Balik-Tanaw: Naaalala Mo Pa Ba ang POPEMOBILE na Ginamit ni Pope John Paul II Noong 1995 World Youth Day sa Pilipinas?

pope mobile

“Isa kang Batang 90’s kung alam mo ang tawag sa sinakyan ni Pope John Paul II sa paglilibot niya sa Maynila noong 1995 World Youth Day.”

Noong 1995 ay dinalaw ng Santo Papa ang Pilipinas upang idaos ang kauna-unahang pagdiriwang ng “World Youth Day” sa Asya. Mula January 10 hanggang 15 ay nagsama-sama ang mga kabataang kinatawan ng iba’t ibang bansa upang magdasal, kilalanin ang kultura ng bawa’t isa, at maging “magkakapatid” sa mga mata ng Diyos.

Natatandaan kong isa sana ako sa mga delegado ng aming paaralan para sa WYD ’95. Mayroon na akong orientation kit ng isa sa mga pinakamahalagang pangyayari noong Dekada NoBenta noon at hanggang ngayon ay nasa akin pa ang ID ko para rito. Kabisado na naming magkakaklase ang anthem nitong “Tell the World of His Love” at ang theme nitong “As the Father sent me, so am I sending you.”.

Ang hindi ko lang matandaan ay kung bakit hindi ako nakasama sa Luneta. Nagkasakit ba ako o mas pinili kong manatili nalang sa loob ng bahay dahil walang pasok sa eskuwelahan? Nabaon talaga ang bahaging ito ng buhay ko sa kalimot. Sayang at hindi ako naging bahagi ng “largest Papal gathering in Roman Catholic history” na ayon sa mga tala ay dinaluhan ng limang milyung katao.

Ang tanging natatandaan ko nalang ay ang pagtutok namin sa GMA7, ang official network ng makasaysayang kaganapan, upang mapanood si Pope John Paul II lulan ng kanyang banal na awtong mas kilala sa tawag na popemobile.

Kinikilaang pinakamataas o pinuno ng relihiyong Katoliko ang Santo Papa kaya naman tinitiyak ang kanyang seguridad sa mga bansang kanyang binibisita. Ang orihinal na popemobile na ginagamit noon ay “enclosure-free” upang mas makita ng mga tao ang Santo Papa kapag ito ay naglilibot. Natigil ito nang maganap sa St. Peter’s Square sa Vatican City ang tangkang pagpatay kay JPII noong 1981.

Sa Pilipinas, pinaghandaang mabuti ang paggawa ng nasabing sasakyan. Ang naatasan para dito ay ang Francisco Motors Corporation na kilala noong bilang isa sa mga pinakamalaking kumpanyang gumagawa ng mga pampasaherong jeepney, owner jeep at ang sikat na sikat nitong Anfra. Ang CTK Inc. na kilalang supllier ng mga armor vehicles naman ang nagdisenyo ng armor nito sa pamumuno ni Engr. Ramon Reyes.

Ayaw sabihin ng FMC at CTK ang kabuuang halagang nagastos para sa paggawa ng Pinoy-made popemobile pero ayon sa ilang mga kinatawan ng Simbahan ay nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang 3M pesotas noong mga panahong iyon. Ganun kahalaga ang buhay ng ating kinikilalang pinakamataas na lider ng Simbahan! Kahit na sabihing galing ang pondo nito sa ilang mayayamang nilalang ng lipunan, nakakalula pa rin ang presyo nito…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90’s blog NoBenta.

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.