Bakit Nga Ba Hindi Ka Pa Magsulat ng Libro?

7/24/2013 2:27:03 AM
www.goldleafbookwriters.com

Babala: Magbasa muna bago mag-react.

Simula noong nagsulat ako sa aking mga blog, maramaing tanong ang bumulabog sa kaisipan ko. Maliban sa mga kritisimo ukol sa mga akda at punto ng mga sanayasay ng aking opinyon, ay tungkol sa direksyon ng buhay at karera ko naman ang mga tanong na ipinupukol sa akin.

At isa sa mga pinakatinatanong sa akin ay ito: “Bakit hindi ka pa magsulat ng libro?”

Oo nga naman, bakit nga ba hindi pa ko magsulat ng isang libro? Mantakin mo, mula noong 2010 ay mahigit 500 na ang mga artikulo mo sa sariling blog site. At nag-evolve na rin lang naman ang istilo ng pagsusulat mo, ‘di ba? At pakialam ba ng ibang tao na kini-criticize ang iyong gawa at pananaw sa usapin kung sadya namang against the flow ang tingin mo sa mga ‘yun, ‘di ba?

Hindi ako magpapaka-hipokrito – alam ko, na ang pagkakataon na magkaroon ka ng isang libro na ikaw mismo ang awtor nito, ay isang napakagandang bagay na kung tawagin ay “achievement.” Napakalaking legacy na ito sa buhay mo, bilang manunulat man o bilang tao.

Subalit, hindi ko na rin iniisip na magkakaroon ako ng sariling libro. At least, hindi muna sa ngayon. Hindi ko na rin iniisip kung may mapangahas na tao o kumpanya d’yan na aalokin ako baka sakali. Kung iniisip ng ilan sa mga umiidolo sa akin (kung mayroon man) na bakit nga sila? Yung gumagawa ng mga kwento sa Wattpad, sa Definitely Filipino, sa kung alinmang website pa yan, sila nga na hindi naman din ganun ka-tanyag ay may libro, ikaw pa kaya, SlickMaster? Ay, sorry, hindi ko po sila kauri, mga ‘tol. Kada writer ay may kanya-kanyang istilo at opinyon sa mga bagay-bagay. Hindi lahat sa amin ay magkakatulad kung alam n’yo lang.

At bakit naman ganun lamang ang mga sagot ko? Marami akong dahilan kung bakit hindi ko rin gusto ang maisalibro ang alinman sa mga nagawa ko.

Click here to read the entire article.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!