Bakit gabundok ang ice sa Coke ng McDo atbp?? Pagkaing pinoy na lang..

(Photo Credit:  imgarcade.com)
(Photo Credit: imgarcade.com)

Banana-que, turon, samalamig, sago, buko, gulaman, halo-halo, pagkain at inuming pinoy na tumatak sa atin, hindi lamang sa hitsura ngunit pati na rin sa kasarapan yum yum, nginig hanggang buto sa kasarapan.

Nakakamagkano ka makakain lang ng mga ito??… ubos baon, ‘di ba?? o di kaya’y ubos sweldo, pagkaing Pinoy eh, ngunit sa pabago-bago ng panahon, alam ba ng mga anak niyo kung anong lasa ng mga ito?? alam ba nila kung anong hitsura at saan galing?? o kaya sa mga kabataan ngayon, malamang hindi na, pero pag usapang Fastfood chains, Jollibee, KFC, Tropical Hut, Mang Inasal, Pizza Hut, Shakey’s, Greenwich, McDo, aba mabilis tayo diyan at alam na alam natin yan, pag gutom na gutom na at ayaw ng maghintay ng matagal sa pagkain, dito takbo natin, gusto instant eh kaya nga tinawag na “fastfood”. Pero sa kabila ng sosyal na panawag ay ang pansosyal rin na presyo, syempre pag tinawag mong turon, bibingka, kakanin, mukha bang sosyal sa iyong dating?? diba hindi? pero kapag burger, fried chicken, fries, coke, sundae, mapapatanong ang mga bata lalo na, kung ano iyon at mapapaisip na rin kung magkano kaya??. malamang magugulat sila sosyal ang pagkaing binigkas eh edi pati na rin sa presyo.

Pag sinabing Burger ay singkwenta pataas yan, kumpara sa dyes na turon, pero meron din namang mababang presyo yun nga lang pagpikit mo pa lang ubos na ang biniling pagkain, syempre di mo kaya yan kung puro pagkain lang dapat may drinks din baka mabulunan pa. Coke, Sprite, Royal, at marami pa, pili lang…

Ang drinks kailangan malamig lalo na ang mga softdrinks hindi pwedeng mainit ang mga yan, request ka ice?? wag na! Automatic na yan! alam mo bang kapares ng mga drinks sa mga fastfood chains ay ang ice…

Coke?? aba ayos yan nice choice. Sa totoo lang pare-pareho lang yan………

Hindi sa lasa kundi sa dami ng ice, diba tama ako?? Galing.

Ano ba talaga ang binili mo? Ice o Coke? Hahaha.

Kung susumahin dyes na Coke ang binili mo at kinse naman sa ice nito, tapos isipin mo ice yan magiging tubig yan ng ilang segundo, ano pa kaya ang lasa ng Coke mo?? ang galing, at sa kakalaklak mo ng drinks namamanhid na ang bibig mo dahil sa ice..

Wag nang magreklamo, negosyo at negosyo yan, di ba’t ang target ng negosyo ay ang Profit o kita?? tama..

Pagdasal mo na lang na sana sa susunod pwede na ring umorder ng ice at payagan kang magorder ng Drinks na walang ice, buti na nga lang ang mga pagkain wala ring ice kung meron baka maubusan na sila ng customer.

Bali alam niyo na ang sagot kung bakit gabundok ang ice sa coke ng McDo atbp?.. ang sabi nga sa inyo negosyo yan, target lang nila ang pera at wala ng iba, konsyumer tayo at sila producer, matatalino tayo ngunit pagdating sa negosyo lubhang mas matalino sila, pero diba lahat tayo matatalino kung wais ang producer sa paggawa dapat mas wais rin tayo sa pagbili, pwede naman sabihing wala na lang drinks sa order mo siya pa yung binabayaran mong ICE, kung ngayon mo lang napagtanto ice lang yan, dahil sa susunod alam mo na.

Pero bakit tinawag na fastfood kung umaabot hanggang pinto ang pila??? tayo na nga ang magbabayad tayo pa ang magsasakripisyo, aray, edi sana slow food na lang ang tawag. Kung papansinin may pito o higit pang counter pero ang pila tatlo o dalawa lang, yung counter 7 sabi counter 6 na lang, si 6 naman sabi 5 na lang, tapos si 5…. hay wag na makakasakit lang ng tao yung oorder. Tapos pagkarami raming waiter at waitress yung iba nagkukumpulan sa loob para hindi makita, yung iba nakasimangot, yung iba masungit ang dating.. grabe!

Mga sari-saring problema sa pagkain pagpasok ng chain problema pati sa pagkain problema ulit mas marami pang balot kesa laman. Parang pagaaral lang yan, kung gusto mong maging abugado edi kumuha ka ng abogasya wag kang kumuha ng engineering, gnun rin sa pagkain at inumin, kung gusto mo ng coke wag kang pumunta sa kainan na ang bubungad sa’yo eh “pizza”, “burger”.\

Laging isipin maging wais, ang ice tubig lang na pinalamig hanggang sa maging solid, kung gusto mong lumamig ang drinks mo wag mong lagyan ng tubig, o kaya konti lang wag buhusan ng ice. May ref naman at pinoy tayo, dapat mas alam ang Pinoy foods kesa dayuhang pagkain.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!