Balik-Tanaw: FLIGHT 387 TRAGEDY

FLIGHT 387 MEMORIAL SHRINE

“Isa kang Batang 90’s kung alam mong walang nakaligtas sa trahedya ng Flight 387.”

Laman ngayon ng mga balita ang patuloy na paghahanap sa eroplanong misteryosong nawala nang maglakbay ito noong March 8, 2014 mula Malaysia papunta sanang Beijing. Hanggang sa ngayon habang isinusulat ko ito ay hindi pa rin natatagpuan ang nawawalang Boeing 777-200ER ng Malaysia Airlines, Flight MH370, na may lulang 239 katao.

Habang pinapanood ko sa teevee ang mga ulat tungkol sa MH370 ay hindi ko maiwasang maalala ang trahedyang naganap sa Pinas dalawang taon bago matapos ang Dekada NoBenta. Nang sumalpok ang eroplano ng Cebu Pacific sa Mt. Sumagaya noong February 2, 1998, itinuring ito bilang “pinakamalalang trahedyang panghimpapawid sa kasaysayan ng Pilipinas”. Walang nakaligtas sa 99 na pasahero at 5 tripulante ng Flight 387.

Marami ang tiningnang anggulo sa kung bakit naganap ang aksidente.

Patungong Lumbia Airport sa Cagayan De Oro ang McDonnell Douglas DC-9-32 mula NAIA ngunit ito ay nagkaroon ng hindi pangkaraniwang stopover sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban upang ihatid ang dalawang air mechanics ng Cebu Pacific at ilang mga kagamitan nito sa pagkukumpuni. Nang lumapag ang eroplano sa Tacloban ay naiba nag ruta nito patungong Cagayan. Dumaan ito sa isang “unregulated route” na limang taon nang hindi ginagamit ng mga commercial aircrafts. Imbes na dumaan sa ibabaw ng dagat ay kinailangan nilang tumawid ng kabundukan upang makarating sa CDO.

Ang pagdaan sa rutang ito ay naging dahilan para sa mga pilotong sina Capt. Paulo Justo at co-pilot Erwin Gola na gumamit ng “visual flight” o hindi paggamit ng mga instrumentong panghimpapawid dahil “off-route” nga sila. Ang mapa ng Air Transport Office ang kanilang ginamit upang malaman ang taas ng mga bundok na kanilang dadaanan.

Labing-limang minuto bago lumapag sa paliparan ay narinig pa ang pangunahing piloto sa radyong nagsabing 68km nalang ang layo nila at unti-unti nang ibinababa ang eroplano mula sa himpapawid, senyales na walang problemang nararanasan. Laking gulat nalang ng ground control nang hindi makarating ang Flight 387 sa kanilang destinasyon.

Ayon kay dating Presidential Assistant for Mindanao Jesus Dureza na nangangasiwa sa search and rescue noon, nabatid daw nilang mali ang nakasaad sa mapa ng ATO na nagsasabing ang Mt. Sumagaya ay may taas na 5,000 ft. above sea level. Maaaring bumangga raw ang eroplano dahil ang tunay na taas ng bundok ay nasa 6,000 ft.

Maaaring nakaapekto rin daw ang lagay ng panahon sa sakuna. Puwedeng hindi nakita ng mga piloto na masyado na silang mababa dahil natatakpan ng makapal na ulap o hamog ang bundok kaya sila sumalpok.

Pinaimbestigahan naman ni dating senador Ernesto Maceda ang mga eroplanong pagmamay-ari ng Cebu Pacific dahil ayon sa kanya, ang mga ito ay mga “second hand” lang at may edad na 31 taon na. Binili lamang ng grupo ni CP President Lance Gokongwei, ang mga ito mula sa Air Canada. Ipinahintong pansamantala ang paglipad ng lahat ng mga eroplano ng Cebu Pacific habang nagsagawa ng imbestigasyon.

Sa kasagsagan ng paghahanap sa mga bangkay at nakaligtas ay binalot ng kontrobesiya ang “stopover” sa Tacloban. Nagpasabog si dating senador Aquilino Pimentel na may nakuha raw siyang impormasyon na nagsasabing kaya dumaan sa Tacloban ang eroplano ay dahil may hinatid silang opisyal ng Malakanyang. Mariin naman itong pinabulaanan ng palasyo. Nagbigay din ng pahayag ang CP na walang karapatang makialam ang palasyo sa kanilang talakdaan. Ang nakapagtataka lang, sa ilang araw na pagsasaliksik ko sa paksang ito ay hindi lumutang ang mga pangalan ng dalawang mekanikong sinasabing inihatid. Ano sa tingin niyo…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90’s blog NoBenta.

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!