Balik-Tanaw: Ano ang mga Masasayang Alaala Mo sa FIESTA CARNIVAL?

8399660135_7fbc29f808_o

Bakit kapag naririnig o nababasa natin ang salitang “karnabal”, may kakaibang saya tayong biglang nararamdaman o naaalala?

Bakit kahit na mangiyak-ngiyak na tayo sa mga nakakatakot o nakakalulang mga carnival rides na ating sinasakyan ay masaya pa rin tayo pagkatapos?

Bakit kahit gaano na tayo katanda, ang feeling natin ay bumabalik tayo sa pagkabata kapag tayo ay nagpupunta sa karnabal?

Ang lugar na aking kinalakihan ay nasa gilid lang ng Kampo Crame kaya naman grade four pa lang ako ay natuto na kaagad akong sumakay sa mga jeepney na may biyaheng “Murphy-Cubao-Farmers” para makarating sa Araneta Center. Isa sa mga paborito kong pinupuntahan namin noon ay ang nabaon na sa limot na FIESTA CARNIVAL.

Maraming masasayang alaala ang lugar na ito ng Cubao. Para sa akin at sa milyung-milyong batang naabutan ang FC, ito ang “Disney ng Pilipinas”, ang pinakamasayang lugar sa buong mundo. Hindi ito katulad ng ibang mga theme parks ngayon sa Pinas (na bukas lang tuwing Pasko at bakasyon) dahil all-year-round ang kasiyahan dito. Anytime na may extra na pera sila ermats at nagyayang mamasyal sa Cubao, imposibleng hindi kami mapapadpad sa noo’y pinakasikat na amusement center ng mga bata.

Ano nga ba ang mga naaalala mo sa Fiesta Carnival?

Simulan natin sa mga rides…

Nasakyan mo ba ang pinaka-exciting ride sa FC, ang kanilang ipinagmamalaking ROLLER COASTER? Ito ay wala sa kalingkingan ng Space Shuttle ng Enchanted Kingdom ngayon pero ilang taon ang hinintay ko bago ako nakasakay dito – bansot kasi ako noong ako ay bata pa kaya lagi akong hinaharang ng nagbabantay kapag nagpipilit akong sumakay dito! Pero huwag ka, halos sumabog ang puso ko at mapunta ang yagbols ko sa leeg dahil sa kaba nang una akong ma-devirginize ng potang ride na ito. Eh ano ba, thrill-seeker nga eh. Ikaw ba naman ang sumakay sa coaster na gawa sa kahoy na mukhang bibigay na, tapos wala pang seatbelt, ano kaya ang mararamdaman mo?

Mayroon ding tinatawag na CATERPILLAR. Ito ‘yung ride na parang roller coaster pero paikot-ikot lang siya na parang carousel. Pinagtiyagaan ko itong sakyan noong hindi pa ako pwede sa roller coaster pero ang totoo, ayoko ng ganitong ride dahil nahihilo ako sa ganitong klase. Ang thrilling part lang dito ay pabilis siya ng pabilis sa pag-ikot kaya kailangan mong kumapit ng mahigpit sa grab bar kung ayaw mong tumilapon.

Isa pang ride na nagpapagising ng kaluluwa ay ang OCTOPUS. Kung titingnan mo ito, siyempre mukha siyang isang malaking pugita. Mas nakakahilo ito para sa akin. Siguro mga dalawang beses lang akong sumakay dito sa buong buhay ko dahil ayoko ang pakiramdam na nasusuka habang nagsasaya. Tulad ng sa Caterpillar, kailangan mong kumapit ng mahigpit kung ayaw mong matulad sa napabalitang batang namatay dahil tumalsik sa ride na ito.

Sa ilalim ng Roller Coaster ay matatagpuan ang HORROR RIDE na isa sa mga pinipilahan kapag peak season dahil siguro ay gustung-gusto natin ang pakiramdam ng natatakot sa mga bagay na hindi naman talaga nakakatakot. Sa pila palang ay kakabahan ka na dahil maririrnig mo sa speakers ang mga sumisigaw na parokyanong nasa loob ng “madilim na kuwebang” dinadaanan ng two-seater na sasakyan. Idagdag mo pa ang panakot ring karatula na nagsasabing hindi ito puwede sa mga mahihina ang puso at sa mga buntis. Takot na takot ako sa mga manananggal, sa sementeryo, at iba pang mga aswang na makikita sa loob nito. Sa pagkakatanda ko, napanaginipan ko pa nga ang mga ito.

FERRIS WHEEL. Isa sa mga pampalula. Nangatog ang tuhod ko dito noong maranasan kong huminto ang mismong sinasakyan namin sa pinakatuktok.

Sa ikalawang palapag ng FC ay matatagpuan ang GO KARTS. Kahit na ilang beses akong bumangga sa mga gulong na harang ng race course ay “go” pa rin ako sa paulit-ulit na pagsakay. Gusto ko kasing matutong magmaneho ng sasakyan. Sa awa ni Bro, hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako marunong. Dahil puro bangga ang inaabot ko, mas nagustuhan ko nalang na sakyan ang BUMP CARS kung saan puwede mong bungguin ng bungguin ang mga trip mong bungguin…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “…NAMAMASYAL KAMI SA FISETA CARNIVAL

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90’s blog NoBenta.

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!