Balik-Tanaw: Alam Mo Ba ang Hidden Meaning ng Awiting “SPOLIARIUM” ng ERASERHEADS?

“Isa kang Batang Nineties kung inakala mong may kaugnayan ang ‘Spoliarium’ ng Eraserheads sa rape case ni Pepsi Paloma.”

Sa pagbabasa ng mga komento sa aking blog entry na “Ano’ng Sinulat ni Enteng at Joey” ay napadpad ako sa lungga ng isa pang kapwa-blogger kung saan matatagpuan naman ang isang komento na nag-uugnay sa kantang “SPOLIARIUM” at sa kaso ng panggagahasa ‘di-umano ng tatlong sikat na komedyante kay Pepsi Paloma noong Eighties.

Ayon sa isa sa mga nag-iwan ng mensahe sa blog (na ngayon ay nabura na sa hindi maipaliwanag na dahilan), may ilang mga propesor sa UP ang nagtuturo sa mga Iskolar ng Bayan na ang awiting ito ng Eheads ay tungkol nga sa rape case ng bomba star. Kahit ako, ang pagkakaintindi ko sa kantang ito ay ang sagot ni Ely sa ginawa ni Tito Sotto sa kanilang grupo. Ang interpretasyon ko sa linyang “Ano’ng sinulat ni Enteng at Joey diyan sa pintong salamin? ‘Di ko na mabasa pagka’t merong nagbura…” ay tungkol sa whitewash na naganap daw kaya nabaon sa limot ang kaso ng nagpakamatay na bida ng “Room 69”.

Nabasa ko na noon sa isang edition ng Pillbox (official Eheads magazine) na ang mga tinutukoy sa malufet na single ay ang kanilang mga road crew. Coincidence? Siguro. Isa lang itong patunay na isang henyo si Eleandro sa pagsusulat ng kanyang mga liriko. Napapaisip ang mga tagapakinig…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.

Loading...

About NoBenta

I think, therefore I blog. JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 35-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains the 90's blog NoBenta.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!