Balik-Tanaw: Ang Sipon ni Pavarotti

pavarotti and friends

“Isa kang Batang 90’s kung alam mong muntikan nang hindi matuloy ang konsyerto ni Pavarotti sa Maynila.”

Ang musika ay isang wikang naiintindihan ng lahat.

Walang pinagkaiba ang “Macarena” ng Los Del Rio,na sumikat noong Dekada NoBenta, at ang “Gangnam Style” ni Psy na kinabaliwan ng buong mundo kamakailan lang. Hindi batid sa dalawang mga kanta kung ano ang ibig sabihin pero maganda raw sa pandinig at masarap sayawin kaya ito pumatok nang wagas.

Dalawang dekada na ang nakararaan, pinatunayan din ito ng sambayanang Pinoy nang dayuhin ng sikat na tenor Luciano Pavarotti ang Pinas upang magtanghal ng isang konsiyerto sa Philippine International Convention Center noong March 21, 1994.

Noong unang pumutok ang balitang ito ay umani kaagad ito ng napakaraming kritisismo. Bakit kailangang magdaos ng isang mamahaling gig sa isang naghihirap na bansa katulad ng Pilipinas? Paano maiintindihan ng mga dadalo ang mga kanta ni Pavarotti gayung halos lahat ng mag ito ay naisulat sa wikang Italyano? Saan kukuha ng pera ang mga simpleng taong nakakaintindi ng orkestra upang makapunta sa PICC?

Kung buhay na ang Tangina This! noon, malamang sa alamang ay sasabihin nilang ‘tangina lang ang mura. Ang palitan ng pera noong mga panahong iyon ay nasa beinte-singko pesos kada isang dolyar ni Uncle Sam kaya naging mataas ang halaga ng mga tikets nito sa piso. Kung nahirapan kang umiskor ng tiket ng 7,107IMF na ginanap sa Clark noong nakaraang buwan dahil namahalan ka sa anim na libong presyo, ano kaya ang masasabi mo sa halaga ng palabas ng tenor na nagkakahalaga ng 3k (2k para sa mga estudyante), 5k, 10k, at 25k pesotas? May mga balita pa ngang ang mga choice seats ay umabot sa isandaang libong piso kada isa! World class performer si Luciano kaya naman hindi biro ang perang ibabayad sa kanya. Ayon sa mga kuwento, ang kabuuang halaga ng nasabing pagtatanghal ay nasa 20M pesos.

arturo tolentino

Mas binalot ng kontrobersya ang gig nang sumawsaw sa isyu ang yumaong Blas Ople. Sinabi niyang hinihikayat niya ang noo’y pangulong FVR na arestuhin ang mga opisyal ng gobyernong manonood. Ayon sa kanya, nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang “thoughtless extravagance” ng mga naninilbihan sa pamahalaan. Ang kasong ipapataw sa mga mahuhuli ay “conspicuous consumption” at “ostentatious display of wealth”. Nagpahayag naman ang yumaong Arturo Tolentino na isinauli niya ang kanyang libreng 20k tiket (na wala namang ganitong halaga kundi 25k lang) sa mga organizers. Ngunit sa huli ay humingi siya ng despensa mula sa mga organizers dahil hindi naman ito totoo…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90’s blog NoBenta.

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!