Balik-Tanaw: Naglalaro Rin Ba Kayo ng STYROSNOW Noong Kayo ay Bata Pa?

styrosnow

Noong ako ay bata pa, nasasabik ako sa mga bagong appliances na binibili nina ermats at erpats. Hindi lang dahil sa may bago kaming sisirain kundi dahil na rin sa packaging ng kung ano mang gamit na binili para magmukhang bahay ang aming bahay.

Kapag ikaw ay munting bata-batuta pa, hindi ka basta-basta puwedeng lumapit sa mga potang abubot na binili ng iyong mga magulang. Taglay mo pa kasi ang kakulitan kaya ang tingin nila sa’yo ay isang “siramiko” o taga-sira ng mga gamit!

“Wow, ang ganda ng teevee! Ang daming channels!”

“O anak, huwag ka munang lumapit diyan, manood ka nalang. O kung gusto mo anak, maglaro ka nalang muna sa labas kasama mga kapatid mo.”

“Wow, ang laki ng bago nating frigidaire! Ma, puwede bang gumawa ng maraming ice candy sa freezer niyan?”

“Oo anak pero huwag mo munang galawin ‘yan dahil bago pa. Maglaro ka nalang muna kayo sa labas ng mga kapatid mo.”

“Wow, dambuhala ang washing machine natin at may spinner pa! Ang daming pindutan atsaka pihitan!”

“O anak, hindi ‘yan laruan ha. Kakabili lang namin ng tatay mo niyan. Iba nalang ang paglaruan niyo ng mga kapatid mo.”

At dahil sa walang-sawang paalala ni inay sa akin na maglaro nalang sa labas tuwing may bagong appliances, nadiskubre ko ang laman ng pinaglagyan ng mga taenang binibili nila na ayaw naman pahawakan sa aming mga bata. May mga puting bloke pala sa loob ng mga karton nito at ito’y tinatawag na styrofoam. Kapag ito ay ikinaskas mo sa pader na magaspang ay may nalalagas dito na parang snow…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90’s blog NoBenta.

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.