Balik-Tanaw: Bakit Walang Nanalong BEST PICTURE Noon sa 1994 Metro Manila Film Festival?

MMFF Logo 001

Bago natin simulan ang kuwentuhan ay linawin muna natin ang pagkakaiba ng MMFF at MFF dahil marami ang nalilito sa dalawang kapistahan.

Ang Manila Film Festival o MFF ay taunang pista ng mga pelikula na ginaganap tuwing sasapit ang “Araw ng Maynila”, Hunyo 24. Nabalot ito ng kontrobersiya noong 1994 nang magkaroon ng dayaan sa mga parangal na “Best Actor” at Best Actress” kung saan nasangkot ang mga personalidad na sila Ruffa Gutierrez, Gabby Concepcion, Lolit Solis, Nanette Medved at ang yumaong Miss Mauritius Viveka Babajee. Naitala ito sa kasaysayan bilang “MFF Fiasco” at naging pamoso sa linyang “Take it, take it!”.

Rewind tayo back to the year 1975, ang taon kung kailan unang ginanap ang Metro Manila Film Festival. Dito nagsimula nag tradisyon ng mga Pinoy na kapag Christmas Season ay puro Tagalog na pelikula ang ipinapalabas sa mga sinehan. Tumatagal ang pagtatampok ng sariling atin mula Disyembre 25 hanggang sa unang linggo ng Enero ng susunod na taon. Wala kang magagawa kundi gastusin nalang ang aguinaldo galing mula kila ninong at ninang sa mga “quality films” na pinagbibidahan ng mga tinitingala nating mga artista sa industriya. Tampok din sa kasiyahan ang parada ng mga artista na nakasakay sa float sa opening ng festival. Sa awards night ay binibigyan ng parangal ang mga artista, producers, direktor, at maging ang mga floats na ginamit sa parada.

Ang pelikulang unang tumanggap ng award for “Best Picture” ay ang “Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa”. Ito rin ang pelikulang nagbigay ng “Best Actor” award kay Erap at “Best Director” naman para kay Augusto Buenaventura. Ang award-giving body ay ang nagbigay din ng parangal sa mga di-malilimutang mga pelikula tulad ng “Burlesk Queen”, “Bulaklak ng City Jail”, “Karnal”, at ang “Himala” na kinilala ng CNN bilang “Best Asia-Pacific Film of All Time” noong November 11, 2008.

Fast forward to December 27, 1994 sa “Gabi ng Parangal”. Ayon sa mga kuwento, ang 20th MMFF Awards Night ay ang pinakamalamya kumpara sa mga nakaraang taon at hindi rin ito masyadong pinansin ng mga personalidad sa industriya ng pelikulang Pilipino. Bilang lang ang mga nakitang bigating artista doon at ang karamihan sa mga dumalo ay mga nominado lang kaya nandoon tulad ni Pidol. Hindi naman ito ikinagulat ng madla dahil alam ng lahat na nawalan ng gana ang mga kritiko at iba pang may kinalaman sa mga pelikula dahil sa naganap na dayaan sa MFF ilang buwan lang ang nakakaraan.

Ang mas ikinagulat ng sambayanan ay ang pahayag ni Dr. Alejandro Roces, ang noo’y MMFF Chairman of the Board of Jurors, na walang nominado at karapat-dapat na manalo para sa anim na kategorya – “Best Picture”, “2nd Best Picture”, “3rd Best Picture”, “Best Director”, “Best Screenplay”, at “Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award”. Maririnig sa mga panauhin ang hiyawan ng panghihinayang ngunit mayroon din namang mga sumang-ayon sa desisyon ng bumubuo ng kapistahan. Isa itong direktang sampal sa pagmumukha ng lahat ng mga organizers. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng MMFF na hindi kumpleto ang mga parangal.

Noong taong iyon ay anim ang pelikulang nakapasok – dalawang action, dalawang comedy, at dalawang fantasy / horror…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90’s blog NoBenta.

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.