Bakit nangangaliwa si Mister?

Awang-awa ako sa isa sa mga twitter follower ko na dinadaing ang kanyang suliranin hinggil sa kanyang asawa at ang pangangaliwa nito at ang masaklap, matalik niya pang kaibigan ang karelasyon ng kanyang asawa.kaya naman ang kanyang malaking tanong, “Bakit ba nangangaliwa ang mga kalalakihan”?

Isang mabigat na katanungan na susubukan nating bigyan ng kasagutan.

Unang-una ang babae man o lalake ay may tendency na maglaro ng “ibang team”, wika nga nila, at ang kadahilan ayon sa mga nakapanayam ko noon sa aking programa sa radyo ay ang ilan sa mga ito.

Paghahangad ng attensyon-Kailan niyo pa huling nasabihan ng “I Love You” ang inyong mga mister,di niyo na maalala ano?oo kasi kung minsan dahil nga alam na ng mga mister natin na mahal natin sila ay nakalimutan na nating sabihin kung gaano natin sila kamahal, lalo na kung tumatanda na, kasi sabi ng ilan “Corny na”ngunit hindi dapat, kasi habang nandiyan pa ang mga mahal natin sa buhay ay hindi lang sa gawa kundi dapat sabihin din natin ito, ay ang pagsasabi ng simpleng “Thank You” mga malilit na bagay na nagawa ng mga mister natin? oo hindi na rin matandaan, kasi hindi na natin nababanggit yon, ang “pagpupuri sa mga asawa natin” sa tuwing may nababagay sa kanilang kasuotan,o kaya ang kanilang bagong gupit na buhok? o hindi na kasi palagay natin alam na nila, ?buttomline mga sisters, ang lahat ng mga ito ay hinahanap pa rin ng atging mga mister, gaya din nating mga kababaihan, at possibling ang mga bagay na ito ay nahahanap ng mga lalake sa ibang babae kaya doon nag-uumpisa.

Gustong patunayan ang pagkalalaki-madalas dahil sa kantiyaw ng mga kabarkada ni mister, napapasubo sila at gustong subukan kung may charisma pa ba sila sa isang magandang checks na nakatabi sa jeep, at yon doon nag-umpisa

Nakulangan sa sex-madalas dahil nga marami nang mga anak ang inaalagaan si Misis, palagi na itong nakakaramdam ng pagod at tuwing nangangalabit si mister ay tinutulak na lamang ito, o kaya naman madalas nakakalimutan nating mga kababa-ihan ang pagiging asawa, tandaan na ang pagiging asawa ay iba sa pagiging ina ng tahanan.

Problema sa Pamilya-At kung minsan dahil sa dami ng problema sa bahay, si misis lagi na lang putak kaya naiingayan si mister, eh ang seste!gusto ni mister na pag-uwi sa bahay ay magpahionga na lang ngunit problema ang kanilang nadadatnan.kaya naman humahanap si Mister ng babaeng makakaintindi sa kanya at hindi puro problema ang dala.

Kawalan ng Pananalig sa Diyos-Sa isang relasyon dapat laging sentro ang pananalig sa Poong Maykapal, dahil kung sa anumang relasyon ay ang Panginoong Diyos ang nasa gitna lahat ng tukso ay maiiwasan.

Posted by
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!