Bakit ang Pinoy Iba ang Tingin sa mga Kapwa Pinoy na Kayumanggi ang Kulay ng Balat?

(Photo Credit: Posterlounge.co.uk)
(Photo Credit:  Posterlounge.co.uk)
(Photo Credit: Posterlounge.co.uk)

Mula bata ako, marami na ang nanloloko sa akin dahil sa kulay ko. Kaya hindi ko kinahiligan ang lumbas at makihalubilo sa maraming tao. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit napakalaking isyu kapag hindi ka maputi. Minsan, sa school una agad napapansin iyong mga mapuputi. Natanong ko tuloy sa sarili ko, normal lang ba ito?

Hanggang sa ngayon may mga iba pa rin kung makatingin sa akin. Minsan, pakiramdam ko isa akong dumi na hindi dapat pakalat-kalat. Minsan masakit kasi minsan tatawanan ka pa ‘yon pala sa likod ng mga ngiting yon e pinagtatawanan ang kulay ko. Hindi ko maintindihan ito kahit hanggang ngayong mga oras na ito.

Ang pinagkaibahan nga lang ngayon, mas confident na ako sa sarili ko. At isa sa dahilan na ito ay ang pagkikisalamuha ko sa mga foreigners. Ibang-iba ang opinyon nila sa mga tulad kong pinoy na hindi ikinahihiya ang kulay. Na hindi nagjajacket kapag naglalakad kasi takot mangitim, or nagpapayong or gumagamit ng mga pampaputi na cosmetics para lang pumusyaw ang kulay ko.

Mula sa maraming beses na pakikipag-usap sa mga foreigners, dapat ko pa ngang ipagmalaki ang kulay ko kasi ito ang tatak talaga na Pinoy ako. Na purong Pilipino ako at hindi ko ikinahihiya ang kulay ko.

Minsan kasi sa maraming pagkakataon, marami akong kilala na talagang gumagastos ng malaki para lang maging maputi. Para maging katulad ng western people. Hindi ko rin ito maintindihan.

Kung marami sa ating mga Pilipino e proud Pinoy e bakit kaya halos lahat e gusto maging maputi at ikinahihiya kapag kayumanggi ang kulay. Para kasi sa aken, para mo na ring itinago ang saril mong identity as a Filipino Citizen kung ang simpleng kulay mo ay gusto mo baguhin at mas proud ka na maging maputi.

Hindi lahat ay ganito, pero karamihan o majority ng Pilipino ay may kaputian. Hindi ko rin maintindihan kung bakit marami sa mapuputi ang tingin sa aming kayumanggi ang kulay ay hindi nababagay sa lugar kung nasaan sila. Kahit minsan sa mga programa sa telebisyon, ang palaging kawawa ay ang mga maiitim or dark brown na balat..At sa bawat patalastas or advertising halos karamihan ay mga pampaputi ang makikita. Pero nasa Pinoy naman ang desisyon kung saan sila masaya; okay lang. Pero sana hindi natin makalimutan na walang masama sa kayumangging kulay. Hindi ako pumapayag na dahil kayumanggi ang kulay ko ay iba na ako sa karamihang mapuputi. Pare-pareho lang tayong mga pinoy. Anuman ang kulay natin hindi ito ang pamantayan ng antas ng pagkatao ng isang Pilipino.

Ito ay nasa isip, puso at nasa gawain natin sa araw-araw. Hindi ko rin kasi makalimutan na dahil sa kulay ko ay marami ang hindi tumanggaps sa akin sa mga pinag-aaplayan ko. Kalimitan, mapuputi muna ang inuuna nila. Nakalulungkot ang mga ganitong sitwasyon na alam kong hindi lang ako ang nakakaranas. Alam ko marami sa mga pinoy ang nakakaranas ng hindi magandang pakikitungo sa kanila ng ibat ibang tao dahil lang sa kulay ng balat.

Walang masama sa pagiging maputi, marami akong kaibigan na mapuputi, pero walang wala ring masama kung maitim ka. Ang maipapayo ko lang sa mga katulad ko na dark complexion, huwag kayong mahiya sa kulay ninyo. Hindi ito sakit na dapat ikabahala. Para sa akin isa itong maipagmamalaki ko sa buhay ko. Dahil alam kong isa akong pure Pinoy at walang halong iba. Orihinal na mula Pilipinas. Ngunit ang nakalulungkot at nakababahala, dahil nga ang mayorya ng pinoy ay gustong pumuti, ang mga susunod na henerasyon ay ganito rin ang magiging hilig. Nakalulungkot, pero ito ang katotohanan na umiiral ngayon at mula pa noon na lalo pang nagiging obyus sa publiko.

Kapag maputi ka mas in at katanggap-tanggap ka, pero kapag maitim ka minsan walang komento or pinagloloko lang or walang karapatang magcomment or magsalita.

Ang masasabi ko lang tayo ay pare-parehong pilipino, pare-parehong may karapatan na magsalita, anuman, sinuman at saan ka man nakatirang sulok ng buong Pilipinas.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!