Balik-Tanaw: Naalala Niyo Pa Ba ang SPICE GIRLS?

wyrspice

“Isa kang Batang 90’s kung alam mo ang pangalan ng grupong nagpasikat ng kantang ‘Wannabe’.”

Noong Dekada NoBenta ay napakaraming mga grupong sumulpot na parang kabute. Sila ang mga tinatawag na boy bands na hindi naman talaga banda dahil bihira lang sa kanila ang marunong tumugtog ng mga instrumentong pang-musika. Karamihan sa kanila ay puro porma, ka-guwapuhan, at matinding paghawak lang ng mikropono ang alam lang.

Take That, East 17, Boyzone, Westlife, Five, Another Level, Point Break, Boyz II Men, Backstreet Boys, 98 Degrees, ‘N Sync, The Moffatts, at Hanson. Ang dami dami dami dami dami dami dammit nila pero ayon nga sa Eheads, puro laos ang natira.

Kung merong mga grupo ng kalalakihan, siyempre ay hindi nagpadaig ang mga grupo ng mga kababaihan. Marami rin ang mga girl bands na nabuo noong Nineties pero isa lang ang talagang sariwa pa sa aking alaala, ang Spice Girls na nagpasikat sa kantang “Wannabe”.

Mula ito sa debut album nilang “Spice” na inilabas noong November 4, 1996. Ito ang kanilang debut single na unang umere noong July 1996 sa UK kung saan pitong linggo itong nanatili sa #1 spot ng Singles Chart. January 1997 na nang marating nito ang bansa ni Uncle Sam kung saan nanatili naman ito ng apat na linggo sa #1 spot ng “Billboard Hot 100”. Anim na milyong kopya lang naman ang kabuuang naibenta ng kantang ito sa buong bundo.

Maraming nagsasabi na ito ang pinasikat na kanta ng Spice Girls pero ang totoo, ang kantang ito ang nagpasikat sa kanilang grupo.

Ayon sa kuwento, naisulat nila ang “Wannabe” sa loob lamang ng tatlumpung minuto at natapos nilang i-record ito sa loob lamang ng humigit-kumulang isang oras. Wala lang daw sila sa mood kaya ganun kabilis ang naging pangyayari. Nang matapos ang kanilang album, hindi ito ang napili ng Virgin Records na maging carrier single ngunit ipinaglaban ng grupo ang kanta. Hindi naman sila nagkamali dahil ito na ang naging simula ng pagkakaroon ng mga “all-female groups” noong 90’s.

Ano ba ang ibig sabihin ng zigazig-ha? Ayon sa kanila ay wala lang, isang naimbentong salita matapos ang kulitan nila sa paggawa ng liriko ng “Wannabe”. Sabi naman ng ibang kritiko, ito raw ay salitang nangangahulugang “pagnanasa”.

Noong una ko silang mapanood sa MTV ay talaga namang napanganga ako sa kanilang kanta dahil kakaiba ito sa panlasa ng mga tenga kong noo’y gutom na gutom sa bagong tugtugin. Pinaghalong rap, hip-hop, pop, at dance music in one. Kahit na hindi ganun kaganda ang kanilang mga boses ay may dating ang tono at ang liriko ng kanta kaya naman talagang aabangan mo ito sa teevee at radyo. Sa unang tingin ay mukha silang “freak show” dahil sa kanilang mga makukulay na kasuotan at hairstyle ngunit kapag sila ay iyong tiningnan nang matagal ay mapapansin mong may angking kagandahan ang limang miyembro nito. Tinitigan ko sila nang matagal at nasabi ko sa sarili kong malaki ang kanilang mga hinaharap. Tinitigan ko pang muli at napansin kong “bakatong” ang ilan sa kanila sa music video.

Sa video ay mapapanood ang kanilang “panggugulo” sa isang bohemian party sa loob ng isang hotel. Tumatakbo sila papaloob habang nagsasayaw at sinusundan ng camera. Isang “take” lang daw ang ginawa sa music video ng kantang ito kaya makikita mong may mga sablay katulad ng mga hindi nila pagkakasabay-sabay sa pagsayaw. Mayroon pa nga raw mga bahaging may mga nababangga silang mga kagamitan. Ayon sa kanila, iyon ang gusto nilang ipakitang personalidad ng kanilang tropa.

CLICK HERE TO CONTINUE READING

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90’s blog NoBenta.

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!