological sign ay maaaring palatandaan na ako ay isang bloodline ng isa sa limang nilalang na nabudburan ng “Bio Particles” mula sa Bio Robo limang dantaon na ang nakakaraan.

“RED ONE! GREEN TWO! BLUE THREE! YELLOW FOUR! PINK FIVE!”

Hindi ito product codes ng mga food coloring na ginagamit sa palamig ni Manong Hepa. Ito lang naman ang isa sa mga madalas mong maririnig na isinisigaw ng mga batang naglalaro noong uso pa ang lansangan. Lahat ng totoy at nene noon ay pinangarap na maging tropa ang android na si Peebo para makahingi ng Techno Brace na ginagamit upang makapag-transform at maging isang (CHOUDENSHI) BIOMAN. Ipinalabas sa Japan mula February 4, 1984 hanggang January 26, 1985, ito ay nakagawa ng 51 episodes. Unang nasilayan ng mga Pinoy noong 1988 sa ABS-CBN, ito ang kahuli-hulihang English-dubbed “Super Sentai” sa Pilipinas dahil nauso ang Tagalog-dubbed na palabas nang dumating si Shaider. Tumagal ito sa bansa ni Juan Dela Cruz hanggang sa mga unang taon ng Dekada NoBenta.

Ang bawat miyembro ng Bioman ay may sari-sariling Bio Sword na puwedeng gamiting dagger, blaster, at espada laban sa mga kalaban. Sila ay may natatangi ring kakayahan at espesyal na pag-atake.

Si Kenny ang tumatayong pinuno ng pangkat; malamang sa alamang dahil hindi na kailangang ipaliwanag ang kanyang code name na “Red One”. Bago naging kasapi ay isa siyang piloto ng kauna-unahang space shuttle ng Japan. May kakayahang makipag-usap sa mga hayop at ang kanyang Bio Brain Computer ay nagbibigay sa kanya ng special move na “Super Electron Radar”. Lahat ng kabataang lalaki ay gustong maging si Red One. Kahit ako, pinangarap kong maging siya kaso hindi puwede dahil ang mas nakatatanda kong pinsang si Badds ang palaging si Kenny. Nagiging si R1 lang ako kapag wala siya o kaya naman ay kasama ko ang dalawa kong mga nakababatang utol…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “AKO SI GREEN TWO”

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.