“Bahala na si Batman”

Dahil ikaw ang superhero ko.

 

At ang bukas ay dumating. So far, mukha mo ay maaliwalas. Wala ni isang bakas ng pagkukunwari o pag-aalinlangan dahil alam mo sa puso mo, nagmamahal ka na ngang totoo. ‘

Yung tunay. Hindi peke. K’si pag peke, halata. Higit sa lahat, madaling masira. Siyempre ayaw natin nang ganun. Mahirap yung isadlak mo ang sarili mo sa ganoong klaseng sitwasyon. Ikaw ang dehado. Baka sa bandang huli maiuntog mo pa ang ulo mo sa matinding pagsisisi. K’si yung pagsisisi kailanman ay hindi mauuna. K’si pag nauna, kaakibat na nun ay kasalanan. Pero, kailan naging kasalanan ang magmahal?

Siguro kung nagmamahal ka nang higit sa isa. ‘Yung kaliwa’t kanan at meron pang reserba. ‘Yung lahat sila napaniwala mo at nagtiwala sa ’yo.

Madaling maniwala. Pero ‘yung tiwala hindi natin basta basta nakukuha. Dadaan pa tayo sa butas ng karayom bago makuha ‘to. Pero sa akin, hindi mo na kailangan dumaan sa butas ng karayom para makuha mo ang tiwala ko. Sapat na ang maantig ang puso ko sa nakikita kong pagpupursigi mo. May consistency ‘ika nga.

‘Yung tipong hindi “lulubog, lilitaw”, kung kailan lang nila gusto magpakita, o kung kailan lang mayroong load o signal para makapag-text o tawag sa ’yo. ‘Yung tipong iiwanan ang larong DOTA para sa ’yo. ‘Yung hindi na kailangang i-remind kung sino ka sa buhay nila because you are someone who always exist in their minds and that the two of you mind about each other and the love that you share together?

Ang sarap pakinggan.

Minsan hindi ko napigilan sagutin ang tanong sa Facebook tuwing magpo-post ng status.

“What’s on your mind, Nomatterwhat143?”

Hmmm? Maybe just a blank space. A blank so full of space (You)? Haha. At sa blank space na ‘yun nakaukit mukha mo, pangalan mo. Hindi ko sasabihin. Hindi ko ipagsisigawan sa buong mundo. Maraming echoserang palaka sa tabi-tabi, kaya maraming lovelife na nauunsyami. Hahayaan mo bang madagdagan ang kanilang biktima? Sapat na’ng marinig mo mula sa labi ko na “Mahal kita…” Hindi mo ako tinanong. Sinabi ko nang kusa. Kailan ko pa sasabihin? Kung nabaling na sa iba ang iyong pagtingin?

Sinabi ko ‘yun dahil naniniwala ako sa ’yo. Pinagkakatiwalaan kita. Kung ang isang tao ay may tiwala sa ’yo, walang dahilan para hindi ka paniwalaan. At ano ang ipinaparamdam nito sa ’yo? Kompiyansa sa sarili. ‘Yung kahit inabutan ka ng 6.5 magnitude na lindol sa 5th floor ay hindi ka natakot. Pa’no ka matatakot kung kasama mo si Batman?

Kaya maniwala. Magtiwala. Huwag padala sa kaba at hinala. Sa sabi-sabi, ng mga ipinaglihi sa puwet ng manok na labi.

Mahal mo siya.

Mas may hihigit pa ba at titibay sa pinanghahawakan ng puso mo?

(Photo credit: Pinterest)

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!