Bakit List Vs Dahil List (1-10)

Note: My ex and whys. Ang pinagmulan ng bakit list at dahil list. Kaya naman naisip kong sagutin ang mga bakit list ng karamihan. Anyway nagtanong ako sa friends ko ng tanong nila for my bakit list and let me answer it with my own dahil list! Enjoy my part 1!

“Bakit list at Dahil list Part 1”

Bakit # 1 : Bakit may mga taong hindi worth it mag-stay sa buhay natin?

Dahil # 1 : Simple lang, Dahil hindi siya para sa iyo, hindi siya ‘yung right one na hinahanap mo, at lalong hindi siya ‘yung taong inihanda ni Lord para sa iyo.

Bakit # 2 : Bakit hindi lahat ng “bakit” ay may sagot na “kasi” o “dahil”?

Dahil # 2 : Dahil hindi lahat ng tanong puwedeng may sagot at tandaan mo hindi lahat ng sagot tama, kaya huwag, mas masasaktan ka lang!

Bakit # 3 : Bakit may feelings tayo sa isang tao na hindi natin puwedeng aminin?

Dahil # 3 : Dahil alam mong may iba siyang gusto at ang masakit hindi ikaw o baka naman dahil isa ka sa mga taong nagkipag-bestfriend at ayaw mong masira ang pinagsamahan n’yo. Isa pa friend, Dahill alam mong at the end, AASA ka lang.

Bakit # 4 : Bakit ba may umaasa? at Bakit ba may paasa?

Dahil # 4 : Paiklihin natin, Dahil may paasa at Dahil alam niyang may aasa. pero alam mo ba ang talagang sagot?  Una, Dahil Assumera o Assumero ka, masyado kang nagpadala sa pa-cute effect niya malay mo friendly lang talaga siya o baka bored lang siya. Ouch! Pangalawa, Dahil napaasa na din sila, naku, revenge niya lang ‘yun, malas mo sa iyo napunta o kaya naman Dahil alam niyang Mahal mo siya, magtira ka rin sa sarili mo, okay?

Bakit # 5 : Bakit hindi ko siya makalimutan?

Dahil # 5: Basic! Kung hindi pa kayo o hindi kayo (magkaiba kasi yun. LOL) Ito ay Dahil ayaw mo naman talaga siyang kalimutan kasi nga gusto mo siya o baka naman mahal mo na ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo. Sabi nga nila pag ayaw mo nang mawala sa ‘yo o sa isip mo, may something na. Medyo fishy! hahahaha. Kung ex mo naman, simple lang. MAHAL mo pa! Move on na, may mas better pa sa kanya.

Bakit # 6 : Bakit SIYA pa rin?

Dahil # 6 : Dahil ayaw mo ng iba at siya lang talaga ang nagpatibok ng puso mo. yieeeeee! hahaha. o baka naman siya lang ang nakikita mo kahit maraming handang maghintay sa iyo!

Bakit # 7 : Bakit ako naiwan? at Bakit ko siya iniwan?

Dahil # 7 : Una, Dahil kailangan mong tanggapin na baka may mahal na siyang iba o baka naman may sakit eh kasi sa movies ganun set up nila; magkakasakit tapos ang drama nila ayaw daw nilang malaman ng mahal nila. Hayy nakoo! o baka naman ayaw ka na niya or nawala daw ng feelings! Pangalawa, dahil ‘yun ang alam mong tama, ang iwan siya kahit alam mong masasaktan siya o baka Dahil may sakit ka rin?  Joke hahaha, eto totoo na talaga. Dahil hindi ka na masaya sa kanya o Dahil may mas malalim kang dahilan o baka naman isa ka sa mga taong trip lang magmahal.   Huwag ganun!

Bakit # 8 : Bakit mo ako minahal ?

Dahil # 8 : Confident level mo ah! hahaha! Dahil you gave me so many reasons to love someone like you. Basta Mahal kita. waahhh. Ang cornyyy koooo! Hahahaha!

Bakit # 9 : Bakit ka mataba?

Dahil # 9 : Grabehan yan! Dahil may tatlo akong dahilan. Dahil masarap kumain, Dahil may pambili ako ng pagkain at dahil pati pagiging mataba ko big deal sa ‘yo. Hahahaha mas maraming mas mataba sa akin noh. 😛

Bakit # 10 : Bakit nauso ang salitang MU?

Dahil # 10 : Dahil minsan kailangan mong hintayin ‘yung right time para sa inyong dalawa. :))

May iba ka pa bang bakit na tanong? Comment below and I’ll answer it in my Part two!

About princessm5826

Hi. I'm a 17 year old girl. A senior high school student 🙂