Bakit Mahal Kita

Image credit: HD Wallpapers Rocks

Marahil isa sa pinakamasarap damhin o pakiramdam ay ang karanasan sa pag-ibig.

‘Yung damdamin na hindi maintindihan kung saan nanggagaling, at kung bakit? Damdamin na hindi basta maipaliwanag. At marahil iba iba ang karanasan ng bawat isa, ngunit iisa ang puno’t dulo ng nararamdaman… ‘yung pagseselos na kay hirap ipaliwanag, ‘yung biglang pagtambol at kaba sa dibdib na ‘di mawari kung ano at bakit? ‘Yung galak, tuwa’t saya na ‘di mapapantayan tuwing nasisilayan ang kinagigiliwang mahal. ‘Yung pagtatagpo ng mata sa mata na may kakaibang boltahe ng kuryente sa titig, tingin at mga nakaw na sulyap.

Ngunit sa kabila nito nariyan din naman ang walang kasinghapding kirot na ‘di maarok tuwing masasaling at napapasubo sa unos ng kabiguan ang hamak na mangingibig.

Saan at ano nga ba bakit kay hiwaga ng pag-ibig?

Magkaganunpaman, nabigo man o sawimpalad sa unang pag-ibig, hindi maikakaila na napakasarap pa rin sariwain, isipin, gunitain ang mga alaala ng mga nakaraan sa piling ng iniirog na minahal nang sagad at halos walang kapantay na ulos ng damdamin.

Mayroon din namang sa pakiwari ay nagkikimkim ng lihim na pag-ibig. Pilit ikinukubli nito ang payak na damdamin; marahil sa takot na harapin ang kabiguan o balewalain ng kanyang iniibig kaya’t nagtitiis itong itago na lamang at namnamin sa sarili at hayaang lipasan ng panahon.

Subalit mapalad ang nagkakaroon ng lakas loob na ihayag, ipaalam, sabihin sa minamahal nito ang kimkim na damdamin.

Anuman ang kahantungan mas mainam pa rin ang nasabi natin sa ating mahal ang pambihirang damdamin na nagtago’t lihim na nabalot sa hiwaga ng pag-ibig. Dahil ano’ng saysay ng emosyon na ating nadarama kung ito ay kikimkimin at itatago lamang?

Ngunit malamang mayroon din naman kung tawagin ay pusong-bato; ito ‘yung walang pakialam, mandi’y manhid ang damdamin…

Walang inatupag kundi pansarili lamang

Puro panay ako ako ako at ako !

Totoo, maraming uri ng pag-ibig o pagmamahal. Nariyan ang pagmamahal sa magulang, sa ina’t ama, sa mga anak, kaanak, kaibigan.

Ngunit ang tukoy at tumbok natin ay ang pag-ibig na hindi maarok.

May kasabihan pa na ‘kapag hindi natin maintindihan kung bakit labis labis na gusto natin ang isang tao marahil  biktima ka na ng pana ni kupido o nasadlak ka na sa mahiwagang kulungan ng pag-ibig.

Background music  ^_^

About awtomatik

An ordinary OFW struggling to write trying to share the thoughts that keeps boggling the mind seeking freedom from its cage. http://pilosopongpinoy.blogspot.com/ hakaco.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!